Chapter 37

16.9K 561 444
                                    



Zoe's POV

Malungkot, sobrang lungkot namin. Hindi nakapasok ang mga seniors sa final. Natalo sila ng Shakers sa unang pagkakataon. Sobrang intense ng laban nila nung fourth quarter, kapag iiscore ang isa, iiscore din yung isa, palitan sila ng score. Ang huling limang segundo kami hindi huminga talaga. Lamang ang Shakers ng isa sa seniors nung oras na 'yon tapos nasa seniors ang bola kaso hindi sila hinayaan pang makascore ng Shakers kaya sila ang panalo.

Grabe, naiyak ako dahil natalo sila. Napaiyak din yung ibang mga seniors sa pagkatalo nila. Ang mga rookies naman, nalungkot din miski si Louise na die hard fan ng Shakers na nanalo.

Nandito kami ngayon sa malaking bahay ng Dragon Empire na tinitirhan ng mga seniors kada may Cup. Sobrang laki nito na mas malaki pa sa dorm dahil may kusina dito.

Tahimik kaming lahat ng mga rookies dito sa sala dahil yung mga seniors namin ay nasa court at nag-uusap usap.

"Nakakalungkot talaga." sabi ni Grn.

"Wala tayong magagawa, sadyang magagaling din talaga ang Shakers." sabi ni Torey. "Iniisip ko lang, siguradong pahihirapan nila ang sarili nila sa pagtrai-training para makabawi."

"Anong kami lang?" napatingin kaming lahat sa mga seniors na dumating. "Kayo din 'no. Idadamay namin kayo." ngising sabi ni Ate Anya.

"Hey, cheer up! kahit pangalawang beses na namin itong pagkatalo, hindi dapat kayo nalulungkot dyan. Hindi sa lahat ng bagay mananalo tayo." sabi ni Ate Shiela.

"Tama, dapat mas lalo tayo mamotivate na galingan natin sa susunod na laban." sabi ni Ate Abby pero tahimik pa din kaming lahat.

"Okay para naman ganahan kayo, magtraining tayo!" sigaw ni Ate Gail na ikaangal naming lahat. "Just kidding, three days rest day tayo. Papanoorin natin bukas ang finals tapos after non may celebration na gaganapin sa gabi kasama ang Miracles at Shakers."

"Talaga po?!" sigaw ni Louise. Narinig lang ang Shakers.

"Yes, syempre kaibigan din naman namin sila tapos kasama ang ilan sa mga batchmate namin ang makakasama." sabi ni Ate Noimi. "Every after final game nangyayari talaga ang celebration na ganito. Manalo o matalo may celebration pa din."

"Wow! siguradong magiging masaya ito!" sabi ni Louise. Excited talaga.

"Then the next day sa EK tayo."

"Wooohh!!" natuwa kaming lahat na mag E-EK kami.

"Pero diretso camp na tayo pagkatapos non tapos kayo na bahala sa third day ng rest day nyo. Don't worry hindi naman namin kayo sasagarin sa training, uunti untiin namin ang paghihirap sa inyo." sabi ni Ate Sharm. Napasimangot tuloy kami na ikatawa nila.

After namin mag-usap usap lahat, kanya-kanya na kami ng balak. Yung iba lumabas na muna tutal hapon pa naman pero kami ni Japan naglakad lakad lang sa subdivision. Holding hands while walking. Hindi kami masyado nag-uusap dahil yun talaga ang nakasanayan namin.

"Dito ka." nagtaka ako nung magpalit kami ng pwesto.

"Alam mo pre..si Pedro? daming babae non!" napatingin ako sa harapan na may lalaking lasing, may hawak pa syang bote ng alak at nakabusiness suit pa sya. Wala naman syang kasama kaya nagtataka ako kung sino kausap nya.

Napatingin ako sa bewang ko nung hawakan ni Japan. Umiwas kami ng lakad sa lalaking lasing. Nakahinga naman ako ng maluwag nung makalayo kami ng konti sa kanya. Umangat ang mga kamay ni Japan papunta sa balikat ko, ngayon nakaakbay sya sakin. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa harapan. Napakagat labi ako.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon