Part 42 - Two endings

736 10 15
                                    

Dalawang linggo na ang nakakalipas nang bigla na lang namatay at nawala ang balita dahil narin sa mga sinampang kaso ng YGE sa mga naglabas ng balita at natakot ang iba na baka sila naman ang sumunod.

Dalawang linggo na ding nasa US si Kiko at hindi parin sila nag uusap ni Yuski. Habang si Chaerin ay umiiwas na kay Mino samantalang si Hanbin ay hindi alam panu haharapin ang nobya.

(Mga kapatid!! pakinggan niyo po itong song na to na magsisilbing theme song ng episode na ito hehehe sobrang sakit! maski ako naluluha.. salamat!!)

Chaerin and Mino scene.. 

Isang linggo na ang nakalipas nang aminin nitong naghiwalay na sila ni Mino pero hindi na nila ito pinaalam sa media dahil ayaw niyang mas dumagdag pa sa problema ng YG.

''Chae!! attend ka ba sa baby shower ni Minzy?'' tanung ni Taeyang nang makasalubong niya ito sa YGE.

''Oppa!! bogoshipo!'' masayang yakap nito.

''Nado!! aigoo!!'' nakangiting yakap ni Taeyang.

''Oppa! jangkaman.. nakita mo ba si Jiyong oppa?! isang linggo ko na siyang hindi nakikita ah''

''Oh nga eh.. last time na nakita namin yun lasing na lasing''

''Anu na ba ang balita sakanila? wala naman na yung issue diba?''

''Yeah but still.. mahirap parin para kay Dara.. hindi parin daw sila nagkikita eh.. namimiss ko na din si Jian'' malungkot na sagot ni Taeyang.

''Haaay, si Kiko unnie.. balita ko hindi parin sila nag uusap ni Yuski''

''Naawa din ako kay Kiko pero naiintindihan ko si Dara..  oh sige na, may meeting pa ako.. sleep over ka sa bahay namimiss kana ni Angel'' paalam nito sa dalaga,yumakap naman ito bago nagpatuloy sa paglalakad nang makasalubong nito si Mino pero dahil pinilit na niyang maging normal na parang okay na ang lahat.

''Oi! aga mo ah!'' biro ni Chaerin pero seryoso lang na nakatingin si Mino.

''Ya! inaway ka ni Irene no?!"' kanchaw ulit nito nang walang anu anu ay niyakap siya ni Mino.

''Bogoshipta'' mahinang sabi nito na kinatigil ni Chaerin.

''Ya!'' kunwaring tulak nito pero hinila ulit niya ito pabalik kaya napatahimik si Chaerin at nangilid ang luha dahil miss na miss na niya ang dating nobyo but she acted fine.

''Mino.. may problema ba? nag away ba kayo ni Irene?'' kunwaring hindi nito narinig ang sinabi niyang namimiss siya nito.

''Ani''

''Oh, bakit ganyan ka?'' sabay tulak sa binate.

''Mino, maya na lang tayo mag usap kelangan ko lang kasing magpaayos ng buhok para sa shoot'' pagsisinungaling nito.

''Pwede bang mag usap tayo?'' seryosong tanung ni Mino.

''Oh nag uusap naman tayo ah.. '' kunwaring tumawa ito

''I'm serious''

''Oh.. okay.. so san mo gustong pag usapan?''

''Come'' sabay hila nito sakanya pasakay sa sasakyan nito.

Habang nasa daan sila ay tahimik lang si Mino na tila malalim ang iniisip nang mag ring ang telepono nito at nakitang si Irene ang tumatawag, ang alam niya nasa shoot ang nobya nito.

Screw Perfect! (Will love be enough Book 2)Where stories live. Discover now