“Gab, tiningnan ko lang dito kung ano talaga ang mga posibleng nangyari kay Jova. Posibleng may nainom s'ya kaya parang naging siraulo s'ya kanina.”

“What if you're wrong in that assumption? What are you going to do? ”

“Walang mawawala kung mali ako, Gab. Gusto ko lang ma-imbestigahan! Para rin naman ito sa ikakabuti ng lahat.”

Namula ang buo niyang mukha, naiinis. Nandoon ang pagpipigil sa sarili at nakakuyom ang mga palad. Sandali siyang bumuntong hininga.

“P-Please, Gabrielle...”

“Napaka-kulit mo talaga,” aniya at tumalim ang tingin sa akin. “Alright, Mrs. Delman. Let's do what she wants,” sinabi niya iyon ng hindi inaalis ang tingin sa akin. “I'll tell my parents about it.”

Bahagyang tumango at ngumiti sa akin si Mrs. Delman.

“You're being fair, Miss Beindz. That's the right thing to do...”

May ilang pinaliwanag si Mrs. Delman sa amin bago kami tuluyan pinauwi. Si Jova naman ay hinihintay nilang magising para makausap nila ng matino. Ang sabi pa ni Mrs. Delman, dalawang linggong suspended si Jova at ako naman ay pwedeng hindi munang pumasok kung gugustuhin ko raw. Baka raw kasi na-trauma ako sa nangyari.

“Insan, thank you! Mabuti na lang talaga nandoon ka!” Tinapik pa ni Gabrielle ang balikat ng kaniyang pinsan.

Hinihintay namin si Jorja at Jahm dito sa waiting shed. Kinuha lang nila ang mga gamit na naiwan nila kanina sa gym.

“You must be more careful next time, Miss Beindz,” wika ng maputlang lalaki habang nakatingin ng mariin sa akin para may iba pa siyang pinahihiwatig batay sa tono niya.

Hindi ko naman siya kinibo.

“Hoy, Sane! Magpasalamat ka nga rito sa pinsan ko!” Hinatak ako ni Gab palapit sa pinsan niya. Nailang naman ako bigla. “He saved you from Jova!”

Tumakbo ako kaya nakawala ako mula kay Jova. At kung tutuusin, kaya ko namang depensahan ang sarili ko, sadyang may tama si Jova kanina kaya nakaramdam ako ng takot.

I sighed.

“Well, thanks,” wika ko. “Ikaw pala 'yung lalaking nakasalubong ko. Hindi ko namukhaan.”

Gusto kong paikutin ang mata ko dahil ginigitgit ako palapit ni Gab sa pinsan niyang parang tuod.

“Gab, masikip, umusog ka ro'n,” pinigilan ko ang sarili kong mainis. Hindi siya sumunod kaya ako na lang ang kusang lumayo at nagkamot ng batok.

“Pagpasensyahan mo na 'tong kaibigan ko. Gan'yan lang talaga s'ya magpasalamat! Labas sa ilong!”

Kung hindi lang ako nahihiya sa kasama namin, kanina ko pa sana sinipa itong si Gabrielle. Masyadong mapang-asar!

“Ah, it's okay, I don't mind it anyway,” bahagya akong tinapunan nang tingin nung pinsan ni Ohne. Nag-iwas na lang ako ng tingin nang magkasalubong ang aming tingin.

Weird...

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Napahinga ako ng malalim.

Putek!

Ano bang nangyayari sa akin?

May mga pinag-usapan pa silang dalawang magpinsan. Lumayo ako ng konti dahil hindi naman ako interasado sa mga pinag-uusapan nila. Napansin ko naman ang paninitig nung maputlang lalaki sa akin kaya inirapan ko siya. Nakita ko pa siyang ngumisi.

“You're a freak.”

“Talk to my hand.”

Pinorma kong puppet ang kamay ko at saka tinapat sa mukha niya. Lalo pang napangisi ang lalaking maputla.

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now