Hunnie16.

96 1 0
                                    

Anj's POV:

Aww. Ang sakit ng ulo ko talaga. Pauwi na ako.

Naglalakad kami ni Ken pabalik ng bar ng kuya niya kung saan nakaparada yung kotse ko.

"Salamat ah. Pero masakit talaga yung ulo ko, feeling ko andameng bumabato sa akin ng bote sa ulo. Hehe. Ayun na yung kotse ko. I'll be going! Byeee Ken. Thanks again." nang bubuksan ko na yung pinto ng kotse ko ay pinigilan niya ako.

"Bakit Ken?" tanong ko sa kanya.

"Uhm. Will I see you again?" hopeful yung mga mata niya na nakatingin sa akin. Honestly pagkaalis namin ng pad niya kanina I was thinking about that too. He's the serious type, parang si Irvine. Baka ma-fall ako sa kanya for the wrong reasons and I don't like that. Iniharap niya ako sa kanya tapos kinuha niya yung isang kamay ko. "Well?"

Bahala na nga si batman. 

"Sure." ngumiti ako. Pinipigilan ko ang sarili ko na sabihin iyan pero parang may sariling buhay ang bibig ko at siya na mismo ang nanguna. Kumbaga, nagmadali siya para di na ako makapagisip.

"Contact number mo?" kinapa ko yung bulsa ko. I need to check my phone dahil hindi ko saulado yung number ko.

Uh-oh.

Nawawala nanaman yung phone ko. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya.

"Clumsiness strikes again. I think I just lost my phone for the nth time. Ugh. I'll just buy a new phone bago umuwi. Ikaw na lang magbigay ng contact number mo sa akin."

"No need." kinuha niya yung phone niya sa bulsa niya at binigay sa akin. "Expect my call later today. Okay?" nagulat ako sa ginawa niya kaya ang nagawa ko na lang ay tumango.

"Go, magiingat ka." he kissed me fully on the lips and opened the door for me. Again nagulat nanaman ako. Walang salitang namutawi sa labi ko. Sumakay na ako ng kotse ngumiti at kumaway muna ako sa kanya then nagdrive na ako pauwi.

Wala naman akong daratnan sa bahay ngayon kasi lahat sila nasa Ilocos. So dumiretso na lang muna ako kina Zy. 

Pagdating doon, nakita ko siya na paahon sa swimming pool nila. Napansin na niya ako at sinenyasang lumapit.

"Anj! What the! Kaninong damit yan?" nakita ko na pinasadahan niya ako ng isang nagdududang tingin. Obviously hindi ito damit na pangbabae kaya alam ko na kung anong tumatakbo sa isipan niya.

"Kay Ken. Don't look at me that way Zyrene you know me better than anyone else. And Ken's such a gentleman. He would not take advantage a drunk girl like me."

"Wala naman akong sinabi ah. Hahahaha. Nagulat lang ako kasi ganyan suot mo. The last time I sa-"

"Wag mo nang ituloy iyan please."

"Okay, sorry." May tinawag siya na kasambahay nila at ipinakuhang bag. " Naiwan mo kahapon sa akin yung phone mo." Nang dumating yung kasambahay nila ay ibinigay niya sa akin yung phone ko. Tss. Dami ko naman na phone.

"Binigay ni Ken yung phone niya sa akin kanina. Akala ko kasi nawala ko nanaman yung phone ko." Inilabas ko yung phone ni Ken. Ang sosyal pa ng phone niya Iphone. (Note: Nung panahon na to kasi Apple pa lang yung naglabas ng TouchScreen na phone or I could say na yun yung alam ko na bagong labas na phone noon. xD)

Inagaw niya sa akin yung phone at binrowse yun. Nanlalaki yung mga mata ni Zy, ang tagal na kasi naming umuungot ng Iphone sa mga magulang namin.

"Anj, look oh." ipinakita niya sa akin yung mga pictures doon. Ako yun ah, nung pagpasok ko ng bar, paginom ko ng tequilla, yung contest, nagsasayaw kami. Meron din ako sa kwarto niya nung tulog ako. Come to think of it. Yung mga pictures ko sa pad niya wala na akong make-up. Hinilamusan niya ako? Sweet talaga nun.

Taken for Granted. [Fin]Where stories live. Discover now