Chapter 38 "Halo"

Start from the beginning
                                    

-------------------------------

Pagod na pagod ako ng makauwi ako ng bahay.

Wala akong napala.

Ilang beses akong nagpaikot-ikot sa buong school mahanap lang sya pero wala akong nakitang kahit isang patak man 

lang ng dugo galing sa kanya.

Matinik sya.Ang galing nyang tumakas at magtago.

"Oh,V.Bakit ngayon ka lang?"

Salubong sakin ni Mom.Oo.Si Mom.Hindi pa rin sila umuuwi sa Japan.Ewan ko ba kung bakit.Tss.

"Matutulog na ako,Mom.Pakisabi kay Shun,wag nya akong iistorbohin."

Nagtuloy-tuloy ako sa pag-akyat sa hagdan.Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko,sumalubong sakin ang malamig na 

ihip ng hangin.

Nakabukas yung bintana?

Lumingon ako sa kanan at kaliwa.Wala naman sigurong pumasok sa kwarto ko?Pero bakit bukas yung 

bintana?Lumapit ako sa bintana at isinara ito.Pagkasara ko,bumungad sakin ang papel na nakadikit sa salamin ng 

bintana.Kahit na nagtataka ako,binasa ko ang nakasulat dun.

"Catch me."

Someone's POV

*PAK!*

Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa lakas ng pagsampal sakin ni Sheol.Malalim na ang gabi at kadadating ko lang sa 

HQ galing sa bahay ng bwisit na si Saisumi dahil may ipinagawa sya sakin.(Hindi kasama sa inutos nya ang paglalagay 

ko ng papel sa bintana ni 'Miss Purple'.Tss.)

Inaasahan kong matutuwa sya sakin dahil nagawa ko ng tama ang iniutos nya pero ito ang napala ko.

"Who commanded you to do such a stupid thing,Halo?!"

Nanggagalaiting sigaw nya sakin.Hindi na ako nagtataka kung ganyan ang reaksyon nya.Siguradong nalaman na nya 

ang tangka kong pagpatay kay Saisumi kanina.

"Walang nag-utos sakin,Sheol.Sinubukan ko lang gawin ang bagay na matagal mo na dapat ginawa!"

*PAK!*

Isa pang malakas na sampal ang natanggap ko.Ramdam ko ang unti-unting pagtulo ng dugo sa gilid ng labi 

ko.Ramdam ko rin ang tindi ng galit nya sa bawat sampal nya.

"Hindi ikaw ang magdedesisyon kung kelan sya mamamatay,Halo!"

"Ano bang problema,Sheol?!Bakit pinatatagal mo pa?!"

"Bakit?Dahil gusto kong maranasan nya ang sakit na naramdaman natin noon!Gusto kong ipatikim sa kanya ang hirap 

ng paunti-unti!Gusto kong patayin sya ng dahan-dahan!At kung sisirain mo lang ang lahat....."

Inilapit nya ng kaunti ang mukha nya sakin at tinitigan ako ng matalim.

"....mabuti pang mawala ka na lang."

Hindi ako makahinga dahil sa sinabi nyang yun.Parang biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko.Naglakad na sya 

palabas ng kwarto kung nasan kami habang ako,pinipilit na makatayo ng tuwid kahit sobra na ang panginginig ng mga 

tuhod ko.

"Ginalit mo sya."

Napalingon ako sa may pintuan at nakitang nakasandal doon si Cross habang nakahalukipkip.Biglang nagdilim ang 

paningin ko.Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan sya sa kwelyo tsaka ko sya malakas na sinandal sa pader.

"Tuwang-tuwa ka siguro ngayon,sumbungero."

Gigil na sabi ko sa kanya.Wala ng ibang pwedeng magsumbong kay Sheol ng ginawa ko kundi sya lang.Ikinuyomko 

ang kanang kamao ko at akmang susuntukin sya pero nasalo nya ang kamao ko.

"Hindi ako pwedeng magkapasa,Halo.May date pa ako bukas."

Nginisian nya ako na lalo ko namang ikinainis.Binawi ko ang kamay ko sa kanya tsaka ko sya binitawan.

Tinitigan ko pa sya ng masama bago ako nagsimulang maglakad palabas pero napahinto din ako nung magsalita sya.

"Akala moba,pag napatay mo na sya,mamahalin ka na ni Sheol?"

Tumawa sya ng nakakaloko.Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinugot ko na ang dagger na nasa braso ko tsaka ko 

ito hinagis papunta sa kanya.

Ang tabil talaga ng dila nya!Ang lakas ng loob nya para sabihin sakin yun!

Laking hinayang ko ng makita kong nakailag ang walangya sa tira ko.Masamang damo talaga!

"Chill lang,Halo."

Kinuha nya yung dagger at inilagay yun sa kamy ko tsaka sya nagpatiuna sa paglabas ng pinto.

May araw ka rin,Cross!

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now