Part 78 - Hands up!

612 11 6
                                    

Kinaumagahan ay puro kanchawan ang nangyayare sa Bigbang habang pangiti ngiti lang sina Mino at Chaerin na magkatabi sa cafeteria.

''Natatakot na ako sa asawa ko ngayon'' natatawang biro ni YB

''Tiklop na tiklop nga si Seungri kay Bea kagabi'' tulak naman ni Jiyong nang banatan siya nito.

''Knowing Dara noona, pustahan tayo sa sala ka natulog no?!''

''Oi! upgraded na to! di na ako pinapalabas.. sa coach nga lang!! sigaw naman ni Jiyong kaya tawa sila nang tawa.

''Si Minzy nga kagabi kulang na lang patulugin ako sa cr eh'' kwento naman ni Daesung.

''Eh ikaw oppa?'' tumatawa namang tanung ni Chae.

''Naya?? Huh!!'' pagyayabang nito at inayos pa ang damit bago sabi

''Syempre! Tiklop! Ako pa ba!'' dito na halos maiyak kakatawa ang magkakaibigan nang dumating ang BlackPink na tila wala pang tulog.

''Oh! Unnie!'' masayang sigaw nila at yumakap kay Chae.

''Uhmm.. kamusta design ng gown niyo?'' nakangiting tanung nito dahil full force ang entourage nila.. they want everyone to be their bridesmaid and bestman, problema na lang nila sina Jennie at Jinhwan na hindi parin talaga nag uusap.

''Uhmm.. lovely unnie.. so excited na din!'' masayang sabi nila nang mapansin nang mapansin nilang may pinapanood ang Bigbang at panay ang tawa.

''Oppa?! What's that?'' curios na tanung ni Jisoo sabay tayo sa likuran nila nang makita si Bobby na pasigaw sigaw pa.

''Heeeeeee!!! Bobby!!!!'' sigaw nito.

''Wae?'' takang tanung ni Rose ganun din ang Bigbang

''Waeyo?'' tanung ni Seungri

''Oppa.. that's Bobby right?!'' turo ni Jisoo

''Ne, wae?'' balewalang sagot ni Seungri nang sikuhin siya ni Deasung.

''Ah!!! ito.. ahhh matagal na to.. tara na nga!'' pasakalye ni Seungri at tumayo na nang harangin siya nina Rose, Lisa at Jisoo.

''Ani.. Aniyo oppa.. let us watch it''

''Ya! hindi niyo na ba nirerespeto ang mga kuya niyo?!'' kunwaring sigaw ni Seungri nang tumayo si Jiyong.

''Ah kasi ganito yun.. biglaan kasi yung lakad kagabi.. tapos umuwi din naman kami'' paliwanag nito when Hayi walked in kaya lalong nataranta ang Bigbang dahil sila ang nagsabing isekreto na lang muna nila yung party at lalo silang malalagot pag nagsumbong ang mga ito sa mga ate nila.

''Oh! Hayi! Ahhh may paparinig ako sayo'' agad namang akbay ni Top kasi alam nilang sakanila magagalit ang kanilang mga dongsaeng.

''Kakain muna ako oppa'' sagot naman nito at naglakad nang mapansin niyang tila masama ang loob nina Jisoo.

''Waeyo unnie?'' tanung nito

''Alam mo ba kung nasan si'' hindi natuloy ang sasabihin ni Jisoo nang tumayo si Mino at hilain niya si Hayi.

''Hayi ah! masarap yung tobboki ngayon! Tara kuha tayo! Love! Share na tayo ah'' pakindat na sabi ni Mino nang biglang mag walk out ang BlackPink.

''Humanda siya mamaya'' inis sa bulong ni Jisoo bago tumalikod.

''Ya! wala silang kasalanan!!!!'' sigaw naman ng Bigbang na pakamot kamot ng ulo.

''Kasalanan na naman natin to!'' natatawang sabi ni Top.

Habang kumakain si Hayi ay biglang dumating si ONE.

''Oh hyung! Mianhe hindi ako nakarating sa surprise party kagabi.. kakarating ko lang eh'' nakangiting paumanhin nito sabay tapik kay Mino habang napabuntong hininga naman ang Bigbang at natatawa si Chaerin.

Screw Perfect! (Will love be enough Book 2)Where stories live. Discover now