Part 31

28.9K 646 21
                                    


KAPAG PALA masaya ka mabilis lumipas ang mga araw. Namalayan na lang ni Lyn na isang buwan na mula nang ikasal sila ni Benedict. Wala siyang mairereklamo pa sa takbo ng buhay niya ngayon. Masaya siya sa trabaho niya, masaya siya sa buhay may asawa niya at masaya rin siya na regular niyang nakakausap sa cellphone ang kanyang lola. Ipinabigay ng asawa niya sa tauhan nitong nasa Rizal.

Kaso kahit palagi sila nag-uusap, na-mi-miss pa rin niya ito. Lalo na sa araw na 'yon na monthsary nila ni Benedict. Lalo niya kasing na-miss ang bayan nila. Saka napanaginipan niya si Lola kaya nang dumilat siya kinaumagahan hindi niya napigilan mapaiyak. Hindi 'yong tulo luha lang kung hindi malakas talagang iyak. Nagising tuloy ang asawa niya na mahimbing na natutulog sa tabi niya.

"Lyn?" Inangat nito ang katawan at tiningnan ang mukha niya. Nawala ang antok sa mga mata ni Benedict at worried na pinahid ng hinlalaki nito ang mga luha niya. "What's wrong, sweetheart? Bakit ka umiiyak?"

Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili. Saka siya pilit na ngumiti. "Pasensiya ka na. Bigla ko kasing napanaginipan si Lola. Naglalakad daw siya paakyat sa bundok pauwi sa bahay namin 'don. Sinusundan ko raw siya at tinatawag ko siya pero hindi siya lumilingon. Hanggang mawala na siya sa paningin ko. Pagdating ko naman sa bahay namin wala roon si lola. Kahit saan ako tumingin hindi ko na siya makita." Naiyak na naman si Lyn at sumubsob sa dibdib ni Benedict.

Hinaplos nito ang braso niya at hinalikan ang pisngi niya. "Shh. It's just a dream, sweetheart. Just a dream."

"Alam ko naman 'yon. Kaso sobrang namimiss ko na talaga si Lola," pahikbi pa ring sabi ni Lyn.

Niyakap siya ni Benedict. "Gusto mo siyang makita? Then let's go see her today."

Nahinto ang paghikbi niya, inangat ang mukha at tinitigan ito. "Hindi ka busy ngayong araw?"

Ngumiti ang asawa niya at hinalikan ang gilid ng kanyang mga labi. "I can always make time for you."

Na-touch siya at niyakap ito ng mahigpit. "Thank you!"

"Walang problema. Besides gusto ko rin na makita mo kung saan na nakatira ngayon ang Lola mo. Gusto ko na makita mong nasa mabuti siyang kalagayan para hindi ka na mag worry."

Matamis siyang napangiti at hinalikan ito sa pisngi. "I love you," buong pusong bulong niya.

Naging masuyo ang kislap ng mga mata ni Benedict, magaan siyang hinalikan sa mga labi at bumulong, "I know."

KABADO na excited si Lyn habang bumabiyahe sila papunta sa bayan na kinalakihan niya. Isang buwan pa lang ang nakalilipas pero pakiramdam niya ang tagal niyang nawala. Ibinaba niya ang bintana sa side niya at nilanghap ang sariwang hangin na sa kasamaang palad ay wala sa Maynila.

Imbes na lumiko sa daan na papunta sa bundok nila, dumeretso ang pickup. Sandali pa pumasok na sila sa isang subdivision at huminto sa harap ng isang katamtamang laki pero magandang bahay. Gustong gusto na ni Lyn makita si Lola kaya inunahan na niyang bumaba si Benedict. Patakbo siyang lumapit sa pinto at masiglang kumatok. "Lola! Lola nandito po kami!" malakas na sigaw niya.

Walang sumasagot. Kumatok uli siya. Wala pa rin. Imposibleng wala roon ang Lola niya kasi bukas ang mga bintana eh.

"Tulog kaya siya?" tanong ni Benedict na nakatayo na sa tabi niya. Mukhang nagtataka rin na hindi pa binubuksan ni Lola ang pinto.

"Siguro. Baka hindi ako naririnig." Lumigid siya sa bahay at lumapit sa isang nakabukas na bintana.

Saka lang may narinig na tunog mula sa loob ng bahay si Lyn. Nanlamig siya sa takot. Napahawak siya sa bakal na railings ng bintana. "Lola! Lola!"

Bachelor's Pad series book 10: THE WOLF'S SEDUCTION (Benedict Barcenas)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang