Part 11

25.9K 632 30
                                    


"WHAT'S wrong with you?"

Napahinto sa paghimas sa kanyang panga si Benedict. "My jaw hurts." Sa loob kasi ng isang linggong pakikipaglapit niya kay Lyn Fajardo, nabanat ng husto ang panga niya sa kakangiti. Hindi siya sanay pero kinailangan niyang gawin para lumambot ang puso nito sa kaniya. When was the last time he smiled so much in a small span of time? Hindi na niya matandaan.

"Kulang sa exercise ang mukha mo kaya ganiyan. Ngumiti at tumawa ka kasi palagi. Para kung magkukunwari kang nakangiti hindi sasakit ang panga mo. O nagkukunwari ka lang ba talaga? Baka naman napapangiti ka talaga niya?"

Matalim na tiningnan niya si Keith. Nakangisi ang lalaki at komportableng nakaupo sa isa sa mga plastic chairs sa loob ng kanyang on site office sa Rizal. Pinapabakuran na niya ang lupain doon at sa nakaraang mga araw kasama niya ang civil engineers at architects sa pag-iikot doon. Sa mga susunod na araw ang paggawa naman ng site plan ang aasikasuhin nila. After that, kailangan naman ipa-apruba sa iba't ibang ahensiya ng gobyerno ang final site plan. Napakaraming kailangan gawin bago masimulan ang construction process. But he knew everything is going to be worth it. Kahit ang panunuyo at pagpapakasal sa isang babaeng hindi niya mahal.

In fact, dahil sa panunuyo niya kay Lyn, napirmahan na nila ng Lola nito ang kasunduan para sa future acquisition niya sa lupain ng mga ito. Sa mismong araw na ikasal sila, magiging kaniya na ang lupain na matagal na niyang gustong makuha. Pero wala pa siyang balak sabihin kay Keith ang tungkol doon.

"What are you doing here, anyway?" tanong na lang ni Benedict.

"Gusto ko lang makibalita kung ano na ang nangyayari sa panliligaw mo. Hindi ka umuuwi sa Bachelor's Pad so I thought everything might be doing well. Kailan ang kasal?"

Naningkit ang mga mata niya. "Wala pang kasal. She doesn't love me yet. Nagsisimula pa lang siyang magtiwala sa akin."

"Hmm. How about you? Are you starting to fall for her?" pang-iintriga pa rin ni Keith.

Umangat ang kilay ni Benedict. "I am not going to fall for her."

"Sigurado ka?"

He gritted his teeth. Naiinis na siya sa pangungulit ni Keith. Sure, he finds Lyn likable enough. Sa tingin niya kahit papaano makakaya niyang makasal sa dalaga kahit pansamantala lang. Sa attitude at ugali mas kaya niya i-tolerate si Lyn kaysa sa lahat ng mga babaeng pinakilala sa kaniya ng kanyang ama. And okay, he kinda likes the way she smiles. Cute kasi ang malalim na dimples sa magkabilang gilid ng mga labi nito. And she looks adorable when she eats. Walang arte. Bakas palagi sa mukha ang nararamdaman. So yeah, he will get along with her fine. But love is a different matter.

"I am sure," sagot niya. "Business lang ang dahilan kaya ko siya pakakasalan."

"Hmm. Okay," mukhang hindi naniniwala si Keith. Tumayo na ito. "Mag-iikot muna ako. Pinapasulat ako ni Art ng movie script. Bagay ang lugar na 'to para maging setting."

Tumayo rin si Benedict. "Magsusulat ka na rin para sa local movies? Magpapakilala ka na ba sa madla na ikaw si Kelly Hart?"

"Hindi ko pa alam. Anyway, maganda ang konsepto ni Art. Gusto ko i-explore. At hindi para sa mainstream movies 'to. Para sa International Film Festival na gusto niya salihan. I have to go. Makikibalita ako uli sa susunod. At kapag ikinasal ka, I volunteer as a witness." Pagkatapos umalis na si Keith.

Matagal na nakatayo lang doon si Benedict. Sumagi sa isip niya ang mukha ni Lyn. At ang pangako nitong ipapasyal siya sa lupain ng mga ito sa lunes. Kailangan mahulog na ang loob nito sa kaniya sa araw na 'yon. Hindi lang niya alam kung paano. How would he know if he had never seduced anyone his whole life?

Bachelor's Pad series book 10: THE WOLF'S SEDUCTION (Benedict Barcenas)Where stories live. Discover now