Part 14

24K 620 5
                                    

MABILIS na lumipas ang mga araw. Katulad ng dati nagkikita sila sa umaga kapag hinahatid siya ni Benedict sa palengke. Ang kaibahan nga lang palagi na sila kumakain ng tanghalian na magkasama. Minsan sa malapit na kainan, minsan ang binata ang nagkukusang nagsasabi sa kaniya na mag-take out na lang sila at sa bahay na lang kumain. Para raw pati si Lola makasama nila.

Sa tuwing nagiging ganoon ka-thoughtful at sweet si Benedict, palaging parang natutunaw ang puso ni Lyn. Mas matindi pa ang epekto 'non kaysa sa mainit at makahulugang titig na palagi nitong ipinupukol sa kaniya. O sa pasimpleng paghawak at pagpisil nito sa kamay niya kapag may pagkakataon. O sa halik sa pisngi na palagi nitong ibinibigay sa kaniya kapag nagpapaalam na itong aalis.

"Nanliligaw siya sa'yo, ano?" sabi ng kanyang Lola isang gabi.

Tumalon ang puso ni Lyn at napatingin sa matanda. "H-hindi po Lola."

"Baka hindi mo lang alam na nanliligaw siya kahit 'yon talaga ang nangyayari? Apo, hindi niya gagawin ang mga ginagawa niya araw-araw kung hindi siya nanliligaw sa'yo."

Uminit ang mukha niya. "Wala naman siyang sinasabi sa akin."

"Mukha bang masalita sa ganitong bagay ang lalaking 'yon?"

Hindi nakaimik si Lyn. Kasi sa tingin niya si Benedict ang tipo ng taong dinadaan sa kilos at gawa ang nararamdaman kaysa idaan sa salita. Kaya nga mas tagos sa puso niya. Kaya nga... parang nahuhulog na talaga ang loob niya rito.

"Mahal mo ba siya, apo?" seryosong tanong ng kanyang Lola.

Lalong uminit ang mukha niya. "Lola..." Bumuntong hininga siya, lumapit sa matanda at niyakap ito. "Parang oo."

Naramdaman niyang ngumiti ito. "Bakit nanginginig ang boses mo? Masarap sa pakiramdam ang nagmamahal, apo. Kung siya ang makakatuluyan mo, magiging maganda ang buhay mo at alam ko na mamahalin ka niya ng higit pa sa pagmamahal mo sa kaniya. Kasi kamahal-mahal ka, Lyn. Kasi alam ko na nakikita na niya ang magagandang katangian mo. Kasi hindi siya magsisisi kapag ikaw ang nakasama niya habambuhay."

Uminit ang mga mata ni Lyn at humigpit ang yakap sa kanyang Lola. "Salamat po. Bilib na bilib talaga kayo sa 'kin. I love you po."

Gumanti ito ng mahigpit na yakap. "Mahal na mahal din kita, apo."

Napangiti siya. Mabuti na lang talaga kasama niya ang kanyang Lola. Kahit wala siyang mga magulang, kahit hindi sila mayaman at madalas nagigipit, masaya pa rin siya na lumaki siyang ito ang kasama niya. Balang araw, masusuklian din niya ang pagmamahal at pag-aaruga nito sa kaniya. Sisiguruhin niya 'yon.

THREE WEEKS mula nang una silang magkakilala, inaya siya ni Benedict na kumain ng dinner. Nasa bahay sila 'non at kumakain ng lunch kasama ang Lola niya. Seryoso ang pagkakasabi nito kaya bumilis ang tibok ng puso ni Lyn.

"Bakit bigla ka namang naging seryoso, lagi naman tayo kumakain sa labas ah," biro niya para pagaangin ang moment na 'yon.

"I know. But this time, I want us to have an intimate and romantic dinner."

Nanigas ang ngiti niya nang masuyong abutin ni Benedict ang kamay niyang nakapatong sa lamesa at pisilin iyon. Sa harap ng Lola niya! Pero mukhang balewala sa binata kahit na nakikita sila ng kanyang Lola. Kasi inilapit pa nito ang kamay niya sa bibig nito at marahan iyong hinalikan. "Would you go out with me?"

Uminit ang pakiramdam niya. Alam niya na inaaya lang siya nito ng dinner. Pero sa pagkakasabi kasi nito sa tanong na 'yon parang mas malalim pa roon ang inaalok nito sa kaniya. Lumunok si Lyn, huminga ng malalim at saka ngumiti. "Sige."

Gumanti ng ngiti si Benedict. Kumislap sa katuwaan ang mga mata. Saka humarap kay Lola. "Okay lang ho ba sa inyo?"

"Aba'y oo naman," mabilis na pagpayag ng Lola ni Lyn.

Nagkatinginan sila ng binata saka nagkangitian na naman.

FIRST TIME ni Lyn makipag-dinner date. Kinalkal niya sa aparador ang nag-iisa niyang dress. Binili 'yon ng kanyang Lola para sana sa high school graduation ball niya na siyempre hindi niya napuntahan. Hindi pa niya 'yon nasuot maliban na lang noong isinukat niya pagkabili ni Lola. Mabuti na lang, stretchable ang dress. Kahit na lumaki ang kanyang boobs at nagkaroon ng kurba ang katawan niya na wala noong teenager siya, nagkasya pa rin sa kaniya ang damit. Medyo kita nga lang ang cleavage niya kasi mababa ang neckline 'non. Kung noon din hanggang tuhod niya 'yon ngayon hanggang kalahati na lang ng mga hita niya ang laylayan. Pero sabi naman ni Lola maganda at bagay pa rin naman sa kaniya kaya siguro naman okay lang ang hitsura niya. Naglagay din siya ng lipstick at paulit-ulit na sinuklay ang buhok para kumintab. Hindi nga lang masyadong epektibo pero wala na siyang magagawa 'don.

Alas sais ng gabi narinig na ni Lyn ang pagdating ni Benedict. Napalingon siya sa Lola niya, kabado. "Okay lang ho ba ang hitsura ko?"

"Oo naman. Maganda ka, apo. Sige na lumabas ka na. Sabihin mo sa kaniya tulog na ako para hindi na siya pumasok dito at nang hindi na kayo magtagal pa't makaalis na," taboy ng matanda.

Huminga ng malalim si Lyn. Kabado na excited siya nang lumabas ng bahay. Nasa tapat ng pinto nila si Benedict at parang kakatok pa lang sana. Sabay silang natigilan at napatingin sa isa't isa.

Semi-formal ang ayos ng binata. Itim na slacks at long sleeved white polo na nakatupi ang mga manggas hanggang siko. Naka-wax pa-brush up ang buhok nito at halatang bagong ahit. Makinis kasi ang mukha at naamoy niya ang aftershave nito. Sobrang guwapo talaga. Sobrang bango pa.

Nang tingnan ni Lyn ang mukha ni Benedict nakita niyang parang tulala ito habang pinapasadahan pa rin siya ng tingin. At nang umangat sa mukha niya ang atensiyon nito, nakita niya ang paghanga sa mga mata ng binata. Nang magtagpo ang mga paningin nila kumurap ito at tipid na ngumiti. "You're beautiful."

Natawa siya. Umangat ang mga kilay nito. "Alam mo ba na palagi mo akong tinatawanan kapag pinupuri kita? As if you don't believe what I'm saying. Hindi ka ba naniniwala na maganda at attractive ka?" Hinaplos nito ang magkabilang pisngi niya at naging masuyo ang ngiti. "What else should I do for you to believe me?"

Na-touch si Lyn at uminit ang kanyang mga mata. Umiling siya. Saka masuyong nginitian si Benedict. "Naniniwala naman ako sa'yo. Sobra sobra na nga ang mga ginawa at ginagawa mo pa para sa akin eh. Feel na feel ko na nga na ang ganda ganda ko eh."

"Really?" tanong ng binata, kumikislap sa katuwaan ang mga mata.

Ngumisi siya. "Oo nga sabi eh. Halika na nga baka gabihin tayo ng husto."

"Wait. Magpapaalam muna ako sa Lola mo."

"Huwag na. Tulog na siya. Nagpaalam naman na ako kanina. Tara na."

Maglalakad na sana siya pero natigilan siya nang abutin ni Benedict ang isa niyang kamay at pinaglingkis ang mga daliri nila. Napatingala siya sa mukha nito. Ngumiti ito at saka nagsimulang maglakad. Nakangiting umagapay siya sa paglalakad nito.

Naku, in love na yata talaga ako sa lalaking 'to.

Bachelor's Pad series book 10: THE WOLF'S SEDUCTION (Benedict Barcenas)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang