Hunnie2.

202 1 0
                                    

I am currently 'reading' a book. Wala naman kasi akong choice kung hindi ang magkunwaring nagbabasa ako ng libro. Nandito kasi ako sa Ilocos ngayon. Gusto nina mama na magweek-long vacation daw kami ng mga kapatid ko. Next week kasi ay start na ng class. So hindi na namin magagawa to for the whole year. But we occassionally go here, yung uwian kumbaga.

"Ange, naiintindihan namin kung ayaw mo magaral ng Nursing pero kung hindi Nursing ang kukunin mo sa college, hindi ka namin mapagaaral." Bakit ba ang hilig ng mga tao ng simpleng pangongonsensya?

Alam ko naman na wala akong choice eh. Tss.

"Sige po, magnunursing na po ako. Kayo na lang po nina mama ang bahala." sagot ko.

Alam mo yung pakiramdam na para kang malaking robot na hindi ka bibigyan ng pagkakataong magisip, kumilos at gumawa ng sarili mong desisyon?

Yung parang kating kati ka nang sumagot sagot sa mga matatanda pero pinipigilan ka ng RESPETO na mayroon ka para sa nakatanda sa iyo?

Yung ayaw mo nang ikilos yung sarili mo dahil hindi mo gusto yung ginagawa/pinapagawa sayo?

Yung feeling na ang saya saya mo kasi nagagawa mo lahat ng gusto mong gawin tapos bigla silang dadating na parang holduper sa bangko tapos sisigawan ka ng.."WALANG KIKILOS!" o kaya yung linya ng mga kumokontra sa kasal.. "ITIGIL ANG KASAL!!" di ba? di ba? sadyang nakakabadtrip. TSS.

Lumipas ang mga araw ko dito sa Ilocos na sobrang bored na bored ako. Tinignan ko yung phone ko na nakapatong sa lap ko. UUWI NA AKO BUKAS!!!!! :))

Excited na akong magmonday para pasukan na.

Sana magkaron ako ng maraming friends. (marami na friends pa. OHA OHA. xD)

Monday. June 3

-I am so excited. This my first day sa college. Naks! Dalaga na akooooo!!! LOL.

~ange.

Nagnote ako sa mini-diary ng phone ko. Di ako pala sulat ng diary, pano ba naman the last time na ginawa ko yun, pinakealaman nina mama yun. Nalaman tuloy nila na crush ko yung kapitbahay namin. LOL.

Sumakay na ako ng jeep papunta sa school. 8am pa yung class ko pero bumyahe na ako pagpatak ng 6:30am. DI naman sa super excited ako ha. Two rides pa kasi papunta sa school. Rush hour kaya baka malate ako. Hahaha

Pagkasay ko nagsuot na ako ng headset at nakinig ng music.

NP: Collide by Howie Day.

I know this is weird pero tuwing naririnig ko yang kantang yan naalala ko yung lalaking paulit ulit kong napapanaginipan.

Yep, I have an imaginary boyfriend. Hahahaha

Sa panaginip lang siya nageexist. 

Ang weirdo naman kasi ng panaginip na yun, series pa yata. 

Panaginip #1:

Kumakain ako ng ice cream sa isang park na hindi ko marecognize kung saan.

Ang alam ko, kaya ako kuumakain ng ice cream kasi masama ang loob ko. 

May lumapit sa akin na lalaki. Tinabihan ako pagkatapos inagaw yung ice cream ko. Di man lang ako nagreact kahit na kinain na nya yung pagkain ko. 

"Alam ko na naguguluhan ka pa sa ngayon. Hindi naman kita pinipilit na piliin ako. Wala akong maipapangako sa'yo eh. Mahal kita pero alam mong may obligasyon ako sa kanya." ibinalik niya yung ice cream sa akin.

Akala ko natutunaw lang yung ice cream sa palad ko. May nararamdaman akong liquid na tumutulo sa kamay ko eh. Pero bakit parang transparent yung liquid? Hinawakan ko yun. Dun ko narealize na umiiyak na ako. Tapos biglang sinalakay ng sakit at lungkot yung puso ko.

"Mahal ko siya." yun lang nasabi ko tapos nagising na ako.

Hindi ko makita yung mukha nung lalaki. Ang sure ko lang ay kalbo sya, matangkad at maputi.

Sino kaya yun? Hays. 

Panaginip#2:

Tumatakbo ako sa isang mahabang kalsada para kasing may tinatakasan ako or what. Hingal na hingal na ako hanggang makarating ako sa isang town house. Mukhang kilala ko naman yung may-ari kasi dirediretso lang ako hanggang sa loob. May nakita ulit akong lalaki. Same guy sa panaginip#1. May kasama siyang babae pero umiiyak yung babae. Nakita nila akong nakatayo sa pinto. Napatingin yung babae sa akin. Malabo rin yung mukha niya eh. Bigla niya akong tinulak tapos tumakbo siya. Tumingin ako dun sa lalaki.

"Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba walang space sa puso mo para sa isang tulad ko?" malamig yung boses niya. Sa sobrang lamig nun parang nanindig lahat yung balahibo ko at tumagos yung lamig na yun sa mga buto ko hanggang sa puso.

"Naiintindihan ko na ang lahat. Please, don't push me away. I love you."-ako

Lumapit ako sa kama niya at hinalikan siya sa mga labi. He stiffen. Ilang segundo na hindi siya kumikilos. Hihiwalay na ako sa kanya nang biglang hinawakan niya yung batok ko. Nagpatuloy siya sa paghalik sa akin, niyakap ako nung kanang kamay niya sa bewang habang ang isa niyang kamay ay nanatili sa batok ko.

The kiss intensified hanggang sa maramdaman kong nakahiga na ako sa kama. Then slowly he made love to me. Habang ginagawa namin yun ay napapaiyak ako dahil alam ko na kahit ano pang mangyari hindi siya magiging akin.

Medyo censored yung panaginip#2 eh. wahahahaha

Panaginip#3:

--I didn't notice

But I didn't care

I tried being honest

But that left me nowhere

Naglalakad ako sa gitna ng aisle ng isang garden wedding. Kasal ko na yun. Kumakanta ako habang naiiyak. Ang weird kasi kasal namin pero yung kinakanta ko One of these days ni Michelle Branch. Pero gayunpaman makikita sa mmga bisita namin ang di matatawarang kasiyahan. Tumingin ako sa may altar, nakita ko siya na nakatayo roon at nakatingin sa akin habang tumutugtog gamit ang isang gitara.

The next scene I saw was me running around a flower field. Nakita kong may lalaking nakasuot ng white suit na lumapit sa akin. Nakawedding gown pa pala ako. Nung makalapit siya sa akin, hinawakan niya ako sa bewang tapos inikot ikot. Nang mapagod siya ay inihiga niya ako sa damuhan. Hinawakan niya ang kamay ko habang nakatingin sa napakagandang ulap. Bluish sky, Bright sun, Fresh Summer Breeze. Ang sarap ng pakiramdam ko. Na tila ba nabunutan ako ng napakalaking tinik sa dibdib.

"I'll never ever let go of your hand. Not until you ask me to."

Yun ang series ng panaginip ko. Di ko pala siya imaginary boyfriend. Sarreh!. :))

Imaginary asawa ko siya. LOL.

Baliw na. Hahahaha

KIta ko na yung school ko.

"Sa tabi lang po manong." pagkababa ko ng jeep ay napabuntong hininga ako. 

Whoa! This is it! 

Taken for Granted. [Fin]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora