Chapter 61

30.9K 824 543
                                    


Alexa's POV

Pumanik ako sa itaas pagkatapos kong kausapin si Mommy. Pumasok ako sa kwarto ko at nakita ko syang nakabihis na. Mabuti naman.

"Alexa, bakit basa ka?" agad syang patayo sa higaan.

Dumiretso ako sa banyo. Sinigurado ko munang nakalock ang pinto bago ako naghubad ng damit. Pinunasan ko lang ang katawan kong basa tsaka ako lumabas ng banyo at tumungo sa walk-in closet.

"Alexa, mag-usap nga tayo." seryosong sabi nya pagkalabas ko ng walk-in closet. 

Tinignan ko muna sya bago naupo sa harapan ng study table.

"Mag-uusap talaga tayo." sabi ko. Humarap ako sa kanya.

"Ano bang problema mo?" inis na sabi nya. "Bakit ba bigla ka na lang nagkakaganyan?"

"Break na tayo." hindi ko pinansin ang sinabi nya. Nagulat sya sa sinabi ko.

"What? are you kidding me?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Hindi mo pwedeng gawin sakin 'to!"

"But I can."

"Alexa ano ba?! umayos ka nga! kinakausap kita ng matino."

Hindi ako nagsalita. Tinignan ko lang sya kung paano napahawak sya sa ulo nya.

"Tell me, what is the fucking problem?" madiin na sabi nya. "Wag mong subukuan na sabihin na 'it's not you but it's me' dahil nakakagago!"

"It's you, not me." napanganga sya sa sinabi ko na ikairap ko naman.

Nagdekwatro ako at nagcross arms.

"Ano naman naging problema ko? tungkol ba ito sa kasal? sinabi ko sayo hindi matutuloy 'yon." naiinis na sabi nya. Napaupo sya sa higaan.

"Matutuloy o hindi, break na tayo. Ayoko na." sabi ko.

"Pero bakit?!"

"Hindi mo kailangang sumigaw."

"Paanong hindi ako sisigaw, nakikipag-break ka sakin?! may tatawa bang nakikipag-break?!"

Huminga ako ng malalim. "Ayoko na, Rayna. Nasasakal na ako sayo." totoo 'yon, sa anim na buwan naming pagsasama naging sunod sunuran ako sa kanya. Kasalanan ko din naman dahil hinahayaan ko sya pero dahil wala ako sa mood palagi ay sinusunod ko sya. Pero ang araw-araw ang pagpapaligaya sa kanya, nasusura na ako.

Pumayag ako maging girlfriend nya dahil para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Unang buwan namin wala naman nangyayari pero sa pangalaw doon na sya nang-aakit at gustong gawin namin 'yon. Hindi ako pumayag na hawakan nya ako dahil nangako ako sa sarili ko na ibibigay lang ang virginity ko sa taong papakasalan ko. Pero simula nung ikaapat na buwan na pagsasama namin, doon napapadalas na gawin namin 'yon.

Kaya hindi malabong may makakahalata talaga samin. Hindi pa naman namin sinasabi ang relasyon namin dahil ayoko rin naman pag-usap usapan ng mga tao lalo na sa oras na maghiwalay na kami na hindi naman magtatagal. Hindi dahil sa ikakasal sya kay Astra, hindi ko nga alam ang tungkol don kung hindi lang sila dumating nila Zoe sa Shakers.

Maghihiwalay kami dahil hindi sya ang taong inaasahan kong makakasama ko sa pagtanda. Nihindi ko nga sya gusto, mahal pa kaya? kailangan ko lang naman na ma-distract ako dahil kahit na wala na sya, sya pa din ang hinahanap hanap ko.

Masaya ako nang makita ko ulit sya pero hindi ko inaasahan sa ganong klase scene pa kami nagkita. Half naked sa harap ni Astra. Napansin ko din naman ang pagkawala ng kanang braso nya pero mas nanaig ang half naked sya sa harap ni Astra.

Melting Ice Princess 2Where stories live. Discover now