Chapter 3: Pangalawang dalawa

544 20 15
                                    

Chapter 3: Pangalawang dalawa

Umaga na naman. Simula na naman ng isang araw na pagrereklamo at pagtitiis sa mundo. Kung magsalita ako parang andami ko ng dinanas no? Pero ewan ko. Ilang linggo nalang ay JS PROM na. Isa daw sa dapat hindi ma-miss sa Highschool life. Pero sa edad kong to? Di nga? Pero kahit papano, may ka-edad din ako sa school tulad nga ng sabi ko. Si Red Horse at Kamiseta. Bobo si Red Horse, kita naman sa mukha e. Dahil sya ang pinakamatanda sa school, nagsisigasigaan sya. At dahil lagi syang na-g-guidance ay ayun, pabalik balik sya sa 4th year. Iisang taon nalang, tanga pa. Si Kamiseta ang hindi ko alam ang storya. Di ko sya kinakausap e. Pero nagtataka ako kasi matalino naman syang babae, di sya yung tipong babalik. Pero nung 2nd year kame unang nagkita e. Pareho kameng bago sa eskwelahan.

First day ay naulan at makulimlim. Alam nyo ba kung bakit? Kasi ninakaw lang naman ni Kamiseta ang araw. Ang kinang kinang nya non sa mga mata ko. Nakakasilaw ang ganda nya. Pero sa isang iglap, parang nag-eclise. Alam nyo ung Egyptian Myth na tuwing may solar eclipse daw, kinakain ni Apep (god of chaos) ang isang god. Ganun, ganung pangitain ung sumira sa scene na iyon. Ang dyablong si Red Horse ay bigla nalang inakbayan si Kamiseta. Nakakasuklam. Ang inet sa dibdib. Para bang pinasubo ako ng isang kutsarang kape na may kasama pang isang kutsarang asin. Ganon. Oo, napapakunot noo nyo no?

Pagpasok ko sa gate, nakita ko na naman yung binubully na freshman. Mejo nasa mood ako na iligtas sya, papalapit palang ako ay nakita ko na agad kung sino yung bumubully, hindi freshmen. Isa ay ang nakababatang kapatid ni Red Horse na si Red Force at si Kurumuchi, isang half Japanese na tao. Sophomores sila at ang binubully naman nila ay nagngangalang Bully, ayos. Pero di pa ako nakakaabot ay para bang nagalit na tong si Bully. Binuhat nya yung si Kurumuchi na mas maliit sa kanya at ibinalibag sa sahig. Papilay pilay tumayo si Kurumuchi at paiyak na, di ko ba alam kung gising paba talaga yon o singkit lang talaga ng sadya. Pero ayun, si Red Force naman ay duwag, di nakagalaw. Pumasok nalang ng room si Bully. Nagkagulo don, nagdatingan ang teachers, teachers at teachers. Panigurado Office tong tatlong to, pero hanga ako sa ginawa ni Bully. Mabuti nalang lumaban sya, sa totoo lang mas maliit yung bumubulas sa kanya e. Siguro ngayon nya lang napagtanto na mas malaki pala sya don.

Pagkapasok ko ng room, nilapitan agad ako ni Million pagpasok at tinanong ako kung ano na ang plano namen sa JS prom. Imbis na sumagot, napansin ko na bago ang kanyang sapatos. “Pamasko?” tanong ko habang naka-nguso sa kanyang black shoes. “gago, bumili ako kahapon ng bagong sapatos sa Sidera tapos pinakinang ko ng sobrang sobra para sa JS.” Sagot nya. Natawa ako pero meron sa loob ng utak ko na nagsasabing inaasahan ko na to. Hanga talaga ako sa passion ni Million na magka-girlfriend bago mag college. Malapit lapit narin kasi kami mag paalam sa sekundarya. Hindi ko pa nga napag-paplanuhan ang gusto kong course e. At isa pa, di ko rin alam kung magkakapagkolehiyo ako dahil di ko din sure kung may pera si Tita pang tustos. Gusto kong maka-attend, di ko alam kung bakit. Pero siguro dahil parang gusto kong makita si Kamiseta na naka-gown/dress or kung anumang tawag don.

“Hoy!” sabi ni Million sabay ng pagtapik sa balikat ko “Tanga”. Nakatulala pala ako habang ini-imagine ko yon. “Ano?! Tatlong linggo nalang ay JS na! Kailangan mo na kumilos!” nakakunot na noo na sabi ni Million.

“Ewan ko, ano ba dapat kong gawin?”

“e ano nga ba? Magsabi kana sa Tita mo tungkol dun at kung di sya pumayag, may alam nga akong trabaho! Promise hindi to illegal”

“E ano ba yang trabaho na yan ha?”

“Madali lang, babantay ka lang ng tindahan ng siopao tuwing Alas syete hanggang alas onse ng gabi, wag kang mag-alala katapat lang yun ng bahay namin kaya dalawa tayo don. Pero sayo lang yung sweldo”

Naiintindihan nyo naba kung bakit ko piniling kaibigan ang uhuging si Million? Dahil ganto sya, ma-a-asahan, hindi lagi pero maasahan parin pag chumamba ka. Pumayag na ako’t sinimulan ko ang trabaho ko nung gabing din yon. Nakakasorpresa lang na hindi tumutol ang Tita ko sa gusto ko, akala ko puputak sya na naman tungkol sa paglilinis ng bahay. Nililinis ko naman ang bahay tuwing sabado’t linggo. At dalawa lang naman kami sa bahay kaya wala masyadong kalat dun.

Kahit papano, kahit di masyadong malaki ang sahod sa aking siopao raket ay mabait naman si Aling Hevs (Heavy). Isa pang rason bakit hindi ganong boring ang pagbabantay sa gabi ay dahil din sa kanyang anak na si Heav (Heaven). Tuwing wala si Million dahil sa mga assignment namen, sya ang kausap ko. Sya unang nag-approach sa akin, maikling shorts at sando lagi ang suot nya kasi ganon ang pambahay nya. Pero di sya mukhang flirt naman base narin sa mga kwento nya, madalas ay ako ang kanyang diary pag may hindi magandang nangyayari sa kanila ng boyfriend nya. Sya ang una kong nakausap na babae na gantong katagal, college na sya at ka-edad ko lang din. Masarap pala makipagusap sa ka-edad mo.

Pero Masaya talaga ang gabi pag magkasama kami ni Million sa shop, pag mag-sasarado na kame. Minsan ay tumatambay pa kame, kumukuha syang dalawang bote ng San Miguel Light (Super dry) sa kanilang ref ng patago at iniinom namen sa kalsada. Iniisip namin minsang magsuntukan tulad dun sa Fight Club, pero napagisip isip naming kalokohan lang yon. Pero isang beses nga, habang nainom ako ng beer at hawak yung bote, umalis sya para umihi. Napalalim ang pagiisip ko non dahil iniimagine ko ang magiging itsura ni Kamiseta sa JS, hindi ko na narinig ang paglapit nya sken at bigla nya akong ginulat! Sa sobrang gulat ko ay nahampas ko ang hawak kong bote sa ulo nya, pero himalang hindi man lang sya na-K.O. Actually, O.K. pa nga sya e. Tawa pa ng tawa, winalis ko  yung bubog at tinapon sa basurahan. Di ko parin talaga alam kung mamamangha ako dito sa taong to o ano. Isang beses, napagdesisyunan naming mag-lakad lakad habang nainom, di naming nakitang palapit na pala yung mga baranggay tanod na nanghuhuli ng mga underage na bata pagpatak ng 11PM mahigit, Oo di na ako underage pero di ko naman pwedeng iwanan si Million. Curfew ika nga, KARPYO naman tawag ng tambay. Pero matatawa ka talaga pag nakita mo ang naiiyak na mga mata ni Million, takot na takot sya at mura ng mura habang tumatakbo kame “PU#(%*#*%! WAG NAMAN PO MAMANG PULIS WAG PO!!!” sigaw nya. Di ko alam kung gano kami kabilis tumakbo pero pangako, di umabot samin ay tricycle nung mga tanod, naririnig ko pa nga ang mga sinasabi nila na “Tangina pare, kwatra na tayo a? Di parin natin maabot?!”. Nakakatuwa isipin, gantong mga moments naming ni Million ang nakakapagpaligaya sa munti kong buhay.

Kinabukasan na ang JS, pero kulang parin ang pang contribute ko sa JS. Ginawa ni Heav ay nakiusap sa nanay nya na bigyan ako ng advance payment para lang makabili ako ng kasuotan. 2nd hand na black leather shoes, pink polo-shirt na ukay ukay lang din at coat na galing sa tatay ni Million, ayan ang mga nakolekta naming gamit, salamat sa mga napagipunan kong pera. Okay narin kahit papano, as usual, late ako dumating sa school pero late din si Millions, halos magkapareho kami ng outfit pero mga bago yung kanya. Pag pasok ko ng school, sinimulan akong kabahan. Nakakahiya, di ko nga pala ka-edad tong mga to. Pero wala na akong magagawa, nag-sisisi ako. Gusto ko na matulog pero eto na, JS NA!

Kwento ng TaoWhere stories live. Discover now