Any Day

40 2 0
                                    

Matthew 12:9:11
(New Living Translation)

Then Jesus went over to their synagogue,10 where he noticed a man with a deformed hand. The Pharisees asked Jesus, “Does the law permit a person to work by healing on the Sabbath?” (They were hoping he would say yes, so they could bring charges against him.)

11 And he answered, “If you had a sheep that fell into a well on the Sabbath, wouldn’t you work to pull it out? Of course you would.

Ang paggawa ng mabuti ay walang pinipiling panahon,Amen?

Ang sabi sa salita ng Lord,kung may pagkakataon gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao.

Hindi sinabi na gumawa tayo ng mabuti mamaya,bukas,sa linggo,o kaya next year ang sabi KUNG MAY PAGKAKATAON.Minsan kasi may pagkakataon na tayo ini-ignore pa natin.Wag nating iisipin ang iba ang mahalaga tumulong ka,at isipin mo na para sa Diyos ang gagawin mo hindi sa tao.Amen?

Sa Mateo 12:9-11 even araw ng pamamahinga na itinuturing ng karamihan na 'di naayon sa Kautusan pinagaling pa rin ng Panginoong Jesus ang lalaking paralisado ang kamay.

Nakita ko dito na ang Lord hindi nag-sschedule kung kailan Sya tutulong o magpapagaling,hangga't may pagkakataon tumutulong ang Lord at nanggagamot Sya.

Na mairerelate natin sa'ting mga buhay.Ang problema at pagsubok ay parte na ng buhay natin Amen?Hindi na natin maalis yan,ni matatakasan,bad news,but here is the good news may isang Jesus na handa tayong tulungan at gabayan sa pagharap sa lahat ng iyan.May Jesus na hindi nagtatangi at pumipili kung kailan at kung saan Sya tutulong.

Kahit umaga man yan,gabi,mainit,maulan,birthday man 'yan ng kapitbahay mo at kung ano-ano pang klase ng panahon palaging handang tumulong ang Diyos sa'tin.

Gaya ng sinabi ng Lord sa verse 11 higi tayong mahalag kaysa isang tupa and God will always willing to help us ang hear our prayer.

Ano mang sitwasyon ng buhay mo ngayon,manalig ka tutulungan ka Nya.Have faith!Mabuti ang Diyos,huwag kang susuko,Amen?
Pinapakinggan ng Lord lahat ng daing,iyak at dasal mo.Don't lose hope.Cheer up,mahal na mahal ka ni Kristo!Manalig ka!Manalig ka!Manalig ka!May gagawin Sya at may ginagawa na Sya!Claim it in JESUS name.

A/N:
Hiii Kapsss Goodnight.
Pray before you sleep.
God bless. :)


The LIGHT of LIFEWhere stories live. Discover now