Part 24

26.5K 688 25
                                    


"O, BAKIT NANDITO KA?"

Tinapunan lang ni Benedict ng inis na tingin si Keith pero hindi nagsalita. Ni hindi siya kumilos mula sa pagkakaupo sa couch sa common area ng Bachelor's Pad. Umupo sa katapat niyang sofa ang lalaki at nakataas ang mga kilay na tinitigan siya. Napikon siya sa titig nito. "What? Dito ako nakatira. Is there something wrong if I stay here?"

"Totoo na may unit ka pa rin dito. Pero sa pagkakatanda ko lampas isang linggo na mula ng bumili ka ng bagong bahay, hindi ba? Wala dito ang asawa mo kaya hindi na dito ang tirahan mo. You're home is where she is. That's the rule of marriage. Gabi na. Nagsabi ka ba sa kaniya na gagabihin ka?"

Benedict crossed his arms against his chest. "Dito ako matutulog."

"Ah. Nag-away kayo."

Sumimangot siya pero hindi nagsalita. Hindi naman talaga matatawag na away ang nangyari sa pagitan nila ni Lyn. More like, her words hit him where it hurts and he didn't know how to respond. Guilty kasi siya.

"What's wrong with you?" biglang tanong ni Trick Alfonso na mukhang kadarating lang at umupo sa sofa kung saan nakaupo si Benedict.

"LQ," sabi ni Keith. Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. Ngumisi lang ang lalaki.

"What? You're in a relationship now?" tanong ni Trick pero halatang hindi naman talaga interesado. Nakatutok kasi ang tingin sa Ipad. Malamang stock market ang tinitingnan nito roon.

Mukhang mang-aasar pa si Keith pero may mga bagong dating kaya nawala sa kaniya ang atensiyon nito. "Aba, anong meron at nandito ka rin Ryan? Dapat nasa piling ka ng asawa mo ngayon ah."

Natawa si Ryan Decena na kasamang dumating si Apolinario Montes. "Dumaan lang ako. Uuwi rin ako agad. May pag-uusapan lang kami nitong si Trick tungkol sa birthday party ng tatay niya."

"One of his magazines will cover the event," sabi ni Trick na inalis na ang tingin sa Ipad.

"Then go on and have your meeting. I'll go up and sleep." Tumayo na si Benedict.

"Hey, mabuti at nandito ka," pigil ni Ryan sa kaniya. Napatingin siya rito. "I heard you got married. Paanong hindi mo sinabi sa amin ang tungkol 'don?"

Natigilan siya. Para siyang sinipa sa sikmura.

"Benedict, you're married?" gulat na tanong ni Trick.

"I heard it from Jesi too. Nakilala raw nila ang asawa mo," sabi ni Apolinario.

"What? How" litong tanong niya.

Sinabi ni Ryan ang sinabi rito ng asawang si Jesilyn. Habang nagku-kuwento ang kaibigan niya lalo siyang nanlalamig. Happy Mart. Pamilya nga pala ni Jesilyn ang may-ari 'non. Damn, hindi nag-register sa utak niya 'yon kanina.

"Did they tell her about me?" tanong niya, hindi humihinga.

"Kasama ni Jesilyn si Sheila. Malamang sinabi na ng babaeng 'yon lahat ng alam niya tungkol sa'yo sa unang beses pa lang na pagkakakilala nila," sagot ni Apolinario.

Parang may sumaksak sa dibdib ni Benedict. Now he knows why she's acting weird these past days. Kung bakit sa umaga hindi siya nito matingnan. Kung bakit nagalit ito sa kaniya kanina na higit pa sa galit na naramdaman niya nang makitang masaya itong nagsasalita at matamis na ngumingiti sa harap ng ibang lalaki. Ngiti na isang linggo na niyang hindi nakikita. Ngiti na hinahanap-hanap niya.

Bachelor's Pad series book 10: THE WOLF'S SEDUCTION (Benedict Barcenas)Where stories live. Discover now