Chapter 18: Umiwang Ibon

Start from the beginning
                                    

Umalis kami ng ng E.K. pag-katapos ng palabas. Agad-agad kong kinuha yung kaha ng yosi na medyo napiyaot na sa bulsa ko. Hindi ko kasi alam kung pwedeng manigarilyo sa loob. Inabutan ko si Maya pero tumanggi s’ya habang nakatulala parin sa langit.

“Tapos na yung fireworks.”

“Alam ko,” sabi n’ya, “Naghahanap lang ako ng Alien.”

Napansin ko bigla na hindi pa s’ya nag-yoyosi mula ng umalis kami sa Makati. Kinuha ko ang lighter at sinindihan ang lintek na yosi.

“Tangina mo,” sabi ko sa kawawang sigarilyo, “Pinag-intay mo ko ha.”

Tumawa si Maya tinatanong kung gutom na daw ba ako, sumangayon naman ako at kumain kami sa isang karinderya. Mainit na Lomi at isang basong tubig lang ang katapat ng malamig na gabi. Ihip, subo at singhot. Yan ang routine namin ng pagkain namin ng lomi ni Maya na naka-tiklop ang legs at hinubad ang kanyang headband at iniabot sa akin. Kinuha n’ya rin naman ito matapos kaming kumain.

“Wala na tayong masasakyan pauwi.”

“Gusto mo rin namang mag-hotel tayo e.” sabi ni Maya na naka-ngiti habang binabasa pa ang mga nilalaman ng utak ko.

Ginawa nga namin ang nasabi. Three-star hotel naman ang aming napasukan, malinis at wala namang kapintas pintas, kahit papano.

Nag-hubad ako ng damit dahil pawisan na ako at umupo sa kama. Hindi pa man ako nakakaimik ay bigla na akong sinunggaban at niyakap ni Maya. Hinalikan n’ya ako at ganun rin naman ang ginawa ko. Lumibot ang kamay ko sa halos lahat ng sulok ng katawan n’ya bago ko naabot ang hook ng kanyang bra. Pinag-patuloy namin ang ginagawa namin hanggang umabot kami sa iniisp n’yo na. Masarap sa pakiramdam ang naranasan ko ‘non, bukod tangi, kakaiba at masarap. Hindi sa tipong libog lang ang pinaiiral ko pero kahit emosyon ko ay parang puputok na parang Mayon. Naka-apat na oras kami sa pag-tatalik, at ilang climax ang nangyari. Matapos ‘non ay nakapatong ang ulo sakin ni Maya. Narinig ko s’yang umiiyak.

Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga gantong sitwasyon. Umiyak s’ya ng madaming luha sa aking dibdib. Niyakap ko s’ya ng mahigpit at bumawi naman s’ya ng yakap. Ramdam kong nanginginig ang buong katawan n’ya. Hindi naman s’ya nilalagnat o ano.

“Ibarra,”

“Oh bakit?”

“Natatakot ako.” Sabi n’ya, “Natatakot talaga ako.”

“Saan?”

“Natatakot ako sa sarili ko.” Sabi n’ya, “Natatakot talaga ako sa sarili ko.”

Hindi ko alam ang isasagot ko at niyakap ko nalang s’ya ng mahigpit. Hinalikan ko s’ya sa noo.

“Mahal kita Maya.” biglang binanggit ng aking makasalanang bibig.

Ngumiti si Maya sa wakas, sabay binigyan ng papuri ang katawan ko.

“Tawag d’yan,” sabi ko, “Katawan ni Kristo.”

“Tangina!” sumabog ang tawa ni Maya na may halo pang palakpak, kinuha ko yung panyo ko at pinunasan yung ilong nya ngunit imbis na pasalamatan ay nakatikim pako ng insulto. “Puta, pinunasan yung ilong ko e. Ang korni e.”

“Patawanin mo pa nga ako.” Dagdag n’ya.

“Alam mo,” sabi ko, “Sikreto lang natin ha pero nasakin talaga ang katawan ni Kristo. Yung katawan na hinahanap ng lahat ng pari sa buong mundo. Tatanungin ka nila ‘Katawan ni Kristo?’ tapos sasagot ka ng ‘Amen’ pero hindi nila talaga alam na nasakin ang nasabing katawan. Pinatunayan ko ‘to nung nasa Laguna pa ako. Wala akong magawa kaya sumimba ako, mabisita naman ang kaibigan kong si Hesus. Tapos ayun, yung oras na ng komunyon ay pumila ako. Nung ako na yung susubuan ng pari, (tangina, parang mali yung term) nung ako na yung nasa unahan para tumanggap ng ostya ay tinanong ako ng pari. ‘Katawan ni Kristo?’ sabi n’ya, sumagot ako, ‘Nasa akin ho Father’. Na-insulto ata sa akin yung padre. Nanlaki ang mata at butas ng ilong. ‘Patunayan mo anak.’ Sabi n’ya. Ngumiti naman ako at sinabing ‘Sige father. Banatan n’yo na.’, pina-usog ni father yung mga sakristan at bumwelo ng suntok. Sinuntok n’ya ako sa tyan pero parang s’ya pa yung nasikmuraan. Pinakuha n’ya ng tubig yung isang sakristan at—..”

Kwento ng TaoWhere stories live. Discover now