Astra's Special Chapter

21.2K 537 189
                                    



Astra's POV

Halata sa mukha ni Rayna ang pagkairita pagkakita sakin kasama ang parents ko. Nandito kami sa isang restaurant kasama ang pamilya ni Rayna at ang pamilya ko para pag-usapan ang kasal namin.

Tahimik lang ako na kumakain habang nagkwe-kwentuhan naman ang mga magulang namin tungkol sa kasal. Napapairap si Rayna sa mga sinasabi ng mga magulang namin. Napailing na lamang ako.

"Wala bang boyfriend or girlfriend si Rayna?" tanong ni Daddy.

"Wala na. Nagbreak na sila kahapon." sagot ng Daddy ni Rayna.

Napatingin naman ako kay Rayna pero nasa pagkain ang tingin nya.

Break na pala sila ni Alexa.

Tumingin ako sa pagkain ko at ngumiti ng malungkot.

Wala na talagang pag-asa.

"Excuse me." paalam ko at naglakad patungo sa cr. Hinugasan ko ang kamay ko sa lababo.

Napansin ko naman sa salamin na pumasok si Rayna.

"Ikaw. Gumawa ka ng paraan para hindi matuloy ang kasal na 'to." sabi nya.

Pinunasan ko ang kamay ko gamit ang tissue dito.

"Ayoko nga." sumama ang itsura ng mukha nya. Napaangat ang gilid ng labi ko.

"Hindi ba may girlfriend ka? gumawa ka ng paraan para hindi ito matuloy!" sigaw nya.

Sumandal ako sa lababo at humalukipkip.

"Hindi ko sya girlfriend. Bakit hindi ikaw ang gumawa ng paraan para hindi ito matuloy tutal ayaw mo naman."

"So sinasabi mo na gusto mo din magpakasal sakin? eww." napaarko ang isa kong kilay. Napailing ako. "Ayokong magpakasal sayo." tinignan nya ako mula paa hanggang ulo. "You're not even my type."

"Hindi ka naman maganda." sa totoo lang maganda at sexy naman talaga si Rayna kaso kung ganyan ang ugali nya, walang papatol sa kanya.

"Ano sabi mo?!" at nakakarindi ang boses nya.

Umalis ako sa pagkasandal at naglakad palabas ng cr pero hinawakan nya ako sa braso. Tumingin ako sa kamay nya na nasa braso ko. Mabilis naman nya tinanggal 'yon.

"Gumawa ka ng paraan para hindi matuloy ang kasal na 'to." madiin na sabi nya at naunang lumabas.

Napailing ako at lumabas na din.

Pagkatapos namin kumain, umuwi din agad kami dahil may mga trabaho pa sila. Mabilis na nahiga ako sa couch pagkarating ko sa bahay. Ipinikit ko ang mga mata ko at makapagpahinga man lang.

"Anong nangyari sayo?" idinilat ko ang mga mata ko pagkarinig ko sa boses nya. Umupo sya sa gilid ko na may space.

"Zoe. Naubos ang lakas ko kay Rayna." sabi ko. Kahit na wala naman masyadong nangyari kanina, makita ko lang si Rayna ay pagod na pagod na ako.

Napasinghap sya. "May nangyari na sa inyo?"

"Ew." sabi ko agad. Hindi ko maimagine. "Ang sakit nya sa ulo." hindi ako tatagal sa ugali nyang 'yon.

"Nagkita kayo ngayon?"

Tumango ako. "Kamusta?"

"Masaya." nakangiting sabi nya.

Halata naman, ang makasama ang taong mahal mo ay wala na mas hihigit pa sa sayang 'yon.

"Ayoko magpakasal ka kay coach Rayna." bigla naman sya nalungkot.

"Ayoko din naman." sabi ko at pumikit. "Wala naman akong magagawa." pero sa totoo lang, hindi naman ako pinipilit nila Daddy na magpakasal ako kay Rayna. Pwede akong umayaw at pwede akong pumayag.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon