"Oh c'mon, you know what I mean. What happened when I left huh?" Galit ang tono ng kanyang boses.

"What happened last night has nothing to do with you." Diniretso ko ito. Nag tiim bagang siya at lumapit sa'kin. Nabitawan ko ang hawak na papel nang itulak niya ako at tumama ang aking likuran sa pader. Napadaing ako sa sakit.

"Ano ba nasasaktan ako!" Hinigpitan pa nito lalo ang paghawak sa braso ko.

"Sa tingin mo gano'n gano'n na lang kadaling itapon ang lahat ha! Are you making fun of me huh?"

"Let me go! You're hurting me!"

"Putang ina Guia ikaw lang ang taong gumawa sa'kin ng gan'to. Ikaw lang ang bukod tangi!"

"You know what? You're such a narrow minded!"

Hinawakan nito ang magkabilang mukha ko at marahas akong hinalikan. Pinilit kong makawala sa mapagparusa nitong mga halik ngunit na bigo ako. Naging agresibi siya, ramdam ko ang lasa ng dugo at hapdi ng aking mga labi.

Tumigil ito bigla at lumayo sa'kin. Hindi niya magawang tumingin at nanatiling matigas ang puso.

"Get out." Patakbo akong umalis ng kanyang opisina. Pinilit kong pakalmahin ang sarili kahit na sa totoo lang ay babagsak na ang mga luha ko.

Matapos ang isang buong araw ay kasalukuyan akong nag hihintay ng taxi. Hindi umuwi si Fabian kagabi at hindi ko alam kung mag isa ulit akong matutulog sa condo. Hindi tama ang ganito. Ngayon ay wala na akong dahilan para mag-stay pa sa condo niya. Kailangan kong makagawa ng paraan para makahanap kahit apartment lang na lilipatan. Hindi ko rin magamit ang nakastock na pera ko sa bangko at alam kong ang papa ang may kagagawan nito.

Sa waiting shed ako nag hihintay habang nakatayo. Masakit na ang mga binti dahil sa taas ng takong ko. Maya maya pa ay bumuhos ang malakas na ulan.

"Shit!" Napakamalas at hindi gano'n kaayos ang bubong ng waiting shed. Nagsimula na akong lamigin nang mas lumakas pa ang ulan at nabasa na ang paa pati binti ko. Basa na rin ang pang itaas kong damit.

"Napakamalas talaga!" Sigaw ko. Madalang ang daan ng mga taxi ngayon lalo na sa ganitong panahon. Maya maya lang ay may natanaw akong itim na sasakyan na papunta sa gawi ko. Laking gulat ko nang makita siya.

"Get in." Nagbaba ito ng bintana.

"No thanks I can handle myself."

"Tsk." Nadinig ko ang pagkairita at lumabas ng sasakyan niya.

"Ano ba bitawan mo ako!" Pinilit niya pa rin akong sumama at pabalang na itinulak sa loob ng kotse niya. Hinubad ang coat at ihinagis sa'kin. Pagkapasok sa loob ay inayos nito ang basa niyang buhok at niluwagan ang necktie.

"Kilala kita, lamigin ka. Don't be stupid tsk." Alam niyang mahina ako sa lamig. Mahina ang resistensya ko kaya mabilis akong kapitan ng sakit.

Wala kaming imikan ni Fabian hanggang sa makauwi ng condo niya. Lamig na lamig ako nang hubarin ang coat kaya pumasok agad ako sa banyo para magbabad sa maligamgam na tubig. Nagtagal ako do'n at ayokong lumabas.

Nagtagal din ako sa loob hanggang sa maisipan ko nang umahaon at magbanlaw. Nagkuskos ako at nag sabon ng katawan habang rumaragasa ang tubig sa'king balat.

Matapos kong makapag palit ng damit ay bumaba na ako. Naabutan ko naman si Fabian na nag hahanda ng pagkain. Tahimik lamang ito habang abala sa kanyang ginagawa.

Naupo na ako sa tapat niya matapos nitong makapag handa. Hindi pa rin kami nag uusap hanggang sa ako na ang bumasag ng katahimikan.

"Can we talk?" Hindi ako mapalagay. Alam kong masakit sa parte ni Fabian ang pakikipaghiwalay ko sa kan'ya pero anong magagawa ko? Masakit din ang mga binitawan niyang salita sa'kin.

"Let's have dinner first." Walang gana nitong sagot.

Hindi na ako umimik at nag umpisa nang kumain. Natapos kaming kumain na hindi man lang nakakapag usap. Ako na ang nag presintang mag hugas ng pinagkainan at hindi naman ito tumutol at nagtungo sa veranda.

Naabutan ko siya roon habang malalim ang iniisip at nakasindi ang sigarilyo. Bumuga ito nang mamalayan niya ang presensya ko. Lumingon siya saglit sa'kin at muling bumalik sa pagtanaw sa malayo.

"I'm sorry I lied to you." Panimula ko.

Matagal akong nag antay ng isasagot nito sa'kin. Natigilan siya at pinatay ang hawak na sigarilyo at lumingon sa gawi ko. Isang pares ng mga matang malalim kung tumitig. Mga matang may gustong sabihin ngunit mas pinili na lamang manahimik.

Isang malalim na pagbuntong hininga ang ginawa ko. Hindi ko alam kung kakausapin ba niya ako o kung may balak siya.

"Please say something." Nag umpisang mag tubig ang aking mga mata.

Nagulat na lamang ako nang hilahin nito ang kamay ko papunta sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Ikinulong sa mga bisig niya.

"I'm sorry for being a jerk." Sawakas at nagsalita siya. Kumabog ng husto ang puso ko at nahimasmasan sa katotohanan. I can't live without him. Napakalaki kong impokrita dahil sa lakas ng loob na makipaghiwalay kay Fabian. This man, I can't stand to see him with someone else. Hindi ko kaya.

Mas humigpit ang yakap nito sa'kin at gano'n din ako. Inangat niya ang mukha ko sa kanya at siniil ako ng halik. Pumikit ako ng mariin. I missed his kisses so much!

KINAUMAGAHAN ay maaga kaming dumating sa site kung saan gaganapin ang pag papatayo ng La Solidad Subdivision.   Naroon ang team ng kompanya ni Mr. De Alegre kabilang ito. Kasama ko naman si Fabian sa loob ng van kasama pa ang buong Engineering Department.

Hindi maganda ang panahon dahil sa pabugso bugsong pag ulan ngunit hindi kami natinag at inituloy ang pagsasagawa ng plano.

Lumabas na kaming lahat sa van at tumakbo sa may silungan. Naroon si Mr. De Alegre habang walang ekspresyon na nakatingin sa amin. Nakapamulsa ito nang lapitan ng Head Engineer at makipag kamayan. Tinanggap naman niya iyon kahit na walang mababakas na tuwa sa mukha nito.

Biglang lumakas ang ulan habang isinasagawa ang discussion tungkol sa proyekto.

"You can use my Villa." Si Mr. De Alegre ang nag salita. Wala kasing matutuluyan ang lahat at maaga pa naman kaya't napag desisyunan na manatili sa Villa na pagmamay ari nito. Hindi naman iyon kalayuan kaya't kanya kanya na kaming pumasok sa van.

Ipinatong naman sa balikat ko ni Fabian ang coat. Alam kong pinagtitinginan na kami ng lahat maging si Alison na tahimik lamang.

"Don't mind them." Bulong sa'kin nito nang mapansin niya ang pag iisip ko ng malalim.

Magandang Villa ang tumambad sa aming lahat. Bumaba si Mr. De Alegre sa itim niyang sasakyan kasama ang personal driver nito. Kanya kanyang bulong ang iba sa angking yaman ni Mr. De Alegre.

Walang tao ngunit halatang may mga pumupunta dito araw araw para mag linis.

"Coffee?" Nagulat ako nang alokin ako ni Mr. De Alegre.

"She's allergic to caffeine." Kaagad na sagot ni Fabian kahit na wala naman talaga akong allergy.

Itutuloy...

Vote and comment for the next update! :)

Love to Sin: Fabian Devonscott ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon