Chapter 4 - [virtual_world]

90 5 0
                                    


Kung iisipin, kahit sinong hardcore player mapapagod at mapapagod din kahit ilang rounds pa. Lalo na kung short range lang ang weapon at kakailanganing mag-exert ng physical strength. Unless... may something na tutulong sa kanya para matalo.

3 minutes and 51 seconds lang ang itinagal ng huling round kanina. Napakabilis kung iisipin para pumatay ng siyam na kalaban lalo na at high-powered firearms pa ang gamit nila.

Isa lang ang pwedeng posibilidad dito. Nag-chi-cheat si Ashleigh!

[System] 2...1.... Team Bravo player skyrider024. Please choose your desired weapon.

[teambravo_pol3M0]: Hoy putangina mo kanina ka pa ah! Kung ayaw mong maglaro mag-log-out ka nalang! Pasalamat ka activated ang friendly fire kung hindi papasabugin ko ulo mo!

[teambravo_ban5N5]: Sky.. kahit anong weapon na para makasimula na. G na.

S-Shet! Napaisip nanaman ako ng matagal! Pero anong weapon ang pwedeng pantapat kay Ashleigh? For sure bale wala ang firearms. Sword kaya? Pero mas mahaba ito kumpara sa combat knife malamang talo ako sa speed ng pagswing. Kung mag short range naman ako mukhang mahihirapan akong tapatan ang physical movements niya.

Defense kaya? Shield? Tapos anong pang-opensa ko? Shield din? Parang Captain America lang ang peg. Hehe. Pero seryoso ano? Sige sabihin nating shield nga. Pero masyadong halata na sasanggain ko yung attack niya. Dapat yung hindi niya malalaman na yun ang intention ko.

[teambravo_pol3M0]: Hoy ano na?

[teambravo_skyrider024]: P-Pasyensya na... I-I choose..  any book.. as a weapon.

[System]: Team Bravo player skyrider024 chose any book as a weapon. System choose Dictionary as the random book.

Isang dictionary ang lumabas at napunta sa aking kanang kamay. Parang isang teacher lang na makikipagbakbakan sa opisina. Ok game!

[teambravo_pol3M0]: Taena! Bobo! Libro? Anong gagawin mo sa libro? Tanga! Lakas pa ng loob mo magteamwork! Ano matutulong ng libro mo?

[teambravo_neo238]: Tama na yan pol. Mag-i-start na.

[System]: Random Battles in Random Weapons Round 39, game mode: 9 vs 1, game start!

Nagsimula na ang round at wala ngang nagbalak mag teamwork. Nagkanya-kanya ang lahat na nagsi-alisan sa kwarto kung nasaan kami. Nagkahiwahiwalay ang lahat paglabas nila ng pinto sa kwarto.

Nagpaiwan ako sa kwarto para doon ko antayin si Ashley. Kailangan makaisip ako ng paraan kung paano ko siya matatalo. Binuklat ko yung dictionary at kunwaring nagbabasa. Ilang segundo lang ang lumipas nagsimula na ang putukan ng kanilang mga firearms.

[System]: Team Bravo player pol3M0 is down. Team Bravo player mikeFF is down. Team Bravo player r0br0br0b is down.

Shet! Ang bilis! Kakasimula palang! Paktay agad yung cancer na player! Paano niya nagagawa iyon?!? May nagsasabi ba sa kanya kung nasaan ang mga kalaban? Sino? Si Miho? Si Arthur? O may nakatagong iba pa?

Pasimple kong in-off yung eye gear ko para makita kung may tao ba sa tabi niya o may earpiece ba siya. Pero wala. Nakita ko lang kung gaano siya ka-athletic at kung gaano katindi ang kanyang martial arts moves sa platform. Shet! Malupet! Kung makatalon with matching sipa at suntok, estudyante ba siya ni Jackie Chan?

Mawawalan na sana talaga ako ng pag-asa kung hindi ko lang napansin na lumilingon lingon siya sa malaking monitor. Napansin ko na lahat kaming siyam ay nakikita sa monitor samantalang siya ay nakikita lang kapag nasa monitor ng ibang player. Ibig sabihin nalalaman niya kung nasaan kami.

Mga ilang sandali pa ang lumipas...

[System]: Team Bravo player neo238 is down. Team Bravo player raincoat_32 is down. Team Bravo player alvin83 is down. Team Bravo player ban5N5 is down. Team Bravo player KBL123 is down.

Ako nalang ang natira. Inabot lang siya ng 2 minutes and 35 seconds para talunin ang walo kong kasama.

Alam kong any second lang narito na siya... kasi nga alam niya kung nasaan ako.

[teamalpha_xenovia-1]: First. I don't know why Arthur chose you among those 342 and now 350 players I've defeated. Second. The heck you're delaying the game? It's already supper! Third. Of all the weapons you could think of, a dictionary? Are you underestimating me that much? Fourth. You have the guts to stay still and wait for me to prey you, huh? Five. I will prove Arthur he made a mistake choosing you. Now die!

Nasa harapan ko na si Ashleigh. Ang avatar niya ay nakasuot ng sweat shirt at short pants. Naka-ponytail siya at may hawak na combat knife. Halos duguan ang kanyang kamay at kasuotan. Napaka-gore naman ng game na ito. Samantalang wala akong oras na ayusin ang avatar ko kaya naka-white t-shirt lang ako at maong pants.

May batas na limited lang ang pwedeng i-customize sa avatar para makilala pa rin ang identity ng player. Ibig sabihin, kung anong itsura sa player sa totoong buhay, yun pa rin ang itsura ng avatar niya. Kaya may face and body scan process kapag gagawa ng account. Ang halos pwede lang i-customize ay ang kasuotan, hair style, hair color, make-up, accessories.

Back to virtual reality, nagsimula ng sumugod si Ashleigh. Sa sobrang bilis ng pag sprint niya, hindi ko namalayan halos 5 inches nalang ang layo niya sa akin.

Napa-one-step backward ako sa gulat. Nagulat din ang lahat ng biglang napahinto si Ashleigh. Actually napapikit ako sa sobrang bilis ng pangyayari.

[teamalpha_xenovia-1]: H-How?!?

Mula sa aking kaliwang tagiliran, nasangga ko ang combat knife niya gamit ang dictionary na hawak ko. Imbes na ang tagiliran ko ang masaksak, yung dictionary ang nasaksak niya. Tumagos nga ng konti yung blade ng combat knife sa sobrang talim nito.

Nagulat ang lahat at napasigaw.

~~~~~
9 versus 1 into 1 on 1

future_gamers[virtual_world].exeWhere stories live. Discover now