Part 9

24.9K 577 8
                                    

AKALA ni Lyn kapag lumipas ang magdamag makakalimutan na niya ang nangyari sa nakaraang araw at makakalma na siya.Makakalimutan na niyang naging sentro siya ng atensiyon sa palengke pagkatapos umalis ni Benedict. Na makakalimutan niya na lahat ng taong madaanan niya pauwi napapatingin sa kaniya dahil sa boquet na bitbit niya. Na makakalimutan niya ang panunukso ng kanyang Lola hanggang makatulog sila.

Kaso pagmulat ng mga mata niya kinaumagahan, ang mga bulaklak na inilagay niya sa maliit na balde – wala kasi silang vase – ang una niyang nakita. Tumalon ang puso niya at uminit agad ang pakiramdam ni Lyn. Kasi siyempre, mukha agad ni Benedict ang sumagi sa isip niya.

Kahit nang naliligo at nagbibihis siya hanggang sa pamimitas ng mga gulay, ramdam niya na may kakaiba sa kaniya sa araw na 'yon. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Parang ang init ng pakiramdam niya, lalo na ang mukha niya.

Pagbaba niya sa bundok nakita niyang nakatayo na naman sa gilid ng sasakyan nito si Benedict, hinihintay siya. Napahiga ng malalim si Lyn, lalong kinabahan. At nang lumingon ito sa kaniya at malawak na ngumiti, parang may bumara sa lalamunan niya. Hala! Bakit ako nagkakaganito ngayon?

Lumunok siya, huminga ng malalim at saka naglakad palapit sa binata. "Good morning," nakangiting bati nito nang magkaharap na sila.

Tumikhim si Lyn. "Magandang umaga." Pinagbuksan siya nito ng pinto. Sumakay siya sa pickup. Nakabit na niya ang seatbelt niya nang umupo na sa harap ng manibela si Benedict.

"Today, do you want to eat out with me?" tanong nito habang nasa biyahe.

"Wala kang trabaho ngayon?"

"Inasikaso ko na kahapon ang mga dapat kong asikasuhin."

Lumunok siya at sinulyapan si Benedict. Sa daan nakatutok ang tingin nito. "Ano... saan tayo kakain mamayang tanghalian?" lakas loob na tanong niya.

Napatingin sa kaniya ang binata, halatang nagulat. Uminit ang mukha ni Lyn pero hindi siya nag-iwas ng tingin. Sinalubong pa nga niya ang tingin nito. "Payag na akong lumabas kasama ka."

Biglang ngumiti si Benedict. "Then, can I also stay with you hanggang matapos ka magtinda?"

Napangiwi si Lyn. Na-i-imagine na niya ang magiging reaksiyon ng mga tao sa palengke. "Sobrang interesado ka ba talaga sa palengke at gustong gusto mo tumambay 'don? Hindi ka pa ba namalengke kahit kailan?"

Natawa ang binata. "Silly, I just want to spend more time with you."

Natulala siya. Hala. Bakit lalong ang guwapo ni Benedict ngayon sa paningin niya? Bakit ayaw kumalma ng puso niya? Anong nabago?

You are a brave girl.

Ah. Dahil 'don. Dahil sa masuyong haplos nito sa kanyang pisngi kahapon. Dahil sa kabaitan at understanding na nakita niya sa mga mata nito nang sabihin 'yon. Dahil hindi ito nag demand na ipaliwanag niya ang sinabi ni Marigold. Dahil hindi nagbago ang pakitungo nito sa kaniya. Dahil may palagay siyang kahit sabihin pa niya kay Benedict ang totoo, hindi siya nito huhusgahan at paniniwalaan siya nito.

Iyong thought na may isang tao sa buong mundo ang pagkakatiwalaan ka at hindi ka huhusgahan, nakakamangha at nakaka-overwhelm.

Napalitan ng pag-aalala ang ngiti ni Benedict. Bigla nitong inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Saka pumihit paharap sa kaniya. "What's wrong?"

"Ha?" Kumurap si Lyn. Saka lang niya narealize na namamasa ang mga mata niya. Mabilis niyang iniwas ang mukha kay Benedict. "Ayos lang ako. Paandarin mo na."

Bachelor's Pad series book 10: THE WOLF'S SEDUCTION (Benedict Barcenas)Место, где живут истории. Откройте их для себя