Chapter 29

15.3K 509 42
                                    


Zoe's POV

"Congratulations!" sigaw naming mga rookies sa pagcelebrate ng pagkapanalo nila sa Winter Cup.

Sila naman ang naging Champion sa pilipinas. Sobrang saya namin na nanalo sila na muntikan pang hindi manalo laban sa Shakers. Natalo sa unang laban ang Miracle pero hindi nagkakalayo ang score nila, isa lang ang lamang na score. Tapos sa laban ng mga seniors at Shakers, nakakakaba yung huling segundo ng laro nila. Lamang ng dalawa ang Shakers at sa huling five second na natitira, nagtres si Ate V at ang nakakakaba pa don ay umikot ikot pa sa ring yung bola. Grabe yung nararamdaman naming mga rookies habang nanonood ng live nila, two seconds din yung pag-ikot ng bola sa ring hanggang sa pumasok ito sa ring.

Sobra kaming nagwala na halos saktan na namin ang isa't isa. Ako nga hindi ko mapigilan na tadtarin ng halik si Japan kahit na kasama namin ang iba, walapakels ako sa sobrang saya ko tsaka wala din naman sya palag, hinawakan nya pa nga ang bewang ko para alalayan, edi nadagdagan na naman ang saya ko.

"Salamat rookies!" sigaw ng mga seniors, ngumiti at nagwelcome kami sa kanila.

"Grabe pang buzzer beater talaga si Ate V!" sigaw ni Jayden.

"Ako pa ba?" natawa kaming lahat na medyo nagmamayabang si Ate V. Edi sya na.

"Ang galing-galing nyo talaga." sabi ni Nikki.

"Naman, walang makakatalo samin. Naging tsamba lang talaga ang huling tira ni Kill nung Summer Cup." sabi ni Ate Zeke.

"Edi kayo na! grabe ba naman yung practice ninyo." sabi ko. "Kaya pala noon palang wala ng nakakatalo sa inyo dito sa pilipinas." dagdag ko pa.

"Naman 'no, naghirap kami tapos matatalo lang? wag ganon." sabi ni Ate Bea. "Mararanasan nyo din ang hirap na 'yon sa oras na magstay kayo dito dahil sa tingin ko dito lang ang may ganong kahirap na practice."

"Dito lang talaga dahil nasanay ka sa hirap ng training dito, kayang kaya ng katawan mo ang hirap ng practice. Sa iba kasi katulad ni Hans at Avey na sila ang coach sa ibang team hindi nila pwedeng gawin 'yon sa teammates nila dahil ang katawan ng mga teammates nila ay alam nilang hindi kakayanin." sabi ni Ate Sharm,

"Wow." namangha kami sa nalaman namin.

"So anong namiss namin dito?" tanong ni Ate Abby. 

"Well, naranasan naming lumabas ng camp nang dahil kanila Tita Trisha." sabi ni Aj.

"What? hindi kayo nagtraining?"

"Syempre hindi!" tapos tumawa si Jayden. "Ang saya kaya nung nandito sila puro lang kami gimik." sabi ni Jayden.

"Aba ayos kayo ah." sabi ni Ate Ella. "Sige, humanda kayo sa training."

"Lah!!" angal naming lahat. Sabi na pahihirapan kami ng mga ito pagkabalik eh.

"So ano pa ang namiss namin?" tanong ni Ate Maybelle habang kumakain.

"Nagsabunutan si Steph at Ivy." sabi ni Jayden.

"What?!" nabigla ang mga seniors sa sinabi ni Jayden na hindi naman totoo.

"Gago!" binatukan ni Ivy si Jayden. "Hindi po totoo 'yon, naggagawa lang ng kwento ito." sinamaan nya pa ng tingin si Jayden. Nailing naman ako.

"Nagkaroon lang ng sigawan." sabi ko nung tumingin sakin si Ate Sharm na nagtatanong.

"Hindi ko na tatanungin kung bakit." natatawang sabi nya. Napangiti naman ako at tumingin kay Alexa na nakatingin sa pagkain.

"So ano pa?"

"Nanonood ng porn sila Russel at Xenon!" sigaw ni Aj.

"Hoy!" sigaw ng dalawa at tinakpan ang bibig ni Aj. Natawa naman kami.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon