Part 80 - Happy birthday Appa!

647 12 2
                                    

Sorry naman ang busy lang talaga si inday! ehehe konting katatawanan muna tayo mga kapatid! 


Halos magkandapa dapa na ang iKon kakatakbo dahil ilang oras na lang ay darating na galing sa birthday trip si YG.

'' Ya hyung!!! hindi yan jan!'' pawisang sigaw ni Bobby nang makitang sinasabit ni Mino ang mga balloons sa upuan.

''Wae! wae!'' tatawa tawang sigaw din ni Mino dahil naghahanda sila ng surprise post birthday party kay YG.

''Aisht! ako na nga!'' pawis na pawis ding bumaba sa ladder si Chanwoo at inagaw ang balloon sa kamay ni Mino.

''Wooooh kanina si Hyun tapos ikaw naman! wooohh!!! omo! mga maknae talagang hindi na takot sa mga hyungs ah!'' kunwaring pang aasar ni Mino kaya natawa ang Bigbang na busy sa pag aasikaso nang video, monitor at soundsystem sa gilid.

Ang mga asawa naman nila ang abala sa pagluluto sa mga pagkain dahil gusto nila ay personal kaya nagtulong tulong sila.

Ang BlackPink naman ang nagde design nang mga cupcakes habang si Hayi ang set up nang flowers as their center piece.

''Ya oppa!!!'' biglang sigaw ni Hayi kaya napatingin ang mga ito nang makitang naputol ni Hoon ang isang pulang rosas.

''Aisht! jinja!!!'' maktol ni Hayi habang natatawa naman si Hoon

''Mianhe.. hindi ko sinasadya''

''Aisht!! dun ka na nga!!! sumbong kita kay Seulgi eh!''

''Sorry na talaga'' paumanhin nito nang biglang lumapit si Hanbin at pinaikutan nang clear tape ang tangkay ng rose sabay abot sa nobya.

''Oh, okay na'' nakangiting abot nito kaya nagpalakpakan bigla ang iKon  at Winner

''Aisht! dun nga kayo!'' taboy ni Hayi kaya natatawa sila Lalo.

''may topak na naman girlfriend ko hyung, tara na nga!'' hila ni Hanbin kay Hoon at naglakad palayo habang tatawa tawa naman ang Bigbang dahil sanay na sila sa topak ni Hayi.

Sa bahay naman nina Bom ay napakaingay dahil andun lahat sa mga bata na naglalaro at naghahabulan, nakikisigaw din naman si AZ na nakaupo sa baby chair.

"Aigoo! gusto na din makipaglaro ang bunso namin?" malambing na tanung ni Bea kaya lalong umirit ang bata

"Omo! ya! baby.. parang hindi ka yata ganyan sumigaw sa bahay?!" tumatawang sabi ni Minzy habang naghahalo ng niluluto habang abala na sina Dara at Hyorin na naglalagay sa lalagyan dahil darating sina Jjangmae at Tae Hee para kunin ang mga pagkain.

"Mi!!" pautal utal na tawag ni Jerry kay Bom kaya tuwang tuwa silang lahat.

"Aigo ang kuya marunong na mag mommy ah! say omma!" nakangiting utos ni Hyorin nang biglang yumakap sa binti nito si Jerry kaya lalong natunaw ang mga puso nila.

Magdadalawang taon na kasi si Jerry at Angel kaya andami na nilang nasasabing salita habang si Jian naman ay "ni" pa lang ang nasasabi kaya tuwang tuwa si Jiyong dito dahil akala mong matanda kung ibigkas ang "ni" o aniyo

"Dara, tapos na to" biglang tawag ni Bom kaya agad naman lumapit si Dara para isalin sa lalagyan ang naluto nila nang biglang magtakbuhan sina Jian at Baylee kaya napasigaw si Bom.

"Omoooooooo!!!" dahil sa gulat ng dalawang bata ay bigla silang naiyak kaya agad binuhat ni Minzy si Baylee at ganun din si Hyorin kay Jian.

"Sorry po" natatawang halik ni Bom sa dalawa kaya wala silang nagawa kundi tumawa lang dahil sa mga bata. Habang lumalaki kasi ang lima ay lalo silang nagiging malalapit sa isa't isa dahil bukod sa weekly bonding nilang magpapamilya ay madalas silang nagkikita kita.

Screw Perfect! (Will love be enough Book 2)Where stories live. Discover now