Chapter 38

16.4K 550 119
                                    


"Bakit ba ang bigat mo?" tanong sakin ni Japan habang nakapiggy back ako sa kanya. Natawa naman ako.

"Ewan ko." nagpadagdag pa sa bigat ko ang suot kong weights na binigay ni Ate Avey sakin nung nakaraang linggo. Binigyan nya ulit ako nung nalaman nyang kinuha ni Ate Kill yung unang bigay nya. Hindi ko kasi ginagamit ang weights na binigay ni Ate Kill dahil ang bigat sobra at hindi ko kakayanin. Ginagamit ko lang 'yon kapag nagjogging ako.

Ang binigay na weights ni Ate Avey ay mabigat ng konti sa dating binigay nya. Kaya ko pang maglaro na suot ang mga 'yon pero kapag titira ako ng bola hindi nasho-shoot ang bola sa ring dahil kulang ang presa ko, laging kulang pero masasanay din ako.

Ngayon nakapiggy back ako kay Japan dahil trip ko lang talaga. Hindi naman sya umangal nung sumakay ako sa likod nya, umaangal lang sya sa bigat ko.

Si Japan simula nung sa naging honest sya sakin at sa pag-amin nya noon, naging close at sweet na si Japan sakin. Yung mga simpleng bagay na nagpapakilig sakin na hindi ko maisip na magagawa nya pala 'yon sakin. For example, pagtali nya ng buhok ko bago mag-umpisa ang training namin, pagpunas nya ng towel sa pawis ko, sa pagligay ng pagkain sa pinggan ko at madami pa. Madalas na din kami magkatabi matulog ni Japan sa iisang kama.

Basta ang alam ko, nagbago na si Japan. Palasalita na sya sakin pero kapag sa iba tipid pa din at cold pa din sya makipag-usap. Sakin lang talaga.

Sobrang saya ko lang kahit na alam kong may mahal syang iba ay ayos lang. Tanga ko 'di ba? kaso sabi nya naman pipilitin nyang ibaling sakin ang atensyon nya na makalimutan nya ang nararamdaman kay Louise. Kahit na matagal 'yon mawala okay lang sakin basta kasama ko sya at akin sya, yun ang mahalaga.

Napatingin ako sa dinaanan namin. Limang buwan na lang matatapos na ang training namin dito sa camp. Limang buwan na lang magkakalayo kami ni Japan. Ayoko naman sya pigilan sa gusto nyang mag-stay dito sa camp at maging miyembro ng Dragon Empire. Pwede ko naman sya bisitahin at ganon din naman sya dahil sabi ng mga seniors hangga't walang bagong rookies maari silang lumabas ng camp at two years pa bago ulit mag-training ng mga rookies.

Niyakap ko si Japan. Napatingin sya sakin na nagtatanong. Ngumiti ako.

"Mamimiss kita ng sobra kapag hindi kita makikita araw-araw pagkatapos ng limang buwan." sabi ko.

Tumingin sya sa harapan. "Bakit? hindi ka magsta-stay dito?" tanong nya.

Hindi agad ako nakaimik. Hindi ko sure kung sasabihin ko ba ang dahilan kay Japan. Ayoko syang mag-alala. Nakita ko na kung paano sya mag-alala nung nakita nya peklat ko noon. Baka imbis na mag-stay sya dito, sumama pa sakin. Lakas ng kong umasa 'no?

"Nope, gusto ko kayo makalaban." dahilan ko na lamang. "Sa pagkakataon na 'yon, matatalo na kita nang hindi ikaakit." sabi ko at natawa.

"Feeling." lalo akong natawa.

Pagkarating namin sa dorm. Natatawa ako kay Japan nung sumakit yung likod sa pagbuhat sakin pero hindi sya nagreklamo. Magkahawak kamay kaming pumunta sa kwarto namin. Sya tumungo sa banyo habang nahiga naman ako sa kama nya.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagbukas ng mga nag-text sakin. Wala naman masyadong ganap kaya nagbukas ako ng twitter. Unang bungad sakin pregnancy test ni Ate Avey na positive. Napatayo ako bigla at tinignan kung totoo ba 'yon.

"Buntis si Ate Avey!" agad akong nag-type ng congrats sa kanila ni Ate Kill. Magkakaanak na ulit sila.

"Ano sabi mo?" tanong ni Japan nung lumabas ng banyo.

"Si Ate Avey, buntis na." sabi ko tapos pinakita pa sa kanya ang picture ng pregnancy test.

"Good news pala yan." sabi nya at nahiga sa tabi ko.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon