Prologue

15.7K 319 20


"Kyaahhhh!!! Kuya kuya!! OMG!! Kuya!!!" sa sobrang excited ko hindi ko alam na si Kuya na pala ang nabunggo ko.

"Kuya!!!!" tumalon talon ako sa harap nya habang hawak ko ang envelope na kakapadala lang kanina.

"Hoy! mukha kang kitikiti. Tumigil ka nga kakatalon nahihilo ako sayo" pero hindi pa din ako tumigil. OMG!! Eto na eto na!!

"Kuya! Kyaaaahhhh!!!!" kumekembot kembot ako habang pinapakita sa kanya ang envelope na pinadala sakin.

"Zoe! Ano ba!" hinawakan nya ako sa magkabilang balikat kaya napatigil ako. "Yan! Tumigil ka din. Hays! Ano bang ikinasasaya mo huh? Para kang tanga alam mo yun?" napasimangot ako.

"Atleast parang tanga lang, ikaw literal na tanga" napahawak ako sa ulo ko na binatukan nya. "Araayy! Kuya naman!"

"Tumigil ka nga! Ano bang envelope yan?" biglang lumiwanag ang mukhang ko at tumalon talon uli.

"Kuya!!! Waaahh!! OMG!!" hindi ako makapaniwala eto na! "Aray Kuya! Nakakadalawa ka na ah!" sumimamgot ako sa kanya at hinimas himas ang ulo ko.

"Ikaw kasi! Umayos ka nga! sabihin mo na kung ano meron sa envelope na yan. Hep! Wag kang tumalon talon dyan o magsisisigaw" nagpout ako.

"Walang thrill kung hindi ako sisigaw" sabi ko habang nakanguso sa ibang direction.

"Oh c'mon sabihin mo na lang" umiling ako. Kumunot noo nya. "Zoe para kang bata, sabihin mo na yang laman ng envelope na yan" umiling ako. "Hays! Fine pwede kang sumigaw pero---"

"Kyaaahhh!! Kuya pasado ako!! waaahhhh!!" tumalon talon ako at pinagsusuntok ang hangin. Sabi ko na nga ba makakapasa ako dito eh! Wooh! Galing mo talaga Zoe!

"Huh? Pasado saan?"

"Sa Dragon Basketball Girls International Training Camp!"

-------------


Melting Ice Princess 2Basahin ang storyang ito ng LIBRE!