Chapter 9 - [virtual_world]

56 4 0
                                    


"Class, we are all sad for the departure of Mr. James but, I gladly introduce to you, your new mathematics teacher, Mr. Luke Martin."

Pinakilala ako ng principal sa mga magiging students ko. Ibang-iba talaga ang pakiramdam kasi kahit totoo ang nakikita ko, virtual pa rin ang lahat. Buong campus lang ang sakop ng HAIVA. Ang log-in at log-out ay sa gate lamang.

Nakapag-settle na ako sa condo nung Sunday at binasa ang tungkol sa Project SAVE. Dalawa ang v-mail na pinadala sa akin. Yung isa ang galing sa Future Tech para sa mission ko. Yung isa ay galing kay Arthur na sinabing sikretong malupit lang namin na ipadala niya sa akin iyon. Tungkol sa napaka-detailed na history ng founder ng Future Tech at bakit kailangan proteksyunan si Code: KEY. Grabe, napaka dami palang sikreto ang Future Tech. Ano pa kaya ang susunod kong malalaman? Nakaka-curious na nakakapangilabot.

Nag-simula na ako ng klase. Major in Science ako pero wala kasi vacant na position kaya nilagay ako sa pinaka-heyt kong subject. Pero para sa trabaho, kakayanin!

Based sa picture na ipinadala, nakaupo sa bandang gitna si Misaki. Based sa past records, siya ang top sa kanyang klase. Bandang second semester na kasi ako napasok sa HAIVA kaya matinding catch-up ang gagawin ko. Dahil international ang school, iba't ibang lahi ang mga student ko. Feeling ko lahat ay mayayaman ang pamilya. Pero nasabi ni Arthur na iba pa ang su-swelduhin ko as Virtual Teacher. Sarap!

Sabi sa mission, additional security lang ako kaya di naman kailangan tutok ang pagbantay ko kay Misaki. Sino-sino kaya yung talagang assigned personnel sa team SAVE? Isa rin ba sa mga school staff? Isa ba sa mga student?

Natapos ang first day ko bilang isang teacher ng payapa. Nakaka-proud na ganap na akong isang teacher at higit pa doon, isang Virtual Teacher.

Pauwi na sana ako ng biglang may student na sumalubong sa akin sa may pintuan.

"Sir, are you one of them?"

Si Misaki. Nagulat ako sa biglang pagsulpot niya pero mas nagulat ako sa pabungad niyang tanong. Biglang pumasok sa isipan ko na baka tungkol sa team SAVE ang tinatanong niya. Napaisip tuloy ako kung alam niya ang tungkol dito. Wala pa kasing update si Arthur about sa secret communicator namin. Di ko tuloy alam ang isasagot ko.

"Wh-What are you talking about?"

Hindi ko mapigilang mapailang sa pagsagot lalo na at nakatitig siya sa akin na parang sina-psycho niya ako.

"You're not one of them, sir?"

Tinanong niya ulit ako pero ni-rephrase lang niya yung tanong niya kanina.

"I-I don't know what you are talking about Miss Natsume. L-Let's go home, okay?"

Hindi pa rin niya inaalis ang nanlilisik niyang titig sa akin. Kinakabahan na tuloy ako baka nababasa niya sa mukha ko na hindi lang ako basta basta na teacher lang at isang spy na nag-momonitor sa kanya..

"I guess you're not. Forgot what I asked."

Umalis na siya after ng ilang minutong pag-titig niya sa akin. Bigla akong nakahinga ng maluwag. Grabe. Feeling ko konting tagal pa ng pagtitig niya baka madulas ako.

After ng pangyayaring iyon, nakipagkita ako kay Arthur para sa pag-sasanay ko sa combat. Tuturuan daw niya ako ng basic martial arts, self-defense, gun firing, sword fencing at iba pa na magagamit ko sa mga missions.

Sinabi ko sa kanya ang nangyari kanina. Sinabi niya na nagmamasid-masid din daw si Misaki sa paligid. Tingin daw niya alam ni Misaki na may nagmamatyag sa kanya dahil nangyari na rin yung nangyari sa akin sa iba pang mga agent na palagay niyang kasapi sa team SAVE.

Nagpatuloy lang ang pagtuturo ko sa HAIVA ng mga sumunod pa na araw at after naman ng klase, nagpatuloy din ang pagsasanay namin ni Arthur.

~~~~~
Teach and Train; Virtual Teacher and an Agent

future_gamers[virtual_world].exeWhere stories live. Discover now