Hunnie6.

129 1 0
                                    

Maaga akong gumising para makarating agad sa school. May exam kasi kami sa Algebra at Chemistry. 

Sa Algebra, madali na lang talaga. 

Sa Chemistry? T_____T

Wala talaga!!! Aysus! Ayokong bumagsak dun kasi ayoko ng ulitin. :((

Pagdating ng school. Diretso ako agad ng canteen. Di na ako nakapagalmusal sa sobrang kaba. 

Bumili muna ako ng C2 at noodles. Yung seafood at tinimplahan ko yun ng kalamansi, paminta at patis. San ka pa? Daig ko pa nakain ng lugaw hahahaha

Naglakad ako papunta ng room. Doon ko na lang kakainin yung binili ko habang nagrereview.

Pagkapasok ko ng room, ayun lahat sila nakangiti sa akin ng nakakaloko.

Imbes na mainis, nagsmile na lang din ako sa kanila at naggoodmorning.

Pagkaupo ko may napansin ako sa armrest ko.

May flowers, tulips na kulay violet, red at pink. 

O__O

Woooow!!! Ang gaganda. :))

"Kanino galing to?" Nakita ko si Dann na nandoon na din. 

"Di ko alam, kakarating ko lang din eh." lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Goodmorning bespren." :D

"Goodmorning." Umupo na ako sa chair ko nang may mapansin ako na paper bag tapat ng upuan ko. Nilapitan ko yun at tinignan. Waaaaa. Ferero chocolates!!!!! My favorite!!!!

Kanino kaya to? Sinilip ko yung loob may nakalagay na sticky note sa ibabaw ng box.

ANGIE, HOPE YOU LIKE IT. :))

-PPDDD <3

Nyay! May secret admirer ba ako? Bat may ganito pa? Hahahaha

"Thank you, kung sino ka man. " Pagkausap ko sa chocolates at flowers.

"Woooow. Sino nagbigay?" si ZY.

"Di ko nga alam eh. Eto lang yung nakalagay, tapos may codename pa. PPDDD ano kaya yun?" humawak pa ako sa baba ko habang nagiisip. Wala talagang pumapasok sa isipan ko eh. 

"Naks! Ikaw na! Ikaw na talaga may secret admirer." tumawa pa ng malakas si Zy.

"Tss." yun lang reaksyon ko. Nagdatingan na yung ibang classmates namin. Nakita ko na rin si Irvine na papalapit na sa upuan namin. 

"Irvs, musta ka na? May sakit ka daw?" -ako.

"Okay naman na ako. Nothing to worry about. Pero kung nagaalala ka sa akin, massage mo na lang kamay ko." ngumiti siya sa akin.

"Ihh, di ako marunong." sabi ko sabay kuha ng libro at notebook ko sa Chemistry.

"Matututunan mo rin yan. Halika ako muna tapos gayahin mo ako ha?" kinuha niya yung kamay ko at minassage. 

Saraaaap. Nakakarelax. :))

"O ikaw naman." sabay abot ng palad niya sa akin. Kinuha ko naman yun at nagsimulang imassage siya.

First subject namin, Algebra. May quiz di ba? So ayun nagstart na yung quiz.

Easing-Easy. :D

Napatingin ako kay Irvine. Hala! Nakatitig lang siya sa papel niya.

"Huy! Anong ginagawa mo? Bat di ka nagsasagot?" pasimpleng bulong ko sa kanya.

"Di ko maintindihan eh. Wala akong maisip na sagot. Hirap!" bulong din niya.

"Here." binigay ko sa kanya yung papel ko tapos kinuha ko yung papel niya at nagsimula ng sagutan yun. Madali lang naman kaya natapos ko rin agad. Kinuha ko na ulit yung papel ko at ibinigay sa kanya yung papel niya.

"Whoa! Tapos na agad? Galing ah! Thanks." bulong niya.

"No problem." nginitian ko siya.

"Okay class! Pass your papers. I'll give you the results tomorrow. You're dismissed." Nagtayuan na kami para pumunta sa susunod na katayan este room for Chemistry exam.

"Zy!!! Pano na yan?! Wala akong alam sa Chem! Babagsak ako. " nakasimangot na himutok ko kay Zy habang naglalakad kami papunta sa Chem Lab.

"Naku Gie, kung magkalapit lang tayo papakopyahin kita. Kaya lang ang layo mo eh!" inakbayan niya ako at pilit na pinangiti. 

"Wag kang magalala. Tinulungan mo ako kanina sa Algebra. I got your back pag Chem naman. " kumindat pa si Irvine nang sabayan niya kami ni Zy. 

"Waaaaa. Thank you, Thank you!" niyakap ko siya bigla sa sobrang kasiyahan ko.Mukhang nagulat din siya pero narinig ko siyang tumawa.

"You're welcome."

Natapos rin ang exam sa Chem. Sinagutan ni Irvine lahat ng questions sa Chem na talaga namang nagpahilo sa akin kanina nung ibagay sa amin yung test paper.

Lunch break!!!!

Ang nilantakan ko? Syempre yung chocolates ko. Hahaha

Nagshare share kami nina Zy, Camille at Dann. Di ko makita si Irvin siguro lumabas ng campus para dun kumain.

All in all, masaya tong araw na to para sa akin.

Bakit? xD

Pink, Violet and Red Tulips.

A box of Ferrero Rocher Chocolates.

Massage session with Irvine.

Kwelang exam sa Algebra at Chemistry.

Who said I can't get a goodnight's sleep today? :))

Taken for Granted. [Fin]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant