Hunnie8.

114 1 0
                                    

Gagawan ko na ng POV yung mga characters ko. :))

ENJOY. <3 ANGHEL:))

________________

Dann's POV:

Papunta na kami sa Mcdo para kumain, hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko.

Alam kong katuwaan lang namin yung nangyari kanina pero bakit parang naiinis ako?

Aminado akong crush ko si Angie. 

Mabait siya at malapit lang sa amin yung bahay nila, kasabay ko siya lagi umuwi. Lagi kaming nagaasaran and all.

Aminado rin ako na napapadalas na yung pagiisip ko sa kanya pag hindi ko siya kasama.

Ang gulo na. Di ako pwede umepal sa kanya ngayon. Alam kong may gusto sa kanya si Irvine. Kabarkada ko si Irvine at nauna siyang magconfess ng nararamdaman niya sa amin. May balak rin siya na ligawan si Anj, nung una parang okay lang naman pero ngayon parang nagkakaroon ako ng pakiramdam na hindi ko yun magugustuhan sakaling mangyari man yun.

Oh God! I'm doomed. 

"Lalim ng iniisip mo ah." sabi ni Cams na nasa tabi ko habang naglalakad kami.

"Ah..Wala akong iniisip." 

"Weh? Sus nahiya ka pa. Sige na spill it." pabirong siniko pa niya ako sa tagiliran.

"Wala nga kulit mo." inakbayan ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Cam's POV:

Ang seryoso ng mukha ni Dann habang naglalakad kami.

Ano kaya iniisip neto? Nakatingin pa kina Anj. Or mas tamang sabihin ko na kay Anj?

Napabuntong hininga ako. Hay, wag naman sanang magkatotoo yung iniisip ko.

Iniisip na ano?

Na may gusto siya kay Anj. Lagi ko siyang nahuhuli na nakatitig kay Anj. Pano ko nalaman? 

Malamang, lagi ko rin siyang tinitignan eh. Matagal ko na siyang gusto highschool pa lang. 

Pero kuntento na ako na kaibigan lang niya ako. Wala naman kasi akong nararamdaman na threat dati na may magugustuhan siyang iba. Until Angelica came along.

Alam kong walang gusto si Anj kay Dann pero what can I do? I like him so much na its already hurts me.

Just thinking na may pag-asang maging sila or ma-fall din si Anj sa kanya nasasaktan na ako.

Aminado ako na ginawa ko yung pustahan kanina para makita ni Dann na si Anj ay para kay Irvine.

"Lalim ng iniisip mo ah." sabi ko

"Ah.. Wala akong iniisip." kunwari pa to. I know him. It's unsual for him to space out.

"Weh? Sus nahiya ka pa. Sige na spill it." saka ko siya siniko sa tagiliran. On the second thought wag mo nang sabihin kung ano yung iniisip mo.

Please?

Piping dasal ko.. Tsk!

"Wala nga kulit!" saka niya ako  inakbayan. Di na ako nangulit.

Irvine's POV:

"Galing mo kanina ah."

"Huh?" parang nalilitong sabi ni Anj.

"Sabi ko galing mo kanina kumanta."

"Ay ganun? Kanina lang? Kumakanta talaga ako. I have a band."

"Talaga? Cool! Ano name?"

"Banda rito, Banda roon." Saka siya tumawa.

"Ha! Ha! Very funny!" sarcastic kong sabi.

"Di ka naman mabiro. Infinity, yun yung pangalan ng group namin." 

"Naman! Lakas makaisip ng name ah!"

"Syempre. Mula pa yun sa banda ng papa ko. Retired na sila kaya kami naman." pinakita ko sa kanya yung maliit na tattoo ko sa may wrist, yung malapit sa sinusuutan ng relo? Para di pansinin. "Ito yung tatto na sign na kasama ako sa band na yun, We all have the same tattoo same as our dads."

"Wow ganda naman. Sana pag tumugtog kayo makapanood ako." ngumiti ako. I don't really like girls with tattoos. Pero bakit parang okay lang kung meron siya? Hays!

"Sure." tipid niyang sagot sa akin.

Nandito na kami sa Mcdo. Mabilis lang kaming kumain tapos nagdecide na kaming bumalik sa school.

Taken for Granted. [Fin]Where stories live. Discover now