Is He Jealous?

92 3 0
                                    

Ezekiel 5:13
(New living translation)

Then at last my anger will be spent, and I will be satisfied. And when my fury against them has subsided, all Israel will know that I, the LORD, have spoken to them in my jealous anger.

"Seloso si Lord"ito yung line na kapag nababasa at naririnig ko hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano.

Totoo naman kasi seloso si Lord,not to the point na nakakasama,mabuti ang LORD na meron tayo Amen?

Seloso ang Panginoon in a way na tama at may karapatan naman talaga Siyang magselos.Bakit?
First of all sa Kanya talaga tayo.He is our Creator.Pagmamay-ari Nya talaga tayo.Without Him we are nothing.

In Ezekiel 5:13,ito yung panahon na mga Israelita kung saan napoot na sa kanila ang Diyos dahil sa matinding paninibugho o selos.Panibugho dahil sa tinalukuran Sya ng mga Israelita,hindi na sinusunod ng mga ito ang tuntunin at mga kautusan ng Panginoong Yahweh.Sa halip sumamba angmga ito sa mga diyos-diyosan.Nagkaroon ng kaagaw ang Lord sa mga Israelita.

Na maicoconnect natin sating panahon ngayon.Ngayong mga panahon nato o sa henerasyon nating mga tinatawag na "Millenials" napakadami ng kaagaw ng LORD satin,sa time at atensyon natin.Nandyan ang trabaho,school,gadgets at kung ano-ano pa,pati pala boyfriend/girlfriend mo.(Ooops bato-bato sa langit tamaan maconvict.)

Mas marami tayong iginugugol na oras sa mga ito kaysa sa Panginoon.

Hindi natin Sya napaglalaanan ng oras,in fact hindi naman buong araw o buong 24 hours natin ang hinihingi ng LORD.Ang nais Nya ay ang magkaroon tayo palagi ng quality time with Him,time na masiseek natin yung presensya Nya,time na tanging ikaw lang at ang Panginoon.Laging handa at available ang Lord na makinig sa'tin sa lahat ng ikukuwento natin.Nais ng Lord na lagi natin Siyang kausapin through prayers.Sa prayer din natin naipapadama sa LORD na mahal natin Sya at mahalaga Sya sa atin,ito rin yung time na makakapagpasalamat tayo sa Kanya.Hindi tayo pinagkaitan ng Lord,ni pinagdamutan even His One and Only Son binigay Nya satin for us to be save.Tapos time lang natin 'di pa natin maibigay-bigay sa Kanya.

Nawa huwag na nating hintayin na mapoot pa sa atin ang Diyos gaya ng pagkapoot Niya sa mga Israelita.Huwag nating hayaan na paluin pa tayo ng Diyos bago tayo lumapit at bumalik sa Kanya.

Lagi tayong binibigyan ng chance ng Lord para magbago at bumalik sa Kanya naghihintay lang ang LORD,all we need to do is grab that chance.

Don't be too busy with the things that cannot give us the true joy and true satisfaction.Don't be too busy with the world,get busy with the Word instead.

Did you know na ang pinakamagandang maireregalo mo sa sarili mo is your time with the LORD?
Your time with the One who loves you very much.Your time with your Creator and First Love.Your time with JESUS.




The LIGHT of LIFEOn viuen les histories. Descobreix ara