He is Worthy

60 3 1
                                    

Proverbs 3:6

Seek His will in all you do,
    and He will show you which path to take.
(New Living Translation)

Wala na sigurong mas sasarap pa sa buhay na alam mong kasama at pinapatnubayan ka ng Lord,Amen?

Knowing na Sya ang gumagabay sayo sa lahat ng gagawin at tatahakin mo sa buhay na ito.Walang pangamba dahil tiwala at nananalig ka na kasama mo ang Lord.

Safe na safe tayo sa kamay at will ng Lord.Sigurado ang katagumpayan 'pag Sya ang kasama.

Nawa lagi nating hangarin ang will ng Lord ang mangyari sa buhay natin,lagi natin Syang alalahanin at papatnubayan Nya tayo.

Sa saya man o sa hirap huwag nawa nating kakalimutan ang Lord.

Minsan kasi sa kalungkutan lang natin Sya naaalala,'pag may problema at 'pag nahihirapan na.Pero kapag ok tayo,sagana,masarap ang buhay nakakalimutan na natin Sya.Wag ganon Kaps.

Ang sabi ng Lord sa Kanyang banal na salita always seek His will in all we do.
Hindi sinabi ng Lord na seek Him later,seek Hin when you're sad,seek Him when you need something,He said ALWAYS.SEEK HIM ALWAYS.Kahit nasa'n at ano pang ginagawa natin.Kapag ginawa natin ito He will guide us sa ating tahakin sa buhay na ito.He is faithful,He truly is.

Nawa ang pag-alala sa Panginoon ay huwag na nating ipagkait sa Kanya.Pasalamatan natin Sya palagi.Through bad times or good times thank Him.

Itiwala mo ang iyong buhay,pangarap at lahat-lahat sa Panginoong Jesus.Walang sayang sa buhay na isinuko kay Jesus.

How can you mistrust that Hand that holds heaven and earth?

Trust Him Kaps.He is worthy of all our trust.He is the Only One that is worthy of our everything.JESUS is worthy of all we have.

------

God bless Kaaaaaaaps~





The LIGHT of LIFEWhere stories live. Discover now