Hunnie23.

84 1 0
                                    

Ken's POV:

Nung pinagawa ko yung lifesize picture naming dalawa ni Anj, isa lang nasa isip ko. Ang ilagay yun sa isang lugar kung saan malaya kong makikita yun araw araw. May kopya ako nun sa pad ko at isa sa kwarto ko dito sa bahay namin sa Palawan.

Mula nang iwan ko siya, hindi na ako nakatulog ng maayos. I can't even work. Napapagalitan na ako lagi dahil wala na akong focus sa lahat ng bagay.

Naglalasing ako para makatulog. Lagi akong nagigising na isinisigaw ang pangalan ni Anj.

Nahihirapan ako pero iniisip ko na lang na masaya na siya ngayon sa piling ni Irvine. 

Ang laki kong tanga no? 

Hahahaha

Pati tawa ko walang buhay. 

Tumingin ko sa lifesize picture namin. Hinaplos ko yung mukha niya doon na tila ba kaharap ko lang siya.

"I miss you so much Sweets." tumulo ang luha sa mga mata ko.

Wala na yata akong magagawa kung hindi ang umiyak.

Lumilipas ang mga araw na tila ako robot. 

Isang gabi habang nagpipilit akong matulog, naraamdaman kong may pumasok sa kwarto ko.

"You're the biggest idiot I've ever met." si Daddy.

"Alam kong di ka pa tulog kaya tumayo ka diyan." dumilat na lang ako saka umupo sa kama. Nakatayo si papa sa harap ng lifesize picture namin ni Anj.

"You look like a lovely couple, you seem to love her so much." sabi niya habang nakatingin sa picture.

"I do love her." sagot ko.

"Then why did you let her go?"

"Didn't they say that when you love someone you have to let her go just so she can be happy?"

"Not at all times son." humarap siya sa akin na may malungkot na ngiti sa mga labi. "If you love someone, letting go is not always the way to make them happy. Sometimes what you need to do is put an effort to the relationship and make it work. Love her with all your heart and make her feel that." Umupo siya sa gilid ng kama ko.

"I let go of your mom even without thinking twice. I thought she still love your godfather. Rene is her first love. Kasal na kami nang bumalik si Rene sa buhay ng mommy mo." Tumingin siya sa labas ng bintana. "I thought your mom still love Rene. She tried explaining her side to me, pero ang tanging umiikot sa ulo ko ay mahal pa rin niya ang first love niya."

Tumawa ng pagak si Daddy. Para bang may naiisip siya na kung ano. "Ang laki kong tanga nang hindi ko siya pinakinggan. Ang alam ng lahat ay iniwan niya ako at sumama siya sa ibang lalaki. Pero ang totoong nangyare? I told her I'm not happy anymore. That she has to go with Rene. I also told her I dont love her anymore."

Tila kumislap ang mga mata ni Daddy, I never saw dad cry, pero mukhang ngayon ay maiiyak na siya.

"She begged for me to love her. She said she can't live without me, that she can't go on thinking that I had fallen out of love for her." tumulo ang luha sa mata ni Daddy.

"I didn't listen to her. Instead, pinaalis ko siya. Ang akala ko ay magiging masaya ako kapag bumalik siya kay Rene, little have I known that I was slowly killing myself. nagpakasubsob ako sa trabaho trying hard to forget about her. Crazy isn't it?"

"Last year kinontact ako ng kapatid niya. Alam mo ba hindi siya bumalik kay Rene, nanatili siyang nagmamahal sa akin after all these years. The reason why I built a house here in Palawan is because of her. Your mother lives on one of the barrios here in Palawan. Living alone." kinuyom niya ang kamao. "I want to punch the hell out myself when I saw her, your mother was as beautiful as ever but what I can't take is the loneliness in her eyes when she saw me. I was the reason of that loneliness. I brought her pain. Lalong masakit nang lalapitan ko sana siya ay nagpanggap siyang hindi ako nakita at hindi man lang pinansin ang presensya ko."

"I was blinded by jealousy, and now I don't know if I could have her again." 

"Daddy, why are you telling me all of these?"

"For you not to make the same mistakes I did before." Tumingin siya muli sa picture. "Look at her son, can't you see the love she has for you? Don't waste your time. Because before you knew it, it's over." tinapik niya ako sa balikat at tumayo na siya. 

Ngunit bago pa siya lumabas ng kwarto ay muling nagsalita ito. "I heard from Basty that your girlfriend's gonna perform tomorrow night at their school. Go son, don't let jealousy eat you." Pagkasarang pagkasara niya ng pinto, alam ko na ang gagawin ko. I'm gonna get Anj back.

Kinabukasan pagdating ko ng Manila, dumiretso ako sa school nila. Nagaayos na sila. That was around 4pm nang mapansin kong nagsimula na yung program. Mula sa gate ng school nila ay rinig na rinig ko ang malamyos na boses ni Anj na kumakanta.

She's exceptionally beautiful tonight. 

Napakagaling niyang umawit. She's my dream came to life. 

How could I ever let her go. If she doesn't love me? I'll make her love me again. 

Lumapit ako sa stage. Nakita kong lumuluha siya habang umaawit. 

Ako ba ang dahilan ng mga luhang yan Anj?

"I'm so sorry Sweets."

HIndi ko makayanang tignan ang luhaan niyang mukha. 

I want to punch the hell out of myself.

Dad's right, sinsaktan ko lang siya dahil sa ginawa ko.

I was about to go to her nang makita kong lumapit ang dalawang kaibigan niya sa kanya.

Tumalikod na lamang ako at bumalik sa kotse. I'll talk to her maybe tomorrow.

Habang nakasakay ako sa kotse at nagiisip kung paano ako makakalapit sa kanya, narinig kong may kumatok sa bintana ng kotse. Ibinaba ko yung bintana. Nakita ko si Zyrene. 

"You're an idiot!" sabay batok sa akin.

Ngunit bago pa siya makalayo tumingin siya muli sa akin. "Pumunta ka sa pad mo mamaya. Please fix this. I can't take my friend's tears anymore. I hope you know what to do now."

"Thanks Zy!" kumaway lang sya habang patuloy na naglalakad papunta sa kotse niya.

"Pare." I saw the last person I'd wanna see. "Can we talk?" si Irvine.

"What's there to talk about?"

"I want to say sorry and help you out with Anj." nang mabanggit niya ang magic word, pumayag na lamang ako.

Taken for Granted. [Fin]Where stories live. Discover now