It's Not Yours

36 1 0
                                    

1 Samule 17:47

At makikita ng lahat ng narito na makakapagligtas si Yahweh kahit walang tabak at sibat.Kay Yahweh ang labanang ito at ibinigay na Nya kayo sa aming mga kamay."

(MBB Version)

----------

In every battle that we face in our lives, always remember that it is not yours, it is the Lord's.

Maraming labanan na nangyayari sa ating mga buhay.(We knew these "battle" as problems o kapagsubukan sa buhay natin.)

Problema sa pamilya.
Problema sa kaibigan.
Problema, pati sa sarili natin.

There's a lot of battles on going in our lives.

Pero kagaya ng sa given verse, maging katulad tayo ni David.Buong tapang niyang hinarap si Goliath, for He knew na hindi kanya ang battle na yon kundi sa Lord.

He also knew na ang Lord ang lalaban para sa kanya, at kaya ng Diyos na talunin si Goliath without using any weapons, alam nya na magtatagumpay siya sa labanan dahil matagumpay ang Diyos nya.

In every battle that we face wag tayo matakot.Huwag tayong matakot na harapin ang mga Goliat sa buhay natin.

Allow God to intervene, allow Him to move, allow Him na pumasok sa eksena.

Minsan kasi inaako natin, kala natin we can do it on our own kaya ang resulta, nadodown tayo.Feeling natin talunan tayo, feeling natin ganito ganyan, dahil hindi natin inallow ang Lord na magtake-over sa situation natin.

Alam mo ba na willing ang Lord na tulungan ka?

Willing Sya na lumaban para sayo.

Willing na willing Sya.

But the question is, willing ka din ba?

Willing ka bang isuko sa kanya ang sitwasyon mo?

Willing ka ba na na isuko sa Kanya ang buhay mo?

Willing ka ba na manalig sa Kanya, at Sya ang lumaban para sayo?

Trust Him.

Hayaan mong ang Lord ang lumaban para sayo.(Exodus 14:14 read it nalang kung may Bible kayo)

Sasamahan ka Nya.

Manalig ka, at mapanatag, ano mang pinagdaraanan mo, HAYAAN MONG SAMAHAN KA NG LORD AT SIYA ANG LUMABAN PARA SAYO.

Stop the overthinking.

Don't fight your battles through your mind, fight through your knees, magpray ka.

How God can help you kung di ka nakikipag communicate sa Kanya?Diba?

Let Him.Allow Him.

At tulad ng nangyari kay David, sinamahan sya ng Lord.Ang Lord ang lumaban for Him,

Makikita natin in thr story na tirador lang at bato ang dala ni David, sinong mag-aakalang matatalo nya si Goliath dahil lang don?

Hindi nanalo si David dahil sa dala nyang tirador, pero dahil kasama nya ang Lord.

With God all things are possible.

When you allow God to fight for you, gaya ng nangyari kay David magtatagumpay ka.

Hindi ka bibiguin ng Diyos kapag nagtiwala ka sa Kanya.

-----

God bless!
Let God to take over in your situation, allow Him!

The LIGHT of LIFEWhere stories live. Discover now