Draw Near to Him

59 2 0
                                    

Psalm 107:10-15

10 Some sat in darkness and deepest gloom,

imprisoned in iron chains of misery.

11 They rebelled against the words of God,

scorning the counsel of the Most High.

12 That is why he broke them with hard labor;

they fell, and no one was there to help them.

13 “Lord, help!” they cried in their trouble,

and he saved them from their distress.

14 He led them from the darkness and deepest gloom;

he snapped their chains.

15 Let them praise the Lord for his great love

and for the wonderful things he has done for them.
(New Living Translation)

God didn't said "It would be easy".
He said " It would be worth it"

Hindi madali ang mabuhay Amen?

Ang buhay kase punong-puno ng pagsubok,kahirapan,at problema.
No one is exempted sa mga iyan,that's part of our lives.Mabuti nalang mayroon tayong Jesus na labis tayong mahal.

Pero minsan hindi natin maiwasan ang malugmok,malungkot at manghina tao lang naman kasi tayo.Dumarating din tayo sa point na para bang napakalayo na natin sa Lord,at para bang hindi na natin maramdaman ang pagsama at pag-ibig Nya.

We keep on saying:

"Kung mahal ako ng Diyos,hindi Nya ako bibigyan ng ganitong pagsubok at problema"

You know what mahal talaga tayo ng Lord no doubt mahal Nya tayo mahal na mahal.

Minsan nabubulag na tayo,'di na natin maramdaman yung pag-ibig Nya dahil sa nakafocus nalang sa problema at pagsubok yung paningin at puso natin.

Hindi lang natin napapansin,nagrerebelde na tayo sa Lord.

Agad tayong sumusuko at imbis na lumapit tayo sa Kanya mas inilalayo pa natin ang ating mga sarili bakit?
Dahil sa sakit?Lungkot?Problema?

Given na lahat yan kaps.Lahat naman nakakaranas nyan.

Inaallow ng Diyos ang mga iyan sa buhay natin dahil alam Nyang kaya natin,alam Nya rin ang limitasyon ng bawat isa sa'tin.(1 Corinthians 10:13)Hindi ibig sabihin na inallow Nya yung isang pagsubok sa buhay natin eh di na Nya tayo mahal,inaallow Nya dahil tiwala at naniniwala Sya satin.Nawa magtiwala at maniwala din tayo sa Kanya.

Mahal ka ng Lord,mahal Nya tayo.Oo,hindi Nya sinabing magiging madali ang lahat.Hindi Nya sinabing "Nak,sumunod at manalig ka lang Sakin di kana dadanas ng problema" hindi yan sinabi Nya.
Ang sinabi at pinangako ng Lord "I will not leave nor forsake you"

Hindi Nya tayo iiwan ni pababayaan man!

Pero bakit nga ba inaallow ng Lord ang mga pagsubok sa buhay natin?

1.To test our faith in Him
2.To test our faithfulness in Him
3.To strengthens us

Sa buhay natin maraming testing ang Lord,at sa mga panahong iyon tinitingnan Nya kung mananalig at magtatapat pa ba tayo sa Kanya sa kabila ng mga iyon o susuko nalang at bibitaw.

He also strengthening us through those trials.Gaya ng ginto at pilak dinadalisay ito sa pamamagitan ng apoy,gayundin naman dinadalisay tayo ng Lord sa pamamagitan mg mag pagsubok sating buhay.

Nawa kapag binabayo na tayo ng problema don tayo mas lumapit sa LORD.Huwag tayong lalayo at magrerebelde.

Sa verse 10 ng makaranas ng pagsubok at pagdurusa ang mga tao,tinalikuran nila ang Diyos,naghimagsik sila,nagrebelde but in the end ng hindi na talaga nila kaya sa Panginoon pa rin sila lumapit at humingi ng tulong.

Hindi naman sila binigo ng Lord.dininig at iniligtas Nya ang nga ito.

Nawa sa mga pagkakataon na hirap na hirap at dumaranas ka ng mga problema mas lumapit ka sa Lord.

Sabi nga sa isang awit

"If you will draw nigh to Him
He will draw nigh to you"

God is always willing to comfort us and to embrace us with His unfailling love.Hindi madamot ang Lord at kahit ilang beses ka mang lumayo at tumalikod sa Kanya lagi Syang handa na yakapin at salubingin ka sa iyong muling pagbabalik.
Gaya ng isang ama sa alibughang anak.Naghihintay lang ang Lord na lumapit ka.Always seek Him.

Yes life is very unfair but we are blessed because we have a faithful God.We have Jesus. :)








The LIGHT of LIFEWhere stories live. Discover now