Chapter 2: Amoy kahapon

667 22 10
                                    

Okay. Bagong araw na naman. Wala na naman akong assignment. Sabon na naman ako sa aking guro. Ayoko na naman pumasok, pero eto na naman ang Tita ko. Putak ng putak, anak ng putak. Oo, meron din akong dramatic background tulad halos lahat ng bida sa mga kwento at oo, cliche din. Actually, patay na rin mga magulang ko at kapatid ko. Ayoko sabihin kung bakit. Pero sige nanga, joke. Ewan ko, di ko na masyadong tanda kung bakit ba namatay ang pamilya ko. Alam ko dahil ang magiting kong itay ay nabaliw dahil sa sobrang pagttrabaho at nagdulot ito ng matinding kalungkutan sa nanay ko kaya nabaliw din sya. Sa nakababata kong kapatid, di ko alam kung namatay sya pero sabi ng Tita ko ay patay na sya. Ngayon, kinupkop ako ng Tita ko, hindi para mahalin. Para may utusan sya. Alipin simula pa nung ako'y pitong taon. At ngayon ay ako'y Labing walong taon na. Na-tigil ako sa pagaaral ng tatlong taon dahil nga sa nangyari nung bata ako kaya ngayon ay 18yo ako at Highschool parin. Nakakahiya pero mas nakakainis sa totoo lang. Napapaligiran ako ng bata sa school. Mga tangang bata. Pero may ibang tao rin sa school na ka-edad ko. Si Kamiseta McFlower at ang boyfriend nyang si RH, oops, iniisip nyo cool nickname ang RH like Robbert Holyfield? Hindi, RH as in Red horse.

Oo, sila yung magsyota kahapon. Si Kamiseta ang isa sa mga babaeng natipuhan ko dahil ang ganda nya manamit, matalino, at maganda manamit pero hindi ko pa talaga kilala ang pagkatao nya at kung bakit nagawa nyang patulan si Red Horse. Para kasing personificiation ng lahat ng sama ng loob si Red Horse e, sobrang panget nya tangina nya, ang panget nya.  Pero parang alam ko kung bakit mag-syota si Kamiseta at Red Horse, kasi mayaman si RH e. pero hindi naman mukhang pera si Kamiseta. Tingin ko talaga isa syang pure na babae. Pero di ko rin masasabi, you can't judge a book by its cover daw e. Lolo mo libro. May naalala ba kayo sa mga gantong relasyon? Ako meron, pero hidden message ko nayon para sa inyo. Pero baka malaman nyo rin sa ibang chapters. Ang panget talga ni Red Horse, mukhang inaalmuranas na panike.

Nakaupo na ako dito sa upuan ko. Patulog na ako. May bumato sa akin ng papel. Di na kelangang maghanap. Si Juan Million yun. Ang natatangi kong kaibigan dito sa school, at ako lang din ang natatangi nyang kaibigan. si Million ay isang 16-yo na bata na gusto na maging matanda. Hapit na hapit sya magka-girlfriend at makipag-ano. Alam mo na. Araw araw ata sya bumibili ng porno sa Sidera. Malusog naman syang bata, kahit papano. Kung si Kamiseta ay maganda at si Red Horse ay panget, si Million naman ay nasa "at" part. Mukha naman syang tao pero ambaboy nya manamit. Hindi nakabutones ng ayos yung polo, may ketchup sa collar, pawis ang ilong at nakasalamin.

"Malapit na ang JS PROM! Bili na tayo ng CONDOM! Rhyming pa yan tsong! Para naman pwede tayong pang-SITCOM!" Anak ng pinaputukang palaka. Ano na namang plano neto? Hindi ako umatend ng JS prom last year pero balita ko, may nagsuka daw na babae sa harapan ni Million. DI ko alam kung bakit, at ayoko ng malaman pa. Di ako umattend ng prom dati kasi tinatmaad ako at ayokong makitang sinasayaw ni Red Horse si Kamiseta. Tsaka di rin ako bibigyan ng Tita ko ng pambayad dun. Pero this year,  parang gusto ko u-mattend. Di ko alam kung bakit. Pero wala akong pera.

Awasan na, sa wakas. Di ko namalayan, nasa likod ko na pala ang aking kaibigan.

"Hoy, ano?! Anong plano natin? pano tayo makascore sa Prom?!" sabi nya. Aba, palakpakan natin ang unang character sa storyang to na nagsalita bukod sa akin!

"Malay ko, di ata ako aatend. Walang pera" sagot ko.

"ANO?! ambobo mo talaga, ano hahayaan mo nalang si Kamisetang makipagsayaw kay Pulang Tigidig?" sabi ng naiinis na milyones at dinagdag pa "Kung di ka papayagan ng tita mo, may alam akong trabaho! kayang kaya mo pumasok don! Punta tayo ngayon!"

"Ayoko, wala akong tiwala sayo. Bahala na, try ko pumunta. Uuwi na muna ako ngayo't matutulog"

Umuwi na ako, at may lalake na naman ang Tita ko. Siguro dapat pala dalhin ko si Million dito minsan sa bahay, para makapaanuod naman sya ng live action. Pangarap nya yon e. Pero sa ngayon, tutulog muna ako. Makatulog na.

Kwento ng TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon