Part 33

28.5K 771 64
                                    

PAGDATING NILA sa emergency room bukas pa ang pulang ilaw 'non sa itaas ng pinto. Pero nang makalapit sila namatay na 'yon. Ibig sabihin tapos na ang operasyon sa loob. Matagal na walang lumabas mula roon. Nanginginig ang buong katawan ni Lyn sa takot. Lalo na nang may doktor na lumabas sa emergency room.

Mabilis siyang lumapit. "Kamusta ho ang Lola ko?"

Mukhang nagulat ang doktor. Tiningnan silang dalawa ni Benedict. "Kayo ang pamilya ng pasyente?" Tumango si Lyn. Naramdaman niya ang paglapit ng asawa niya. Alam niya na hahawakan siya nito kaya humakbang siya palayo. Hindi niya maatim na mahawakan nito. Sa gilid ng mga mata niya nakita niyang mariing tumikom ang bibig ni Benedict, parang nasaktan. Pero wala 'yon sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Puwede bang kahit isang beses lang sa buong buhay niya, maging self-centered naman siya?

Itinuon niya ang buong atensiyon sa doktor. "Ano pa pong balita sa kaniya? Okay na po ba siya? Ano po ba ang sakit niya?"

"Hindi niyo alam?" gulat na tanong na naman ng doktor. Umiling siya. "May stomach cancer siya, hija. In fact I think she has been sick for a long time now. Kasi kumalat na sa ibang organs niya ang cancer cells. Mukhang ilang taon na niyang tinitiis ang pananakit ng tiyan niya. Kung noon pa siya nagpatingin at the early stage of her cancer ay malamang gumaling siya at hindi na lumala pa."

Nanlaki ang mga mata ni Lyn. Noon pa nga palaging sumasakit ang tiyan ng Lola niya pero nagpatingin ito noon at nang umuwi sa bahay ang sabi nito ulcer lang ang sakit nito. At noong huli nilang punta sa bahay nito, noong nagsusuka ito, ang sabi naman ng matanda may nakain lang itong hindi maganda.

Iyon ang sinabi niya sa doktor na kumislap sa understanding ang mga mata at umiling. "Ibig sabihin lang 'non hija na matagal na niyang alam ang sakit niya. Maybe she doesn't want to worry you."

Uminit ang mga mata ni Lyn. "A-at ngayon po?" garalgal na tanong niya.

"We did our best. But I'm sorry. Hindi na namin siya naisalba pa. Puwede niyo siyang mamaya kapag naayos na ang mga dapat ayusin. Again, I'm sorry." Tinapik siya sa balikat ng doktor. Ganoon din ang ginawa nito kay Benedict. Saka naglakad palayo.

Natulala si Lyn. Napatitig lang sa pinto ng emergency room. Para siyang namanhid. Wala siyang nakikita kung hindi ang alaala ng huling beses na nakita niya ang Lola niya. Ang masaya nitong ngiti habang hinahatid ng tanaw ang papalayo nilang sasakyan. Ang huling ngiti nito para sa kaniya.

"Lyn," anas ni Benedict, lumapit pero hindi siya tinangkang hawakan.

Bumukas ulit ang pinto ng emergency room, may lumabas na nurse at nasilip niya sandali ang loob 'non. Nakahiga sa gitna ng isang kama ang matanda. Mukha lang nito ang nakita niya kasi natatakpan ng iba pang nurse sa loob ang view ng katawan nito. Payapa itong nakapikit.

Kung alam lang niya na ang pagbisita niya kay Lola last week ang huling beses na makikita niya ito, hindi na sana siya umalis. O kaya pinilit na niya itong magpunta rin ng Maynila. Eh 'di sana, mas matagal niya itong nakasama. Mas nayakap pa niya ito ng marami at nahalikan. Mas nakapasyal sila at mas nabili niya ito ng mga bagay na hindi ito nagkaroon buong buhay nito. Mas nasuklian pa sana niya ang naging pag-aaruga nito sa kaniya mula pa noong bata siya.

Napahikbi siya. Nawala ang pamamanhid at tumindi ang sakit ng puso niya. Napasalampak siya ng upo sa sahig at malakas na umiyak.

BENEDICT feels so helpless and his heart is so heavy. Gusto niyang yakapin si Lyn. Gusto niya itong halikan. He wants to whisper soothing words in her ear. Gusto niyang pagaangin kahit papaano ang sakit na alam niyang nararamdaman nito. Alam niya ang pakiramdam na mawalan ng taong mahal niya. Hindi nga ba at dalawang beses niya 'yong naranasan? Those two incidents even gave him a psychological scar. At alam din niya base sa sarili niyang karanasan na mas madaling dalhin ang grief kapag may kadamay.

Pero ayaw tanggapin ni Lyn ang pagdamay niya. In fact, hindi siya nito pinapansin mula pa noong nasa ospital sila at inaayos ang paglabas sa morgue ng Lola nito hanggang sa tatlong araw na burol sa chapel ng isang funeral home sa bayan nila. She's not only ignoring him but he can also feel her anger and pain; emotions that are directed at him.

Kahit alam niyang hindi nito gusto ang presensiya niya hindi pa rin umalis si Benedict sa tabi ng kanyang asawa. After all, matindi naman talaga ang rason ng galit nito sa kaniya. Niloko niya ito. Pinaibig at pinakasalan para lang makuha ang lupain na gusto niya. Alam niya na darating ang araw na malalaman nito ang totoo. Kaya nga handa na siyang umamin nang araw na ayain niya itong mag dinner sila. Naunahan lang siya ni Dave na ipaalam 'yon kay Lyn. And her grandmother's death prevented him from apologizing properly. Hindi rin siya nagkaroon ng pagkakataon na magpaliwanag.

Sa loob ng ilang araw sa burol na hindi siya kinakausap ng asawa, lumalapit siya sa kabaong ng Lola nito. He knew she's gone physically but her spirit might be near them. Na kung tahimik itong kakausapin ay maririnig pa rin nito. At least iyon ang sabi ng kanyang Papa noong namatay ang Mama niya. So he constantly talked to her grandmother in silence. Kasi narealize ni Benedict ngayon ang tunay na rason sa likod ng kondisyon ng matanda para ibenta sa kaniya ang bundok. Kung bakit gusto nitong ligawan at pakasalan niya si Lyn.

Matagal ng alam ng matanda na may sakit ito. Ayaw nitong maiwang mag-isa ang apo kaya gusto nitong magkaroon ng sariling pamilya si Lyn. Natatandaan pa niya ang palagi nitong sinasabi na panatag na itong naroon siya para makasama at mag-alaga sa babae.

Sa tuwing naiisip 'yon ni Benedict mapait siyang napapangiti. I'm sorry, Lola. She's very angry at me right now. Hindi ko alam kung maibabalik ko ang tiwala niya sa akin. Hindi ko alam kung makikinig siya. But if she will just allow me, I will stay with her. I will take care of her. I will never let her go. I will... Mapapabuntong hininga siya at mapapailing. Saka tatalikod at lalabas ng chapel para sumagap ng sariwang hangin. Palagi kasi sumisikip ang dibdib niya kapag ganoon na ang takbo ng isip niya.

Sa huling burol dumating ang kanyang Papa. Maging si Keith, Sheila, Jesilyn at Ryan dumating din. Sa pagkagulat niya, nang sandaling yakapin ng kanyang ama si Lyn, bumunghalit ng iyak ang babae. Bagay na hindi nito ginawa mula nang maiburol ang Lola nito. And just like that time in the hospital, her cry broke his heart into pieces. Mas lalo at hindi niya ito malapitan para mayakap.

Hanggang sa maiburol ang Lola ni Lyn, hindi siya nito kinibo o kahit tiningnan man lang. Napansin 'yon ng lahat. Kahit ng kanyang ama. Medyo kinabahan siya na baka hindi makatiis si Keith at tanungin siya pero nagpasalamat siya na nanahimik lang ang kaibigan niya. Thankfully, pumayag si Lyn na sumabay sa pickup niya pauwi galing sa sementeryo. Tahimik nga lang at sa labas ang tingin.

Pagkahinto sa tapat ng bahay hinarap niya ito para kausapin. Pero naunahan siya nito magsalita. "Puwede bang iwan mo na ako? Bumalik ka na sa Maynila. Marami kang trabaho na siguradong hindi ginawa sa nakaraang mga araw. Kaya ko na."

Nasaktan si Benedict sa malamig na tono nito. "Lyn, I want to stay. I don't want to leave you alone."

Mapait na tinitigan siya nito. "Ayokong makasama ka. Kaya ko mag-isa. Umalis ka na. Puwede bang pagbigyan mo naman ako ngayon? Hindi ko kayang tagalan na makita ka. Tiniis ko lang nitong nakaraang mga araw kasi maraming tao."

Mariin niyang itinikom ang bibig. Humigpit ang hawak niya sa manibela. Para siyang sinaksak sa dibdib ni Lyn. For some reason lalong nagmukhang galit ang babae. "Huwag mo akong tingnan na parang nasasaktan kita. Kasi mas matinding sakit ang ibinigay mo sa akin. Mas masakit na ang kaligayahang naranasan ko sa nakaraang mga linggo ay puro kasinungalingan lang pala. Mas masakit ang panloloko mo sa akin, Benedict."

"Lyn." Garalgal ang naging labas ng boses niya. Humahapdi ang mga mata niya at mabigat ang dibdib niya.

Namasa ang mga mata ni Lyn. "Huwag mo akong tingnan ng ganiyan. Huwag mo akong tingnan na parang mahal mo ako kasi magpapakatanga na naman ako at maniniwala sa'yo." Iyon lang at binuksan na nito ang pinto at mabilis na bumaba ng sasakyan. Patakbo itong lumapit sa pinto ng bahay, binuksan 'yon at walang lingon likod na pumasok sa loob.

"Damn it!" sigaw ni Benedict at pinukpok ng mga kamao ang manibela. Pagkatapos isinubsob niya ang mukha roon at mariing pumikit. "Damn it," he groaned painfully.

Bachelor's Pad series book 10: THE WOLF'S SEDUCTION (Benedict Barcenas)Where stories live. Discover now