Chapter 52

19.2K 670 272
                                    



Zoe's POV

"Anong meron dito?" tanong ko kay Astra dahil ang daming tao dito sa stadium na pinuntahan namin para tignan ang nagaganap na laban.

Sabi ni Astra hindi naman daw gaano kakilala ang naglalaban ngayon kaya nagtataka ako kung bakit ang daming tao dito.

Napatingin ako sa kamay ko na hinawakan ni Astra. Tumingin ako sa kanya na nagtataka.

"Baka maligaw ka at mapunta pa sa iba." makahulugan na sabi nya. Ngumiti sya sakin. Sa totoo lang ayoko ng ngiti nya. Dati naakit ako sa ngiti at mga tingin nya, ngayon hindi ako komportable. Siguro dahil kay Alexa. "Nandito kasi ang mga Mušḫuššu kaya madaming tao." palinga lingang sabi nya.

"Hinahanap mo ba sila?" tanong ko.

"Hindi. Tsaka na kapag nasa isang team na ako." tumingin sakin. "Maglalaro ka din 'di ba? gusto mo sabay na tayo maghanap ng team natin?"

"Hmm..pwede din. Malakas ka naman." sabay ngiting sabi ko.

"Wag kang ngumiti." sabi nya na pinagtaka ko. "Baka may mahulog pa sayong iba." kanina pa sya ganyan. Dami nyang alam.

Hindi ko na lang ito pinansin.

"Astra!" napatingin kami sa tumawag kay Astra. 

Napasimangot ako nang  makita si Princess. Napatigil ito nung mapansin nya ako pero ngumisi din at tuluyang lumapit samin.

"Hindi ko inaasahan na nandito ka, Zoe." nakangising sabi nya.

"Hindi ko din inaasahan na nandito ka." irap na sabi ko.

"Break na kayo ni Japan?" tumingin ako sa kanya at napansin kong nakatingin sya sa kamay namin ni Astra kaya agad kong tinanggal ang kamay ni Astra sa kamay ko.

"Anong ginagawa mo dito Cess?" tanong ni Astra.

"Pinapanood ko ang laban ng sunod naming makakalaban." sa pagkakaalam ko medyo late ng tatlong buwan ang Cup dito kumpara sa Manila kaya ngayon pa lang mag-uumpisa ang Cup.

"Okay." minsan itong si Astra parang si Japan, ang tipid magsalita.

"So...may team ka na ba na tatalo sa Mušḫuššu?" tanong ni Princess na mukhang nakalimutan na nandito ako.

Napatingin ako kay Astra. Ibigsabihin balak nyang kalabanin ang Mušḫuššu kaya sya umalis.

"Wala pa. Anong team mo?"

"Bakit? balak mo bang sumali sa team namin?"

"Hindi. Aalamin ko lang kung anong team ang kailangan kong talunin." hanep ang angas din nitong ni Astra.

"Hahahaha! Nice try Astra pero kabilang ako sa Hawkes. Ang rival ng Mušḫuššu." nakangising sabi ni Princess.

"Ohh? kapit patalim?" nawala ang ngisi ni Princess habang napangisi naman si Astra. Lakas din makabaliktad ng sitwasyon nito ni Astra. "Oh well, goodluck na lang sayo. Mauuna kami." hinawakan ulit ni Astra ang kamay ko at hinila ako.

Napatingin naman ako kay Princess na umiiling na tumalikod.

"Balak mong talunin ang Mušḫuššu?" tanong ko kay Astra habang naglalakad kami papasok sa loob ng staduim.

"Oo. Wala pang nakakatalo sa kanila dito kaya balak ko silang talunin." sabi nya. Parang narinig ko na ang ganitong kwento.

"Gagawa ka ng sarili team o sasali ka lang?" tanong ko.

"Pwede din akong gumawa ng sariling team at pwede ding sumali. Madali lang naman nila akong isali dahil nagtraining ako sa Mušḫuššu camp." sabagay.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon