Safest Place

69 1 0
                                    



John 6:68
Sumagot si Simon, "Panginoon, kanino pa po kami pupunta? Nasa Inyo ang salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan."

Sa panahong ito ng kaguluhan at panganib, madami sa mga tao ang natatakot, nag-aalala at hindi alam ang pupuntahan.

Bawat isa naghahanap ng lugar na ligtas, lugar kung saan hindi sila mahahawaan ng virus, lugar kung saan magiging maganda ang kanilang kalagayan sa panahon ng panganib.

But, did you know?
Ang pinakasafe na lugar lang dito sa Earth ay ang presensya ng Diyos.

God's presence is our safest place.

Pero marami sa mga tao ang hindi nakakaalam.

Akala ng iba ligtas na sila if nasa kani-kanilang bahay na nila sila.Kung may sapat na silang pagkain at meron sila ng lahat ng bagay na kakailanganin nila.

Sa piling lang ng Panginoon may kaligtasan, salvation physical also spiritual.True salvation can only be found in Jesus.

Nawa gaya ng sinabi ni Simon Pedro na, "Panginoon, kanino pa po kami pupunta?"

Makikita sa pananalita nya na wala na silang ibang pupuntahan kundi ang Lord lang.Yung pag-asa at pagtitiwala nila sa Lord mababakas mo.

Nawa sa mga ganitong panahon, higit sa lahat ng bagay mas pagtiwalaan natin ang Diyos.Sa Kanya tayo magtungo at manatili sa Kanyang lilim.

In the presence of God there is peace, rest, fullness of joy, love, lahat ng hinahanap mo, there's true salvation in His presence.

Again, take time this quarantine time to know Him more.Nawa wag nating sayangin ang pagkakataong ito, may purpose ang Lord kung bakit inaallow Nya ang bawat bagay.

I pray na kung ano man ang intinuturo satin ng Lord ngayong panahon nato ng pandemic ay matutunan natin.

Ipakita natin sa Lord lalo na sa panahon ng testings na mas mahalaga Sya, kesa sa anumang bagay sa buhay natin.Na kahit ganito ang mga eksena at nangyayari magtitiwala parin tayo sa Kanya.

Isa pa, in verse 68b sabi pa ni Peter sa Lord Jesus "Nasa inyo ang salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan."

Sa Lord lang may kaligtasan.

If you feel anxious and afraid because of what's happening all over the world, just read the promises of God.


PSALM 91:1-16
A

ng Diyos ang Mag-iingat sa Atin

91 Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan,

at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan,

2 ay makakapagsabi kay Yahweh:
“Muog ka't kanlungan,
ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”
3 Sa panganib at bitag ika'y kanyang ililigtas,
at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas.

4 Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak,
at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak;
iingatan niya't ipagsasanggalang, pagkat siya'y matapat.

5 Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay,
maging sa gagawing biglaang paglusob ng mga kaaway.

6 Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim,
sa pagpuksa'y wala kang takot, sa araw man dumating.

7 Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao,
sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo;
di ka matatakot, at natitiyak mong di ka maaano.

8 Ika'y magmamasid at sa panonood, mapapatunayan,
iyong makikita, taong masasama'y pinaparusahan.

9 Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang,
at ang pinili mong mag-iingat sa iyo'y Kataas-taasan.

10 Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan
kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.

11 Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin,
saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.

12 Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan,
nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.
13 Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik,
di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis.

14 Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin,
at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin.

15 Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan,
aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan;
aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.

16 Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay,
at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!”

-------


Panghawakan mo lang ang mga pangako ng Diyos.

Manatili ka sa presensya Nya.

God bless!
Keep safe kaps <3

Ps. SOCIAL DISTANCING SA TAO LANG, HINDI SA DIYOS.

Mas maging malapit pa tayo sa Lord.




Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: May 29, 2020 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

The LIGHT of LIFEKde žijí příběhy. Začni objevovat