Hunnie24.

87 1 0
                                    

Zy's POV:

Mababaliw na ako dito kay Anj.  Kanina pa iyan iyak tawa habang umiinom.

Wala siyang bukambibig kundi si Ken.

Mababaliw na akoooooo!!!

"Stop it Anj! Hindi ko na keri to bakla! Sasapakakin ko yan!" sabi ko kay Ali na tatawa tawa lang.

"Bakit ba Zy?" sabi naman ni Anj sa akin.

"Bakit?! Nagtatanong ka kung bakit?! Iiyak ka tapos tatawa. Para kang sira!" nagtawanan lang sila sa sinabi ko.

"Naiintindihan ko naman na naweweirduhan kayo sa akin. Sorry naman. It's just that I want to laugh kaya lang natutuloy sa iyak. I want to forget about everything." tumingin siya sa singsing na suot niya. "But I can't" nanginig nanaman yung boses niya. 

"Anj, We understand. I'm sorry." lumapit ako sa kanya at niyakap siya. 

Alam ko kung gaanong hirap ang nararanasan niya, for the second time iniwan nanaman siya. But what I can't understand is bakit hindi siya galit kay Ken? Is that how much she loves him?

"Bakit kasi hindi ka magalit sa kanya para hindi ka na mahirapan?" isinatinig ni Alisa yung tanong sa isip ko.

"Magagawa mo bang magalit sa isang tao kung ang iniisip lang niya kung saan ka sasaya? Akala niya mahal ko pa si Irvine. Eto yung dahilan." May kinuha siya sa drawer sa side table na naroroon. 

Iba ibang shots nila ni Irvine, mostly parang sinadya na magmukhang sweet.

"What the?!" sabay na sabi naming sabi ni Ali.

"Sinong kumuha ng mga litratong iyan?" tanong ni Erwin.

"Hindi ko alam. Hindi na ako nagusisa or naghanap kung sino kumuha at nagbigay ng mga yan kay Ken. In the first place may magagawa pa ba ako? Nasira na niya kami ni Ken." muli nanamang naluha si Anj. Balde-balde na yata nailuha niya. Tsk.

Tinignan niya yung isa sa mga pictures. "T*ngn* mo!!!! Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Walangya ka!" dinuro duro niya yung isang litrato. "Bakit ka pa kasi bumalik?! T*rant*do!!! di ka pa natuwa na sinaktan mo na ako dati ngayon ikaw nanaman dahilan ng pasakit sa akin?"

Tumayo siya at humarap sa amin. "Kantahan ko kayo." kinuha niya yung suklay niya sa table. "Ako ay may lobo, lumipad sa langit. Ah.. Ahh.. Ahh." napakamot siya ng ulo. "Ano nga kasunod nun?" nagtawanan kaming lahat. 

"Bat kayo tumatawa? Kasi naman ih!!!" saka siya nagpapadyak sa sahig. Parang bata talaga! Hahahahaha.

Umupo na siya ulit this time nakaharap sa amin.

"Alam ninyo, nung makilala ko si Ken para akong namagnetize. Nagulat pa ako kasi may lalaki pa palang kasing conservative niya." tumawa si Anj na para bang may naalalang nakakatawa, lahat kami matamang nakikinig lang sa kanya.

"Sabi niya pa nun sa bestfriend niya yung humalik sa'yo Zy?" tumawa pa siya nun. Binato ko siya ng unan. Tinignan naman ako ni Basty ng masama. "What have you gone us into? sagot lang nung bestfriend niya na 'don't mind thanking me later.' now I finally understand kung bakit. Kasi pinagtagpo kami ng tandhana para magmahalan. Sayang nga lang at lahat ng pinaghirapan naming itayo mabubuwag lang dahil sa isang hindi pagkakaintindihan. Imagine? Dahil lang sa bubuyog na Irvine na yun maghihiwalay kami?"

Tumawa siya ng pagak, ininom yung laman ng GSM blue na natitira. "How pathetic." pinunasan niya yung labi niya at pumunta sa kwarto ni Ken na naroroon. Nagtayuan na rin kami at naghanda na para umalis. 

Habang nagreready kami, ay narinig naming may nagdoorbell. Pumunta si Ali para tignan kung sinong dumating. 

Isang nangingiting Alisa ang bumalik.

"Just on time right?" Saka kami nagalisan. I'm dying to see another genuine smile on Anj's face tomorrow.

Ken's POV:

"Ken?" sabi ni Alisa pagkabukas niya ng pintuan.

"Well?" alanganing ngiti ang umalpas sa labi ko.

Pagkapasok namin sa loob nakita ko sila kuya na nagreready na umuwi. 

"Just on time right?" nakangiting sabi ni Zyrene. I totally understand kung anong ibig niyang sabihin.

"Bro, don't do this again alright?" tinapik ni kuya yung balikat ko.

"You go man! Medyo lasing na siya kaya habaan ang pasensya." paalala naman ni Erwin pagkatapos akong tanguan.

"I've always been patient when it comes to Anj." ngumiti ako at isinara na ang pinto nang makaalis na sila.

Nagpunta ako sa kwarto. Sumilip ako at nakita kong nakatayo si Anj sa harap ng lifesize picture namin.

Yun pa ring damit na suot niya yung suot niya. 

Lumapit ako sa kanya kaya narinig ko na kinakausap niya yung picture ko o mas tamang sabihin na nagmomonologue siya sa harap ng picture ko.

"Ikaw! Oo ikaw! Baliw ka talaga!! Bakit ka ba kasi umalis nang hindi man lang ako kinakausap?" nakapameywang siya sa harap ng picture. She looks so cute. I can't help myself so I talked to her.

"Pasensya ka na, nagselos kasi ako." nakatayo pa rin ako malapit sa pinto madilim kaya hindi ako mapapansin sa lugar ko.

"Ah! Ken? Nagsasalita na yung picture?!" binatukan niya yung sarili niya. Nahilo siguro siya sa ginawa niya kaya nabuway yung tayo niya.  "Nyee?! pano magsasalita yan eh picture yan? Naku nananaginip na siguro ako. Teka? Nakatulog na ba ako?" Napakamot siya sa ulo niya. Ang cuteeee! hahahaha

"Sige na nga, panaginip na lang to para naman magkaroon ako ng excuse na makausap ka ngayon." Parang natunaw yung puso ko sa sinabi niya.

"Alam mo ba Ken, lagi nalang akong naghahallucinate sa tuwing napapatingin ako sa paligid nitong pad mo." lumapit siya sa picture ko at idinikit ang pisngi roon. "Pero bakit sa tuwing makikita at hahabulin kita nawawala ka?"

Siguro nagets na rin niya yung sinabi niya kaya muli siyang napakamot sa ulo niya. 

"Hallucination nga di ba? Kaya nawawala. Bobo." 

"Wag mong tawaging bobo ang sarili mo Sweets. Napakaganda mo para maging bobo." nangingiti kong sabi.

"Sus, hanggang sa panaginip ba naman eh bolero ka pa rin?" pabirong hinampas niya yung picture ko, mukhang nahilo nanaman siya kaya nabuway yung tayo niya. Pero napakapit siya sa dingding.

"Totoo ang sinasabi ko sweets. Isa pa, mahal na mahal kita para maisipan ka pang bolahin. That'll be outrageous." nagsimula na akong lumapit sa kanya.

"Mahal na mahal din kita Ken." pumikit siya at hinagkan ang picture ko. "Mahal na mahal. Bumalik ka na sa akin, please?" tumulo ang luha niya. Nang makalapit ako ay bigla na lang siyang nahimatay, marahil dahil sa sobrang kalasingan. 

"As you wish, Sweets." nasalo ko siya. Binuhat ko siya at inihiga sa kama. Tumabi ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. I kissed her on the lips. Miss na miss ko na kasi yung mga labi niya.

"I love you sweets.'' bulong ko sa kanya. Tumayo akong muli at kumuha ng tshirt na naroroon. Binihisan ko siya tapos humiga ako ulit sa tabi niya at niyakap ko ulit siya ng mahigpit.

God, it feels like home.

Taken for Granted. [Fin]Where stories live. Discover now