Eyeglass niya?

Isinuot na niya ‘yon. “Bakit nasa’yo ‘to?”

“Dinala ko.” Sumakay na uli ito sa motor ni Harold. “Tara na, Harold.”

“Hintayin na natin sila, honey.”

May kung anong binulong si Cath dito. Napangiti si Harold. “Sumunod na lang kayo, ah.” Pinatakbo na nito ang motor. Sinundan na lang niya ito ng tingin.

“Prinsesa.”

“Ano?”

“Sa unahan ko ikaw sumakay.”

“What? Ayoko nga. Sa likod nga lang nakakatakot na, sa unahan pa kaya.”

Sumakay na ito sa motor. Sa likod niya. “Umusad ka.”

Umusad siya. Nilingon niya ito. “Wag mong sabihin ako ang magda-drive?”

“Wala naman akong sinabi.” Isinuot nito ang back pack nito. “Yang backpack mo sa harapan mo isuot.”

Kumunot ang noo niya. “Demanding mo, ah.” Inilipat niya sa harapan niya ang backpack niya.

“Hawakan mo yung manibela.” utos na naman nito.

“Prince Aeroll!!”

Ngumiti lang ito. “Trust me with this one. Hindi kita ipapahamak.”

“Yan ka na naman.”

“Bakit? Wala namang masamang nangyari sa’yo kanina ‘di ba?”

Wala nga. Ngumawa lang naman siya sa takot. “Oo na.”

Huminga siya ng malalim. Hinawakan niya ang manibela. Ipinatong naman nito ang mga kamay nito sa kaniya. Bigla niyang binawi ang kamay niya.

“Bakit na naman?” tanong nito.

“W-wala.” Ibinalik ulit niya ang kamay niya sa manibela. Pinaandar nito ang motor. Mabagal lang.

“Bakit para tayong karo ng patay?”

“Bilisan mo.”

“Bakit ako? Hindi ako sanay.”

“Aalalayan kita. Pihitin mo lang ng dahan-dahan pababa ang kanang manibela.”

“Ayoko.”

“Akong bahala sa’yo.”

“O-okay.” Ginawa nga niya ang pinagagawa nito. “Ay!”

Natawa ito. “Dahan-dahan lang kasi.”

“Ayoko na nga.” Pero hindi naman niya mabawi ang kamay niyang nakahawak sa manibela. Dahil sa nakapatong na mga kamay nito.

“Aeroll…”

“Paano mawawala ang takot mo kung hindi mo tutulungan ang sarili mo? I’m just here, Princess. Gawin mo lang ‘yong pinapagawa ko.” sambit nito malapit sa tenga niya.

Napabuntong-hininga siya. He was helping her to conquer her fear. He was helping her. Kailangan niya ding tulungan ang sarili niya.

Kaya mo ‘yan, Princess. Matapang ka ‘di ba? Ajah!

 - - - - - - - -

“WOW! ang ganda naman dito! Worth it yung nilakad naming pagkalayo-layo, ah.” Fifteen minutes ang byahe nila sa kalsada. Forty-five minutes naman silang naglakad sa bundok. Iniwan nila ang mga motor sa caretaker ng camp house na nakatira sa baba ng bundok. At nandito na sila ngayon sa camp house na pag-aari ng pamilya nila Aeroll. Over night sila dito.

“Ang ganda talaga!” Kitang-kita niya ang paligid ng bundok. Ang dami pang puno ng buko. “Gusto ko ng buko.”

“Bhest, tara na dito sa loob. Hindi ka ba napagod?” tawag sa kaniya ni Cath.

“Hindi.”

“Sige, bahala ka.”

Itinaas niya ang kamay niya. “This is life!” Pumikit pa siya para kumpleto ang drama niya. Inilugay pa niya ang buhok niya at hinayaang tangayin ang mahabang buhok niya.

“Para kong nasa titanic nito, ah. Nasa bundok nga lang. Kulang na lang si Jack.” Nang maalala niya si James. Nawala ang ngiti niya.

“Ano ka ba, Princess. He’s not worth it. Manloloko siya. Makakalimutan mo din siya. Makakahanap ka din ng iba. Yung mas deserving. Kaya ngayon, i-enjoy mo muna ang bakasyon mo.” kausap niya sa sarili niya.

“Pero kating-kati na yung kamay ko, eh. Gustong-gusto ko na siyang sampalin. Ang kapal ng mukha niya!”

“Ang kapal talaga ng mukha niya.”

Napalingon siya sa nagsalita. Napangiwi siya. Nadinig pa nito ang pagda-drama niya.

. . .

Love at Second Sight (FINISHED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon