Hunnie3.

178 1 0
                                    

Pagkapasok ko ng school, para akong ignorante. Hahahaha

Tingin dito, tingin doon. Lakad dito, lakad doon.

Nakarating rin ako sa Nursing building. Wala pang tao. Tinignan ko yung oras sa phone ko.

7:30am. Waley pa ring tao. 

Kinakabahan ako. Baka kasi alam nyo na.. Ihh.. Hahaha

Baka di nila ako magustuhan. Nung highschool ako marami akong naging kaibigan kasi madaldal ako.

Saka sa public school ako pumasok nun. Puro ka-kosa ko yung mga naging kaklase ko. Hahahaha

Iba na ngayon, magandang eskwelahan tong pinasukan ko. So malamang maraming mayaman at ang mga pinakaayaw ko, maaarteng kaklase.

Nakita ko yung mga bench sa lobby ng Nursing building kaya naman parang pampalipas ng oras naupo ako sa isang bench at naglabas ng libro. Di naman ako geek pero wala eh, mahilig talaga akong magbasa. xD

Quarter to 8am na, may pumasok na babae sa lobby.

Umupo sya dun sa bench katapat ko. Maganda ung babae, mahaba din ung buhok nya, kaya lang di sya nkamake up. tingin ko nga ngpulbo at lipgloss lang sya. Siguro mga 10 minutes ang nkakalipas naiinip ako. Pano ba nmn, di man lang ako kinausap tumunganga lang din sya sa tapat ko. Demanding ko no? hahahaha

Pero sa totoo lang kanina pa ako kating kati na kausapin sya, para nga nmn may friend na ako di ba? Kaya lang mukhang mataray, bka kabilang to dun sa maarte ng school society. Masasabunutan ko lang sya kapag ngkataon. Pero syempre joke lang un! haha. Takot ko nalang ang tangkad kaya nya. hahaha eh, ung height ko papalo lang ng 5'1. hahaha

Anyways, since naiinip nko, nilabas ko na lang ung suklay ko. Nagsuklay ako..

Napatingin ako dun sa babae.. Langya! Nagsuklay din. Taena to mukhang ngtitrip ah. Asar!

Nababadtrip nko. Ayaw na ayaw ko pa nmn ng ginagaya. Minsan nga may nkasalubong ako dati na kaparehas ng damit ko, takte! Sinigawan ko nga.. "Panget!!" sabay takbo. hahahaha

 And since mukhang wala naman siyang balak kausapin ako, lumabas na lang ako ng lobby may 15 minutes pa naman. Bibili muna ako ng pagkain. PG mode strikes again!!! :))    

Nang makabili na ako ng C2 at rebisco, bumalik na ako sa lobbby. 5 minutes to 8am na kasi. Baka malate pa ako sa first subject ko.          

Waaaa. ang dami ng tao dun sa lobby, bumalik ako dun sa spot na pinwestuhan ko kanina..     

Ayy.. May nakaupo na! tsk. Maganda din ung babaeng nakaupo, mahaba din ung buhok. Singkit ung mga mata. Basta cute. Haha    

Kaya lang ung pwesto na lang na pwede kong upuan eh dun sa tabi nya. Kaya di na ako nag-inarte, mukha naman siyang mabait kaya tumabi na ako sa kanya.    

Pagupo ko pa lang, nginitian na ako nung babae.

May toyo ata to, sabi ko sa isip ko. Pero utos ng kagandahang asal. Ayun, ngumiti na lang din ako sa kanya sabay tingin sa ibang direksyon.

Kaya lang nagsalita ung babae.  

"Hi!" nakangiti pa din sya. Mukhang friendly to ah, sumagot naman ako.       

"Hi" pero di ako nakangiti, pag kasi first time ko makapunta sa isang lugar patingin tingin lang ako, suplada kung baga. Pero joke lang un. hahaha    

Daldal ko kaya, kumbaga sa bahay, namamahay lang ako kaya ganun.      

"Ano name mo? Ako nga pala si Zyrene." sabay offer ng shake hands.      

"Angelica." tinaggap ko ung shake hands na inooffer nya. Ngumiti na ako sa kanya ung tunay na ngiti.      

"Can I call you Angie? Haba kasi ng name mo. haha"         

"Sure! Zy na lang tatawag ko sayo ah! Haba din kasi ng name mo." sabay tawa. Natawa na din siya tapos nagkwentuhan na kmi. Di pa nga kasarapan ng kwentuhan namin biglang may dumating na parang teacher.    

Ehem prof na pala College na eh. Hahahaha          

"Section FN3? please proceed on room 206" napatingin ako dun sa reg card ko. Ay! Section ko na un.       

"Sige Zy, section ko na yun. Punta na ako sa room namin."      

"Wow! Akalain mo un? FN3 din section ko. Tara na"            

Yes! May friend na ako agad. Hehehe.      

Tumayo na kami at pumunta sa room 206.

Taken for Granted. [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon