Sa kanyang sinabi ay doon ko natanto ang kanina ko pang hinala. Dahil ang kaharap namin ngayon ay ang apat na babaeng nakamaskara at nakahood na taglay ang lamig sa kanilang mga salita. Habang ang isa ay pula ang kulay ng pares ng mata. Tama ako. Hindi si Mare Lady mismo ang gumawa ng mga balitang iyon. Dahil ang mga kaharap namin ngayon ay ang tunay.



"Bloddamen Gang."





Third Person's POV


Nagulat ang lahat ng nanunuod sa arena at kapwa naguluhan dahil sa dalawang grupo ng babae na nasa harap nila. Tila nahawi din bigla ang Graveyard Gang dahil nagkanya kanya itong pagtabi para bigyan ng espasyo ang walong babae.



"Who are you?" tanong ng fake na Bloody E.



"Fortunately, we're the true Bloddamen Gang" sagot nito habang nakangiti. Ngiting may ibang dalang takot sa apat na babaeng kaharap din niya. 



Napaatras naman ang mga impostor na ikinatawa ng grupo ni Bloody E. Walang maririnig sa buong paligid kundi ang tawa ng mga ito na may halong panglalait sa pinapakitang takot ng mga impostor.



Napasinghap na lang ang lahat ng hilahin ni Ripper ang buhok ng isang babae at tinutukan ito ng isang patalim.



"What do you want to do with this shtty impostor of yours Mare? Want to get a revenge since she used your name?" tanong ni Ripper habang inilalandas nito ang patalim sa leeg ng babae na nagpanggap bilang Mare.



"What about write her true name in her face so that she will never use other's name?" Tuksong sagot ni Blairre na pareha ikinatawa ng dalawang magkaibigan.



"P-please hin-hindi na ma-uulit. We're s-sory." Nangangatog na pagmamakaawa nito.



"Let her go." Nagulat ang lahat sa minutawing utos ni Bloody E kay Ripper. Maski ang mga nanunuod ay nagulat pero agad napasinghap ang lahat sa sunod nitong utos. "Give them souvenirs."



Ngiting napailing si Satan sa utos ni Bloody E na siyang sinunod agad ni Mare at Ripper. Naglalakad paalis ang apat na babae sa arena na siyang ikinahahawi ng mga taong madadaanan nila. Ni isa ay walang tumulong sa apat na ika ikangnaglalakad habang may tumutulong dugo mula sa mga braso at binti nila dahil sa ginawa nina Mare and Ripper.



Habang ang Graveyard Gang naman ay nasa kabilang dako ng arena at kasulukuyan nang naglalakad din paalis. Ngunit agad silang natanaw ni Satan na siyang itinuro nito sa tatlong kamyembro niya. At sa isang tinginan nilang apat ay sabay sabay silang nagtanguan at nagtaasan ng sulok ng labi na tila iisa lang ang nasa isip nila.



Sa isang iglap ay pare- parehong tumama sa pader ang mga likod ng apat na lalaki nang sabay sabay silang sinunggaban at tinulak ng apat na babae na siyang ikinatalsik nila. Ang lahat ng nanunuod ay napasigaw sa nangyari at mas lalong natuwa sa pinanunuod.



Pero mas lalong nagulat ang lahat nang hinagisan ng Bloddamen Gang ang Graveyards Gang ng kanilang mga sari-sariling armas na hindi napansin ng lahat kung saan nagmula. Rinig ang kanilang bawat yabag ay nagtungo sila sa apat na lalaking dumadaing sa tama ng kanilang likod sa pader.



Lumapit si Klaio na mas kilalang Satan kay Rex na kilala din bilang Fright. Kinuha nito ang kanyang maliit na kunai na may kakaibang disenyo. Halos tumama ito kanina sa may tagiliran ng lalaki ngunit tanging daplis ang ginawa nito na ikinapunit din ng damit kaya nakita ang matipunong tiyan ng lalaki. Kinuha ito ni Satan na sinadyang inilapat pa ang dulo ng kunai nito sa tiyan ni Rex. Napakislot naman ng kaunti si Rex dahil sa pagalarma nito sa posibleng gawin ni Satan na siya namang ikinatawa ni Satan.


"Nice Abs."  komento ni Satan bago pa ito nilayuan at tinalikuran.



Samantalang si Lexine na mas kilalang Ripper ay kinuha ang maliit niyang bersyon ng quarterstaff na may disenyo ng kanyang simbolo sa grupo.  May carvings din ito na may simbolo niya. Kinuha niya ito na halos digkit na sa gilid ng leeg ni Drake na kilala bilang Knight pero sa halip na kamay ang gamitin ay ginamit niya ang kanyang bibig na halos dumampi ang labi nito sa may leeg ni Knight. Napadaing ang lalaki sa sakit ng katawan nito pero nagmistulan itong ungol na ikinatawa ni Ripper.



"We're not in a bed."



Si Blairre na mas kilalang Mare naman ay lumapit kay Claude o mas kilalang Clone. Basta basta nitong kinuha ang kanyang isang shuriken na may kakaibang disenyo din dahil sa simbolong gamit niya. Kinuha niya ito na sinadya niya pang idaplis kay Clone na siya namang ikinainis nito.



"I hate you." inis na sabi nito kay Mare na ikinatawa din ng babae.


"I hate you more." pangaasar niya na halata na talagang ikinapikon ng lalaki. Ngunit tila nagiba ang ugali nito nang sumabat pa ito.


"I love you Mare." Bahagyang kumunot ang noo ng babae pero nagpatuloy ito sa pagsasalita. "I really love you to the point that I want to kill you."


"Learn to hack firsts." Tanging sagot ni Mare at tumalikod na din sa lalaki.



Habang si Fuschia na mas kilalang Bloody E ay blangkong lumapit din kay Armour o Grave King na tanging nakatingin sa hawak na nitong dagger o mas alam ng ilang bilang patta na kaninang muntik nang dumaplis sa kanyang pisngi kung hindi niya pa ito naiwasan agad. Nang makalapit si Bloody E sa pwesto ni Grave King ay inilapit nito ang kanyang mukha sa mukha ng lalaki. Ang akala naman ng lahat ay hahalikan niya ito pero ang totoo ay tumapat lang siya sa mukha ni Armour saka nilapat ang bibig sa tenga nito at bumulong ng isang salita na alam niyang ikinalamig ng lalaki.



"Beware."







Edited.

Also read 'The Runaway Mafia Heiress'


EMPIRE HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon