Come to Him

82 1 0
                                    

Isaias 28:12

Ganito ang Kanyang sasabihin:
"Narito ang tunay na kapahingahan para sa mga napapagal,"
ngunit hindi nila ito pinakinggan.

---------

God knows that you are tired, you're too exhausted because of what's happening in your life.

Alam Nya na naghahanap at gusto mo ng kapahingahan.

At willing Sya na ibigay yo'n sayo.He is willing to give you rest, yung totoong kapahingahan as what He has promise.

Pero, hindi natin pinapansin yo'n.
Madalas hindi natin pinapakinggan ang Lord, na nag-aalok ng kapahingahang hinahangad natin.

Sa halip, sa iba natin 'to hinahanap, sa iba tayo tumatakbo para magpahinga, sa mga bagay o tao na akala natin makakapagbigay nito sa atin, kaya ang ending mas napapagod tayo.

Remember this, kailanman hinding-hindi maibibigay ng tao ang bagay na ang tanging ang Diyos lamang ang makakapagbigay.

Hindi kailanman maiooffer ng tao ang bagay na tanging ang Diyos lamang ang makakapag-ooffer.

At hindi kailanman mahahanap sa tao ang bagay na tanging sa Diyos lamang mahahanap.

Men can never give you salvation.
Men can never give you satisfaction.
Men can never give the rest that you want.
Only Jesus can give those things to you.

Kaya nawa, wag tayong magbingi-bingihan sa inaalok ng Lord.

He is willing to give you rest, sa Kanya mo lang matatagpuan ang tunay na kapahingahan.

Mateo 11:28
"Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan Ko kayo ng kapahingahan."

See?Nag-ooffer ang Lord ng kapahingahang, hindi mo makikita kahit kanino, ang kailangan lang nating gawin ay ang lumapit sa Kanya, how?

Through prayer.

Ano pang hinihintay mo?
Draw near to Him, He is waiting.

Rest in Him, dwell in His presence.
Willing ang Lord na kunin lahat ng burdens na dala-dala mo, Come to Him ang He will give you rest.

You can run to JESUS!



The LIGHT of LIFEWhere stories live. Discover now