Confidence in JESUS

63 3 1
                                    

Matthew 28:16-20 New International Version (NIV)

16 Then the eleven disciples went to Galilee, to the mountain where Jesus had told them to go. 17 When they saw him, they worshiped him; but some doubted. 18 Then Jesus came to them and said, “All authority in heaven and on earth has been given to me. 19 Therefore go and make disciples of all nations,baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, 20 and teaching them to obey everything I have commanded you. And surely I am with youalways, to the very end of the age.”


"Kaya ko ba ito?"

"Wag ako,iba nalang baka 'di ko kayang gawin"

"Hala,hindi ko kaya yan"

Minsan mo narin bang nasabi at nagamit ang mga pananalitang iyan?Mga pananalitang nagpapakita ng kawalan natin ng kumpiyansa hindi lamang sa'yong sarili kundi maging sa Panginoon.

Minsan hindi naman talaga natin 'to maiiwasan,ang mawalan ng tiwala at kumpiyansa sating sarili.Bakit?

Narito ang ilan sa mga dahilan.

1.We can't trust ourselves because we can't or we don't trust God first,we trust other people instead.

Madalas tayo ito,mas tiwala tayo sa kayang gawin ng ibang tao kesa sa sarili natin at sa'ting Diyos.Mas tiwala tayo na magagawa nila ang ganito,gano'n at kung ano-ano pa.Lam no yun?Mas tiwala tayo sa linikha kaysa sa Lumikha.Sad but true.

2.We trust the enemy.Ang kasinungalingan at  pandaraya nya.

Liban sa ibang tao,mayroon pa tayong pinagkakatiwalaan yun at ang kalaban(si Taning).

"Ano?Si Taning pinagkakatiwalaan ko?No way and never"

Oo pinagkakatiwalaan natin sya 'dilang natin napapansin,dahil nadaya na nya tayo Mas  pinapakinggan at pinaniniwalaan natin ang mga kasinungalingang ibinubulong nya sa'tin kaysa sa sinasabi ng Panginoon na nagmamahal sa'tin ng lubos.

"Hindi mo kaya yan"

"Mahina ka"

"Duwag,wala kang kwenta"

"Talunan"

Yan ang ilan sa mga pandarayang ibinubulong satin ng kaaway at madalas nating pinaniniwalaan.Mga pandarayang walang katotohanan dahil mga pandaraya lang nga ang mga iyan,mga kasinungalingan.

3.Because we know our limitations. Kilala natin ang sting sarili,kung hanggan saan lang tayo.

At dahil nakinig tayo at Mas pinaniwalaan natin ang pandaraya ng kaaway,natanim tuloy sa isip natin lahat ng kasinungalingan nya.

"Oo,ganito nalang ako,walang kwenta"

"Oo,talunan nga ako"

"Oo,mahina nga ako"

Naging maliit na ang tingin natin sating mga sarili.

Akala natin kilalang-kilala na natin ang ating sarili.Akala natin ang liit-liit na natin,akala natin nag-iisa lang tayo.

Pero hindi, kung may isang higit na nakakakilala sa akin at sayo hindi ako o ikaw mismo yo'n kundi ang Panginoong Jesus.Sya ang lumikha sa'tin.Alam Niya ang lahat sa'tin maging yung pinakatatago-tago nating lihim.He knows everything about us.Mas kilala pa Niya tayo kaysa sa pagkakakilala natin sating mga sarili.

At kung liit na liit kana sa sarili no,napakababa na ng pagtingin mo at ng mga tao sayo ibahin mo ang Diyos.Iba ang pagtingin Nya sayo,you are precious in His sight.(Isaiah 43:4)
Priceless ka kapatid!

Kung down na down ka na at feeling mo wala kang kwenta,think about what Jesus done on the cross for you.He hung and bled on the cross because He loves you,may halaga ka,mahalaga ka.

Huwag mong pansinin ang ibinubulong ng kaaway at sinasabi ng tao sayo idodown ka nila pero ang Lord I lilift up ka.Focus your heart and sight on Jesus.

Sa verse,bago pa man sabihin ng Lord ang great commission sa mga alagad,He gave them the assurance first.What assurance?(Matthew 28:18)

Ang assurance na ibinigay na sa Kanya ang kapangyarihan sa langit at sa lupa,nasa kamay na Niya ang lahat ng kapangyarihan.He have the control of everything! He have the power!

And again sa last verse ng chapter 28 ng Matthew,nagbigay pa Sya ng isa pang assurance, na kasa-kasama natin Sya hanggang sa katapusan ng panahon.Hindi Niya sinabing " Ngayon nyo nalang ako makakasama" hindi Niya sinabi yon,He said He will be with us,He is with us always!

Natapos na ba ang panahon?Hindi pa!Kasama natin Sya.Magtiwala tayo sa pangako ng Lord.Magtiwala at manalig tayo sa Kaniya.

Kung kaya't wala na tayong dapat pang ipangamba.We can do all things through Him.(Philippians 4:13)

God's message for you  also for me today  is...

"Kaya mo 'yan 'nak"

"Malakas ka,kasama mo Ako"

"The victory is yours anak,tagumpay kana"

"Mahal kita hindi magbabago yo'n"

Imagine na sinasabi ya'n ng Lord sayo ngayon.Ang sarap no?Hindi lang yan Basta imagination totoo yan kaps.
Mahal ka Niya 'di magbabago yo'n.

We already have the confidence because we have JESUS.Cheer up,be confident anumang pagsubok at problema ang kaharapin natin,kasama natin si Kristo always remember that.Matagal na tayong panalo dahil talong-talo na ang kaaway 2000 years ago pa.Natalo na sya ni JESUS remember?Claim it we are victorious! We have JESUS.

Trust God always, hold on lang sa mga pangako Niya never mapapako ang mga iyon.

Yes,by ourselves we can't but with GOD we can!
Have faith! Smile,you are loved.









The LIGHT of LIFEWhere stories live. Discover now