FINALE - LOVE IS ENOUGH

1.1K 20 23
                                    

Mixed emotions si Jiyong habang  pinagmamasdan ang kanilang mansion na malapit nang matapos.

Lumalaki na din kasi si Jian at gusto nilang ma experience nito ang normal na pamumuhay kesa sa apartment Lalo na at mahilig mag pinta ang anak kaya bumili sila nang isang napakalaking lupa sa isang pinakamahal na Resedential sa labas ng Seoul.

Nagpagawa ang mag asawa nang sarili nilang infinity pool dahil tanaw ang dagat mula sa kanilang mansion.

Isang full glass mansion na mayroong limang queen size guest rooms, 3 mini guest rooms at isang masterbedroom para sakanilang mag asawa at  dalawang kwarto para sa kanilang mga anak.

Napapalibutan din ito nang magagandang puno at mayroon silang designated na camping site sa harapan at sa likuran.

May maliit ding playground na pinagawa si Jiyong facing the beach para sa mga anak. 

''Why look so serious Daddy?'' malambing na yakap ni Dara mula sa likuran ng asawa.

''I just can't believe that we're now having our second child'' masayang sagot nito at hinarap ang asawa at masuyong hinawakan ang mukha nito.

''Sandara..''

''Hmmm?'' 

''Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan sa lahat nang pagtitiis mo, pagmamahal mo samin nang anak natin at sa magiging pangalawang anak natin. Hindi ko din alam kung paano ko sasabihin sayo na sobrang swerte ko kasi ikaw ang naging asawa ko, naging anak ka ng magulang ko at ganun din ako kina Eomoni at Aboeji.'' dito bahagyang nangilid ang luha ni Dara.

''Jiyong- ah.'' mahinang tawag nito sa asawa habang hinahaplos din ang mukha nito.

''Gusto kong malaman mo na lahat nang meron ako ngayon ay dahil din sa tulong mo. Hindi ako magiging part ng 2ne1 at YG Family kung hindi dahil sa'yo. Yung mga pinagdaanan nating problema? kasama yun sa pagmamahalan natin, nadapa tayo nang ilang beses but that made us more stronger. Sa paulit ulit nating pagbangon mas Lalo tayong tumitibay. Kaya don't just say na maswerte ka kasi naging asawa mo ako dahil maswerte din ako dahil naging asawa kita at ama ka nang mga anak ko.'' madamdaming sagot nito sa asawa.

''I miss dating'' biglang sabi ni Jiyong sabay hawak sa kamay nang asawa at inalalayan siya papunta sa kanilang sasakyan.

Dahil nasa retreat trip ang kanilang anak sa Busan ay nagkaroon ang mag asawa nang sarili nilang oras para mamasyal.

Dinala ni Jiyong ang asawa  kung saan sila nagsimula. 

''Woooh, anlaki na nang pinagbago nang school na to no?'' nakangiting sabi ni Dara habang naglalakad sila sa pavement kung saan sila madalas maglakad ni Jiyong.

''Oo naalala ko nga dati napakasuplada mo pa, halos hindi ka mabiro ni YoungBae'' natatawang sagot nito sa asawa.

''Oo tapos kayo puro kayo papicture sa mga classmates natin'' 

''Oh? hindi kaya'' 

''Sus!'' pang aasar ni Dara nang makarating sila sa bus stop.

''Naalala mo pa ba?'' tanung ni Dara

''Oo naman, dito kami parehong umiyak ni Young Bae nung nagpaalam kang uuwi na a Pilipinas'' 

''Oo nga eh, dito tayo nagkaiyakan noon'' nakangiting sagot nito at sumunod naman nilang pinuntahan ang restaurant kung saan naging sila.

''Andami nang mga establishment dito no?'' nagagalak na sabi ni Dara habang binabaybay nila ang daan papunta sa restaurant pero nagulat sila nang open space na ito at ginawa nang seaside view deck.

Screw Perfect! (Will love be enough Book 2)Where stories live. Discover now