Chapter 31

15.1K 551 158
                                    


Zoe's POV

"Ang aga ah?" nakangiting bungad sakin ni Kuya Kyle. Nandito na lahat ng boys at nagwa-warm up sila. Ngumiti ako sa kanya. "Tara, sabayan mo na kami magwarm up." tumango ako sa kanya at nagwarm up din kasabay nila.

Habang nagwa-warm up pinakilala ako ni Kuya Nicolo sa boys. Nakakatuwa silang lahat dahil ang hilig nilang dumamoves at bumanat ng kung ano-ano sakin. Natatawa na lamang ako sa kanila, kung alam lang nila.

"Alright, maglalaro muna tayo kasama si Zoe. Titignan muna natin ang galing ng isang ito." sabi ni Kuya Kyle pagkatapos naming magwarm up sa loob ng dalawang oras. Grabe sa tagal ng warm up nila, samin kalhating oras lang.

"Tsaka namin ituturo ang 360 instinct at kung sakaling may gusto kang matutunang iba." sabi ni Kuya Nicolo. Tumango ako.

Kasama ko sa team sina Kuya Killua, Kuya Tairon, Kuya Adam at  Kuya Jake. Ang kalaban namin ay sila Kuya Kyle, Kuya Nicolo, Kuya Tristan, Kuya Romeo at Kuya Cris. Bigla naman akong kinabahan dahil tatlong magagaling ang kalaban namin.

"Kahit kasama namin itong si Zoe, seryoso pa din itong laro ah?" sabi ni Kuya Killua. Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso agad? hindi ba pwedeng laro-laro lang muna?

"Sinong nagsabing hindi namin se-seryosohin? Part pa din ito ng training at kahit kailan hindi naman namin kayo binigyan na madaling training." sabi ni Kuya Tristan na medyo napangiwi pa ako. Ang sungit ni Kuya Tristan, parang si Ate Kill lang.

"Ang dadali kaya ng pinapagawa nyo." nakangising sabi ni Kuya Tairon. Si Kuya Tairon naman na katulad lang ni Kuya Kyle na masayahin pero pilyo. Magkaibang magkaiba talaga sila ng ugali ni Ate Kill na kambal nya.

"Baliw!" isang paltok ang inabot ni Kuya Tairon kay Kuya Adam. "Anong madali ka dyan? ang hirap ng pinapagawa nila 'no! kahit apat na taon na tayong nandito, mahirap pa din sila magpatraining."

"Tama, tama." sang-ayon naman ng mga nasa bench na puro rookies nila.

"Manahimik kayo dyan. Reklamo kayo ng reklamo pero nagagawa at natatapos nyo naman." sabi ni Kuya Nicolo.

"As if may choice kami 'di ba?" sabi ni Kuya Romeo.

"Tama, tama." sang-ayon nanaman ng mga nasa bench kaya natawa ako ng bahagya.

"Ayan na naman tayo sa daldalan, mga galawan nyo talaga 'no? magsimula na tayo." sabi ni Kuya Kyle.

"Hindi natin sila nadali." napatingin ako kay Kuya Tairon na binulungan si Kuya Adam.

"Oo nga eh, ayoko pang magkikilos." sabi ni Kuya Adam.

Nailing ako sa kakulitan nila. Nagsimula kami maglaro, sa una palang ang higpit na agad ng labanan. Ni hindi nga ako nakakascore, lagi ako nablo-block ni Kuya Tristan. Nakakaramdam na naman ako ng inis dahil hindi nila ako hinahayaan makascore man lang. Akala ko dito makakascore ako pero hindi din pala.

Binabantayan ko si Kuya Romeo. Medyo nakatalikod sya sakin dahil nakatingin sya kay Kuya Jake na may hawak ng bola. Sinubukan kong makaalis sa kanya na hindi nya napapansin. Pumunta ako sa open. Nakita naman ako ni Kuya Jake kaya ipinasa nya sakin ang bola. Nakita ko agad na nasa tres si Kuya Killua kaya gumamit ako ng misdirection para ipasa ang bola sa kanya pero may pumigil sa bola. 

Si Kuya Nicolo.

Nakangising syang ipinasa ang bola kay Kuya Kyle at pumunta sila sa court nila. Nagulat ako na napigilan ni Kuya Nicolo ang misdirection. Sa pagkakaalam ko wala pa nong nakakapigil.

"Paanong.."

"Yan ang resulta na palaging ka-practice partner ni Kill." sabi ni Kuya Kyle. Tumingin sya sakin. "Hindi uubra sa kanya ang misdirection. Meron syang 360 instinct,  he can see the basketball court from a different perspective. As if na nakikita nya ang laro mula sa itaas." tumingin kaming parehas sa itaas. "Natutunan nya 'yon kakalaro kay Kill tapos pinangalanan nyang 360 instinct. Weird 'di ba? hindi marunong magpangalan ng skill yang si Nicolo." natawa bahagya si Kuya Kyle.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon