Chapter 7 - [virtual_world]

72 5 0
                                    


Nag-usap kami ni Arthur sa isang room kung saan hindi maririnig nina Ashleigh at Miho ang pinag-uusapan namin. Ang daming kong nalaman tungkol sa Future Tech na hindi ko alam dati. Pati yung mga confidential at top secret na mga bagay sinabi na niya sa akin. Nakakatakot tuloy baka madulas ako at masabi ang mga ito sa ibang tao baka tirahin ako ng Team X. Pero nakaka-thrill tuloy na isa akong spy teacher. Whoaaaa.. Astig!

Sa pagkahaba-haba ng history telling niya, inabot na kami ng alas-onse ng gabi. Paktay na kay lolabells na sobrang alalang-alala na.

"Ako pala si Arthur Marcellino, Future Agent Maximus, Coach of Team Zulu. Since nasabi ko nga na top secret ang ating team, gagamit tayo ng ibang code name. Every time na in a mission tayo, call me Z-One. Welcome to Team Zulu, Future Agent Gamer Skyrider, Rank Knight, Team Zulu member Z-Nine. I assume yan na ang itatawag sayo? "

"S-Skyrider? P-Pwede po! Yan din kasi kadalasang ginagamit ko na name sa games. Hehe. Tanong ko lang po, ilan na po tayo sa team?"

"Ten. Ikaw and pang-ten kaya ka Z-Nine. Hehehe. Wag kang mag-alala, ipapakilala kita sa ibang team members natin."

"Eh ilan po kaming Future Gamer?"

"Ikaw lang."

"A-Ako lang?"

"Last month lang kasi na-create itong team na ito. And for that span of time, nag-i-scout palang ako ng members. So far, Future Gamer nalang ang kulang and walla! Kumpleto na! Ready na tayong lumarga!"

"Uhmm.. Pano pala yung duty hours? Baka kasi tumama sa schooling ko.. though every M,W,F lang naman.."

"About diyan, since Saturday naman na mamaya, kailangan nating mag-report kay Pegasus. Siya ang head ng Future Agents Project. Makikilala mo na rin yung iba pang members ng Team Zulu. Oo nga pala, kapag nagpapakilala ka sa ibang agents, sabihin mo assigned ka sa Region 8, team Tango. Para ito sa confidentiality ng team Zulu. Agents knew me as an agent recruiter as well as training advisor. Teka, kunin mo ito."

Inabot niya sa akin ang isang VirtualDisc na may title na P:FA. Usually, kapag bibili ng future games or apps, nakalagay ito sa isang VirtualDisc at i-i-install ito sa FutureGear. Single installation lang ang every games at apps na nag-co-cost ng higit 100k-1m per game.

"P-Para saan po ito?"

"Project: Future Agents. Yan ang headquarters natin. Kitakits bukas 8AM sharp. Ayaw ni Pegasus ng late. Masungit yun pero wag ka mag-alala madali lang palambutin puso nun. Hehe."

"H-Hindi ko po gets.. Paano po ito? Wala naman akong FutureGear.."

"Hindi ka pa kasi umuuwi. Sige na. You are dismissed Agent Skyrider."

"A-Ano po meron pag-umuwi ako?"

"Ahh! Basta! Sige na! Uwi ka na maaga pa tayo bukas!"

Hindi sinabi ni Arthur kung anong meron kapag umuwi ako. Tinulak niya ako papalabas ng pinto. Pagkabukas ng pinto, natumba sina Ashleigh at Miho na parang nakikinig sa usapan namin.

"Ahhhh... W-We are about to knock because we will buy something from the convenience store. R-Right Miho?"

"Y-Yes! W-We will ask if you want something! R-Right Ash?"

Halatang guilty sila na nag-i-stalk sa usapan namin.

"Haaay.. I will assume both of you didn't heard a thing no? Writing a report is so tiring.. and uhm.. I think payday will be next week and I assume you don't want any deductions right?"

"Y-Yes! W-We didn't heard anything!"

Sabay pa yung dalawang sumagot. May pagka-loko ding manakot si Arthur. Kumikindat kindat pa sa akin. Halatang pinapakita niya na tinatakot niya yung dalawa.

"O nga pala Al, this is agent Future Agent Gamer Xenovia, Rank Empress, Team Alpha and agent Future Agent Gamer Cookies, Rank Queen, Team Lima. Both of you, meet the new member of the Future Agents, agent Skyrider."

Pinakilala ni Arthur sa akin yung dalawa. Nagulat ako dahil ang tataas pala ng rank nilang dalawa lalo na si Ashleigh na siya yung nag-iisang highest rank. Nakakabilib na sa edad nilang nasa 20's eh ang taas na agad ng nakamit nila. Dagdag pa yung sweldo.. huhuhu ang laki...

Gusto ko sanang ipakita ang pagkamangha ko pero ang sama ng tingin ng dalawa sa akin. Parang gusto nila akong kainin ng buhay. Nagpasya na ako umuwi dahil yung alas-onse kanina, alas-dose na.

Nakauwi ako ng bahay ng 12:30 na ng umaga. Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan kasi alam kong tulog na si lola at madali lang siyang magigising sa konting kaluskos. Dahan-dahan din akong umakyat sa kwarto ko. Pagkabukas ko ng ilaw, napasigaw ako ng malakas. May malaking box at may tatak itong Future Technologies Corporation FutureGear! At may kasama ding FutureEyeGear!

"Syet! Akin ito?!?"

Sa lakas ng pagsigaw ko, nagising si lola at agad sumugod sa kwarto ko. Sinabi niya na i-diniliver ito kaninang 9 PM ng mismong Future Tech. Yun yung oras na nag-uusap palang kami ni Arthur. Niyakap ako ni lola at binati ako ng congratulations dahil nag-top daw ako sa schooling kaya binigyan ako ng FutureGear. Grabe, nagawan agad nila ng palusot! Pero FutureGear for freeee?!? Dream come true!

Sa sobrang excited, hindi na ako nakatulog hanggang mag-umaga na at kailangan ko ng mag-report sa Future Agents Headquarters.

~~~~~
Team Zulu and FutureGear for free!

future_gamers[virtual_world].exeWhere stories live. Discover now