Chapter 35

16.8K 610 285
                                    


Zoe's POV

Itinaas ko ang sun glasses ko pagkababa ko ng porsche ni Ate Ella na hiniram namin ni Japan para may sasakyan kami pauwi dito. Tumingin ako sa paligid at napangiti dahil walang usok na nanggagaling sa mga sasakyan at masyadong matao sa paligid. Yup, nasa probinsya na nga kami.

"Zoe? Apo?" napatingin ako sa matandang babae na nagwawalis sa bakuran ng bahay namin.

"Lola!" masayang sabi ko at agad na lumapit sa kanya. "Namiss ko po kayo lola!" sabi ko at niyakap sya. Natutuwa din syang makita ako.

"Namiss din kita apo, isang taon din kita hindi nakita. Ano na bang nangyari sayong bata ka huh?" napakamot ako ng ulo.

"Pasensya na lola, bawal kasi kaming lumabas ng camp. Napagbigyan lang ngayon dahil Christmas break namin." paliwanag ko. "Nasaan pala sila Mama, lola?" tanong ko.

"Nasa loob, busy sa pagluluto. Tara, pumasok tayo sa loob nang makita ka na nila." pang-aaya nya.

"Wait lola, may kasama ako tapos kunin ko lang mga gamit namin." sabi ko at napatingin sya sa may kotse.

"Boyfriend mo?" tanong nya. "Gwapo ah." napangiti ako.

"Sige lola, wait lang."

Pinuntahan ko si Japan na preteng nakaupo sa hood ng kotse ni Ate Ella. Feeling sa kanya eh. Nailing ako.

"Japan, tara sa loob." nailabas nya na ang mga gamit namin kaya hinila ko na sya habang dala ang mga gamit namin.

"Yung kotse?" tanong nya.

"Walang magnanakaw nyan dito." sabi ko. Lumapit kami kay lola na naghihintay samin. "La, girlfriend ko po, si Japan." sabi ko. Nagulat saglit si lola sa sinabi ko pero ngumiti din.

"Magandang umaga po." magalang na bati ni Japan at nagmano.

"Pagpalain ka ng diyos. Akala ko lalaki ka. Mukha kasing lalaki at ang gwapo pa." sabi ni lola. Tumingin ako kay Japan. Napangiti ito. "Oh sya tara sa loob."

Pumasok kami sa loob. Nakita namin si kuya na nonood ng tv.

"Kuya bakit hindi ka tumutulong kay Mama magluto?" tanong ko. Tila nagulat ito nung magsalita ako.

"Nandito ka na pala at..." napatingin sya kay Japan. "...may kasama ka." nakangiting sabi nito. "Ma! nandito na sila Zoe!" sigaw nya. Ang tamad talaga nito.

"Teka!" sigaw ni Mama. Mukhang busy talaga ito sa pagluluto.

Ako na lang pumunta sa kusina kasama si Japan. Ipapakilala ko pa sya kay Mama eh.

"Ma." tawag ko sa kanya na busy sa pagluluto. Lumapit ako sa kanya. "Need help?" tanong ko at kinuha ang kutsilyo at sibuyas.

"Mabuti naman nakarating ka na. Hindi ba ka natraffic? Sino kasama mo?" tanong nya tapos lumingon sa likuran.

"Maganda umaga po. Happy Birthday din po." sabi ni Japan.

"Oh salamat. Ang gwapo mo naman. Boyfriend ka ba nito ni Zoe? himalang nagkaboyfriend ka Zoe sa lagay mo na yan. At akala ko ba may nagugustuhan kang Japan at Alexa?" sabi nya at hinango ang niluluto nya sa malaking kaldero.

"Ma, si Japan yan." sabi ko. Alam kasi ni Mama na may nagugustuhan ako sa camp.

"Huh? sya na ba yan? grabe ang gwapo nya pala talaga ah." sabi ni Mama. Natatawa naman ako. "Oh sya Japan, kumain ka muna dyan. May tinapay dyan at hotdogs. Pagpasensyahan mo na yan lang niluto kong almusal." sabi ni Mama at inihanda nya pa ang pagkain para kay Japan at iniwan ang niluluto nya.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon