I - Introduction to the Story

361 10 0
                                    


Five years lang ang kinailangan ng Future Technologies Corporation upang baguhin ang mundo. Well, in terms of changing the gaming world lang naman talaga ang intention nila. Pero simula nung nilabas nila ang kauna-unahang Future Virtual-to-Reality Full-Device sa market, samu't saring malalaking kumpanya ang nakakita ng potential dito kaya agad umangat ang Future Tech sa larangan ng industriya.

Ano ng ba ang mayroon sa Future Virtual-to-Reality Full-Device?

May helmet na may sinusuot na katulad ng VR Box. May headphones with microphone. May parang neck brace na naka-connect naman sa leeg at parang spinal cord sa bandang likod. Bawat joints din sa extremities ay may parang brace na nakalagay. May gloves at medyas din. Lahat ng ito ay naka-connect sa mga cable papunta sa main computer na tinawag na Future Machine. May platform din na tatayuan na kahit anong galaw ay stationary pa rin sa platform.

Pero hindi naman talaga sa device namangha ang mga tao kung hindi nung sinubukan na nilang isuot at paganahin ito.

Pinapatakbo ng Future VR System-Drive ang device. Ito ang inimbento nilang sariling operating system gaya ng Windows, IOS, Android at iba pa. Meron itong sariling network na hindi nakadepende sa internet.

Ang pinakauna nilang ginawang Virtual-to-Reality Game ay pinamagatang Free Tour to the Virtual Earth. Isang itong replica ng buong mundo. Kahit saang lugar sa mundo, pwedeng puntahan. Parang namamasyal lang sa cellphone gamit ang Google Map. Pero ang kaibahan dito ay parang ikaw mismo ang nasa lugar na iyon, naglalakad. Actually kahit anong galaw ang gawin, ramdam talaga na parang nandoon ka talaga sa lugar na iyon. At isa pang nakakamangha, mahahawakan mo talaga ang mga bagay na nakikita mo. Walang sinabi ang 3D na nakikita lang sa virtual na parang reality.

Maraming kumpanya ang nagsimulang tapatan ang Future Tech ngunit ni isa ay walang naka-gawa ng pantapat.

Ang nangyari nalang ay nakasalalay sa imbensyon ng Future Tech ang mga kumpanya sa paggawa ng games at iba pang softwares na may kinalaman sa virtualidad. Iba't ibang add-ons ang naimbento na kinakabit sa Future Machine depende sa kung anong genre ang virtual game. Lahat ng mga kumpanyang ito ay under supervision ng Future Tech.

Dahil sa Future Tech, nagkaroon na ng mga trabaho na gumagamit ng VR Full Device tulad ng mga pang-opisina. Nagkaroon na rin ng virtual schools kung saan log-in-log-out lang ang mga student sa bahay. Sarap! Ang isa pang malupet, ang Virtual World Market kung saan isa itong malaking mall na mahahanap at mabibili ang mga produkto sa iba't ibang bansa at ipapadala nalang thru shipping. Mayroon naman ng Ebay, Amazon, OLX, at kung ano-ano pa pero sa V-Mart, mahahawakan, masusukat at makikita mo talaga ng actual ang gusto mong bilhin.

Ang laking comfort sa buhay ang naidulot ng Future Tech sa buong mundo. Free tour, V-Mart, Virtual Schools, Virtual Office at iba pa.

Yun nga lang, may masama din itong dulot sa kalusugan lalo na kapag nasobrahan ang paggamit nito at napabayaan na ang oras ng pagkain at pagtulog. Syempre, malamang sa malamang, kakailanganin pa ring kumain, matulog at magbanyo.

Safe namang gamitin ang Future Full-Device. Pagkasuot ng device mula paa hanggang ulo, isang pindot lang ng connect/disconnect button sa may right side ng helmet ma-co-connect na sa game o software na inilagay. Ganun din pag-maglo-log-out. Ang forced removal ng device lalo na sa helmet ay nakaka-cause ng matinding pagkahilo.

Bawat nag-mamay-ari ng Future Full-Device ay may sariling virtual avatar na pwedeng i-customize. Pang-isang tao lang ang isang Future Full-Device. Hindi rin biro ang bumili nito sapagkat kasing presyo nito ang isang sasakyan. Tapos every upgrade malaki ang babayaran. Mahal din ang bawat game at software pati ang add ons nito. Kaya parang ang labas, pang-mayaman lang ang may kakayahan mag-may-ari nito.

Lumipas pa ng labing limang taon ang virtual invasion. Ang dating Future Full-Device na maraming cable, na-develop na mula single cable connection to wireless bluetooth at ang latest ay ang laser sensor connection na kung saan isang suit nalang at eye gear ang isusuot. Di hamak na mas comfortable ito kumpara sa mga naunang version. Tinawag na din itong FutureGear.

Syempre, nag-improved na rin ang Future Network-System Drive. Voice activated na ang pag-connect at disconnect. May additional options menu din. Pagkaconnect, dadaan sa Personalized Virtual Room at dun pipili kung anong purchased and installed software ang gagamitin. Yung dating Free tour to the Virtual Earth na libre, VirtualEarthX na ngayon ay may babayaran ng VirtualTravelPassport. Nakakalungkot.

Sa virtual games naman, ibang iba na talaga compared sa consoles at touchscreen types dati. AI NPCs na ang halos mayroon sa mga bagong game. Sila yung NPC na may sariling buhay at hindi nakasalalay sa kung ano lang ang naka-program sa kanila.

Actually, meron pa rin namang consoles at mobile games sa ngayon. Para sa mga hindi maka-afford ng FutureGear.

Pero hindi naman pinagkait na para lang talaga sa mayayaman ang pagkakaroon ng FutureGear. Gumawa sila ng FutureGear/RentalVersion para sa gustong mag-business ng arcades or FutureGear Shop. May konting kamahalan pa rin ang singil dahil mahal ang pag-franchise at kadalasan occupied. Ang changes sa avatar ay sini-save na lang sa FutureApp na maiinstall sa FutureEyeGear. It means, kakailanganin pa rin bumili ng sariling eye gear.

Ang FutureEyeGear ay isang part ng FutureGear na sinusuot sa mata na parang eyeglasses. Ito ang pwedeng dalhin kung saan-saan at nagsisilbing modern mobile phone. Mula dito, makikita at makakausap  ang mga tao na naka-connect sa VirtualEarthX na naglalakad sa parehang lugar sa totoong buhay. Astig di ba? Hindi na kailangang humawak pa ng pagkalaki-laking cellphone. Sa isang voice command lang, may lalabas na virtual menu na makikita sa gear at mula dito, pwede na magsend ng v-mail, tumawag, magpicture, etc.  

Gumawa din ang Future Tech ng EarthReplicaGalaxy para sa mga games na ang Earth ang terrain at VirtualFantasyGalaxy naman para sa mga may sariling map o fantasy world.

Marami pang ibang makabagong imbensyon ang nagsilabasan. Talagang naging moderno na nga ang mundo mula nung naganap ang tinatawag na Era of Virtual Invasion.

Kasalukuyan ay nasa taong 2039 na.

*****
And so the story begins!

future_gamers[virtual_world].exeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon