Gi, tinawag nya ito habang may ilang hakbang pa ang distansya sa pagitan nila.Nang lumingon at makilala sya ay mabilis itong tumalikod at naglakad palayo. Hinabol nya ito, sya lang ang tanging pag-asa para mahanap si Deanns. Atleta si Jema kaya mabilis na naabutan nya ng tila tumatakas na lalaki.

"Gi, mag-usap tayo please. Kailangan ko ang tulong mo!"

"Hwag dito Jem, baka may makapagsumbong sa kompanya, ayaw na kitang madamay pa sa gulo at mapagaya kay Deanns."

"Handa akong sumunod at mapagaya sa kanya! Please lang magtulungan tayo."

"Alam mo pa ba pumunta dun sa townhouse na tinuluyan nyo dito nung nagpa check up kayo?"

Sa bayang ito nag-aral ng kolehiyo si Jema kaya medyo kabisado nya ang lugar at saka marami syang di malilimutang alaala sa bahay na yun.

"Ano pa ba ang gusto mo Jema?

"Gusto ko syang hanapin at bawiin sa mga kumuha sa kanya?"

"Para ano? Para pabayaan at isuko ulit?"

"Alam mong hindi totoo yan! Mahal ko ang asawa ko!"

"Mahal? Hindi ko naiintindihan kung anong klaseng pagmamahal yan!" napapalakas na ang boses ni Luigi.

"Mahal ko din si Deanns, Jem simula bata pa kami hindi ko sya iniwan, hindi ko sya sinukuan."

"May malubhang anxiety si Deanns, kapag nakakaramdam sya na hindi sya pinapahalagahan ng taong importante sa kanya o sa bagay na mahalaga sa kanya, umaatake ito. Pinagpapawisan sya, nanginginig and at worst nagpapalpitate which can lead to a cardiac arrest. Nag-umpisa ito sa constant na pagbabalewala sa kanya ng daddy nya mula ng iwan sila ng mommy nya. Nasa Grade School kami noon, MVP sya sa intrams naming , pero pinili ni Tito Dean na mag-attend sa recognition sa Pre-schoolers, may naging anak kasi ito sa pangalawang partner nya. Sa sobrang sama ng loob nya ay kinumpronta nya si Tito. Pinamukha sa kanya ni Tito na mas importante ang academics kaysa sa award nya sa sports. Sinabi nya na siguro kung buhay ang mommy nya, pipiliin nito na suportahan sya sa sports na mahal nya. Pero ipinamukha din ni tito na bago pa namatay si Tita ay iniwan na sila nito, pinili nitong sumama sa ibang lalaki dahil may ipinagbubuntis ito. Nang gabing yun, Nawala si Deanns, lumayas sya sa bahay nila, magdamag kaming naghanap kasama ang Daddy ko. Kinaumagahan ko na sya nahanap, sa gym ng subdivision, nandun lang pala sya buong magdamag, nakabaluktot sya sa likod ng basketball court, yakap ang bola, mugto ang mata, nanginginig, basang basa ng pawis. Buti naabutan ko pa sya at nadala sa hospital. Buong high school at college namin, she was too driven in her academics na isinabay nya sa sports. Summa cum laude sya ng magtapos with hordes of sports awards. Pero lahat ng iyon ay wala pa ring halaga kay Tito Dean. Kumuha lang ito ng isang specialist para daw gamutin ang kabaliwan ng anak nya.

Sana you would understand how important she is to me, hindi ako umalis sa tabi nya since Day 1 Jem, and that is what I called love. Though I am just a brother to her, but I chose to stay hoping that one day she'll look at me in a different light. But then she decided to travel the world. Nandun pa rin ako para sa kanya. After she lost Irma,she came home to me. Akala ko okey na kami, kasi sa akin sya umuwi. Only to ask me to join her staff in her Dad's new mining project.

And then you happened! The moment she told me na ikaw ang gamot sa anxiety nya, remember her first visit sainyo, inatake sya ng anxiety nya. She was on the verge of a cardiac arrest, pero haplos mo lang daw napakalma mo na sya. Yung gamot na binigay mo sa kanya was for her respiratory tract infection. Naubos na ang baon nyang gamot for her anxiety and she forgot to order pala, galing pa kasi abroad yung gamot nya. That was the time that I decided to give way, because you are everything to her, how can I deny her her complete healing?" kaya kita mo naman, all out ang support ko sa wedding nyo. Because I wanted her to be happy, . . . with you.

Tapos andito tayo ngayon, I am as broken as you are Jem. I might have lost the love of my life dahil nagparaya ako sayo!"

Sa pagkahaba habang litanya ni Luigi ay tuloy tuloy lang na umaagos ang luha mula sa mga mata ni Jema.

"Gi, magtulungan tayo, hanapin natin sya, iligtas natin sya!"

"No! The least that I can do now ay iiwas ka at protektahan ka sa gulong ito. Yun ang gugustuhin nya kung nandito sya."

"Pero ipapaalam mo sakin kapag natagpuan mo sya."

"Hindi rin! I will never make the same mistake again. Para ano pa para maalala nya na wala syang halaga sayo, nakaya mo syang pagmasdan habang nilalamon ng mga demonyo? Never, I will not let that happen again!Kung malampasan nya man ang mga physical abuses sa kanya, natatakot ako sa posibleng pagbalik ng sakit nya dahil sap ag abandona mo sa kanya!"

"That's not fair!"

" Bakit, Jem, naging fair ka ba sa kanya, did you even gave her the chance to explain her side, hindi ba hindi?!"

"Hahanapin nya ako, sa akin sya uuwi, sigurado ako!"


12k and still growing . . . dami na natin sa Season 82 para lunurin sa sigaw ang arena in full support to Master Wong. Master Setter Jiamazing predictions may come true. Pero mas nakakatuwa yung tapang ni D against her bashers, binweltahan nya talaga eh! Si Mrs Wong naman parang all set na sa Reinforced Conference ng PVL, sobrang fresh, sobrang ganda. Ang saya saya ng Volleyworld!!! Keep on reading, voting and sharing po. Salamat ng sobrang dami. Di ko inakala may makaka-appreciate pala sa pagsusulat ko ng mga dati'y tumatakbo lang sa isip ko. 

MINEWhere stories live. Discover now