Naglakad si Isaac at umupo sa single chair. May lumapit sa kanyang kasambahay para magbigay ng tsaa pero tinangihan niya ito.

Isaac looked at Umi sternly. “Have you calmed down?”

Dahan-dahang tumango si Umi.

“I need words Yumiko.” His voice a little softer.

“Y-yes, Isaac.”

“Good. I know that you are blaming yourself for what happened. I had warned you to be careful. I also know that you only want to make my Alexie happy because I have caused her stress, and I appreciate that. Nobody thought that this will happen, it was too soon. Mukhang may naka-balita sa pagbalik niya rito sa atin.”

“Hindi mo kasalanan, hija.” Ani Cecilia at hinawakan ang kamay ng dalaga. Pinilit ni Umi ang di maiyak, kahit na iyon ang sabihin ng ginang ay kitang-kita ni Umi ang lungkot sa mga mata nito.

Umi shut her eyes briefly, opened it then nodded. It wasn’t the time to cry, they all need the strength to find her.

“We weren’t careful enough.” Ani naman ni Anna.

“We found her!” Jace exclaimed, kasunod niya si Ezekiel.

“Ang sabi ng patrol team, na nasa bandang timog, ay may humarurot na sasakyan palabas ng bayan matapos kong tumawag. Nagkaroon ng habulan pero di nila naabutan, Hindi sila naka-report agad dahil hinabol nila ito.” Ani Ezekiel.

“Nalaman naman namin na balak nila dalhin si Luna sa Crystal forest... para buhayin ang phantom?” Ani Jace, hindi sigurado sa balita.

"Phantom? Iyon ba ang dahilan kung bakit gusto nilang kunin si Luna?" Nagugulahang tanong ni Anna.

Hindi napansin ng karamihan ang paninigas ng katawan ni Cecilia.

"Ganoon na nga mama. Paulit-ulit na sinasabi ng lalaki na ito raw ang magdadala ng delubyo sa buong mundo, at lahat ng sasamba rito ay magiging makapangyarihan." Ani Ezekiel na hindi pa rin naniniwala sa sinasabi sa lalaking nadakip nila.

“Well whatever it is we now know her location.” Ani Isaac. Tumayo ito at hinarap ang mga lalaki, “Ihanda niyo lahat ng kakailanganin. We leave now.”

Nagsitanguan naman ang lahat at naghanda na. Humarap si Isaac sa mga babae.

“We will find her. Hindi pwedeng mangyari ang nangyari dati.” Ani Isaac at tumalikod na.

“Mag-iingat kayo!” Sigaw ni Anna.

Nang maka-alis na sila ay hindi pa rin uma-alis sa sala ang mga babae. Pareho silang nag-aalala sa mangyayari. Hindi man masyadong matandaan ni Umi pero alam niyang muntik ng makuha si Luna ng mga masasamang tao rati. Ito ang naging dahailan kung bakit kinailangan nitong umalis.

Anna cleared her throat. “Should we eat?” Anyaya niya, pero nang mapansin niya ang pagkabalisa ng kaibigan ay tinawag niya ito, "Cecilia, wag kang mag-alala mababawi ni Isaac si Luna."

Natauhan naman ang ginang. “A-ah oo, tara at mabuti pang kumain na muna tayo.”

Tumayo na silang tatlo at pumunta sa kusina. Habang kumakain ay nanaig ang katahimikan, alam nilang maibabalik sa kanila si Luna, pero sana lang at walang mangyayaring masama sa kanilang lahat.

Luna opened her eyes. Namamanhid ang buong katawan niya lalo na ang mga kamay at paa. She found herself tied up on a bed. Pinilit niyang gumalaw pero bigo siya dahil masikip ang pagkakalagay nito. It was made up of metal.

She looked around to see herself locked up inside a full glass room. There's only one door in the room. She tried to move her hands free again and again, but failed every time. Napansin niya ring may IV na nakaturok sa kanya, there was blood coming out from her.

Nahihilo siya sa ilaw na nakatapat sa mukha niya, not to mention nauubusan na ata siya ng dugo.

Biglang bumukas ang pinto. Napatingin siya doon at nakita ang isang lalaking naka itim na suit. He smiled at her, but not those kind of smiles that looks pleasant.

"Akala ko kailangan pa kitang buhusan ng malamig na tubig para gumising ka."

"Sino ka? Ba't ako nandito? A-ano gagawin niyo sa akin?  May nagawa ba ako sa inyo?" Kinakabahang sabi ni Luna.

"One question at a time. First, hindi mo ako kailangan makilala. Second, we need you for a purpose. And, no dear, wala kang nagawa sa amin." Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang pisngi ni Luna, mabilis na umiwas si Luna sa haplos nito. "Such a waste to kill a girl like you." He clicked his tongue several times. Lumayo ito sa kanya at seryosong nakatingin sa kanya.

Gulat na napalingon si Luna sa kanya, tila di sigurado sa narinig.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"You will know soon, my dear. Pero di muna ngayon." May pumasok sa kwarto na lalaki na naka-suot ng lab coat. "For now, kailangan mo munang matulog."

Nakita niya ang lalaki na lumapit sa machine sa gilid at may kinuha roon. It was an oxygen mask. Itinapat ito sa ilong niya, she tried to move her head away pero nahawakan ang ulo niya.

Her eyes became blurry. Anong nagawa niya para pagdaanan ang sitwasyong ito? Naging mabait naman siyang anak ah. Pero di niya kayang sisihin ang Diyos, dahil alam niyang di siya pababayaan nito.

She'll always have faith in Him.

Then she found herself drifting away.

Lord, ikaw na po ang bahala sa akin. Panalangin niya.

The Alluring ScentWhere stories live. Discover now