Fear Has No Place

59 3 0
                                    

Daniel 10:19

Don’t be afraid,” he said, “for you are very precious to God. Peace! Be encouraged! Be strong!” As he spoke these words to me, I suddenly felt stronger and said to him, “Please speak to me, my lord, for you have strengthened me.”

(New Living Translation)

Ang sarap isipin na sinasabi sa'tin ng Lord ang mga pananalitang "Ikaw na labis  na minamahal huwag kang matakot,Ipanatag mo ang iyong loob at magpakatapang ka".

Minsan kasi dahil sa mga problema,pagsubok,at mga battles sa buhay natin ang dami na nating nakakalimutan na mga mahahalagang bagay.Masyado nang nakatutok ang mata at puso natin sa problema.

Naaagaw na ng mga problema at pagsubok na ito ang mata at puso natin sa ibang bagay lalong lalo na mula sa LORD.

At sa verse na ito God reminding us do'n sa pinakamahalaga,pinakamahalaga na dapat nating tandaan.

That we are deepy love by God.Madalas dahil sa mga hinaharap natin sa buhay nakakalimutan na natin na lubos tayong minamahal ng Lord.Like " Oo nga pala mahal ako ni Lord" nakakalimutan na natin dahil sobrang occupied na occupied na yung mga utak natin sa mga nangyayari.

At sa mga oras na ito,nais ng Lord na ipaalala ulit sayo(satin) na Labis Niya tayong minanahal.Yes,you read it right.God loves you so much!And ang pagmamahal Niyang iyon ay nag-aalis ng takot sa'ting mga puso.

Sabi do'n sa verse Don’t be afraid,” he said, “for you are very precious to God".We are love and precious in Him.

Ito ang uulit at uulit-ulitin ko na mahal na mahal na mahal tayo ng Diyos.

Sapat at higit na ng pagmamahal na iyon ng Lord upang hindi tayo matakot.Sa halip hayaan natin na ang pag-ibig ng Panginoong Jesus ang mag-umapaw sating mga puso.Fear has no place in our hearts!Hindi espiritu ng takot ang ibinigay satin ng Lord.

Palagi nating tandaan na ang Diyos na lubos na nagmamahal sa atin ay mas higit na malaki kaysa sa mga mahirap na sitwasyon na kinakaharap natin sa mga panahong ito.Nais Nya na pumanatag tayo at maging matapan.The battle is not yours Kapatid,it is the Lord's.Smile kana.
God is on the move.
Do not fear for God is with You.He will give you strength.

Keep calm and be Courageous!
Jesus loves you so much!


A/N:

Hiiii Kaaaaaaaps,Nagbabalik hehe.
Namiss ko kayooooooooooooooo.(Namiss ba'ko? char hahahah)
So ayuuuun God bless you all moree and moreee.
God loves youuuu so much!

The LIGHT of LIFEWhere stories live. Discover now