Part 76 - Pata story

619 12 6
                                    

''Mauna na kayo, susunod ako.. daanan ko lang si Chaerin'' nagmamadaling paalam ni Mino dahil kelangan nilang umalis pa US.

''Chae honey, stop it'' saway ng ina ni Chaerin dahil buong araw nang nagwawala ang dalaga dahil hindi na magkasya ang trial wedding gown nito few months ago.

''I'm fat mom! I'm fat!'' umiiyak na sigaw nito habang nakadapa sa kama at aburido lang din na nakatingin ang mga tauhan nang tailor. Ito ang naabutan ni Mino na eksena kaya agad nitong nilapitan ang nobya.

''Love, what's wrong?'' nag aalalang tanung nito.

''I'm fat! the wedding gown won't fit! and I'm frustrated! I hate my body!'' umiiyak na sigaw nito, napatingin naman si Mino sa mga babaeng nakatayo sa pintuan maging sa ina ni Chaerin.

''Omma, can you give us time? please?'' pangiti ngiting pakiusap nito kaya iniwanan nga sila nang mga to.

''Come here'' yakap ni Mino, aminado naman itong anlaki ng tinaba ni Chaerin in just a few months dahil wala itong masyadong show ay nawiling tumambay lang sa bahay at hindi na rin nag wo work out.

''Love, ampanget ko na''

''No your not''

''I am!'' umiiyak paring sagot ni Chaerin habang nakayakap sa binata.

''You're not okay, come.. try it again and let see what we can do''

''Shiro!''

''Love, I have a flight to catch.. come on please'' malambing nitong hinaplos ang luhaang nobya kaya sumunod naman ito at sinukat ulit ang gown nito.

Nang makita ni Mino na parang nahihirapan ang nobya ay hinila niya ito para tulungan pero dahil sa mermaid style ang gown ay hindi talaga maitaas, natawa naman nang bahagya si Mino kaya umiyak na naman si Chaerin.

''See!!! you're laughing cause I'm fat!!!!'' sabay hubad nang gown, agad namang isinuot ni Mino ang robe nang nobya at kinandong.

''Hindi kita tinatawanan'' pigil na pigil ni Mino ang matawa

''Sinungaling! alam ko pinipigilan mo lang!'' dito na hindi napigilan ni Mino ang sarili kaya hinalik halikan na lang sa balikat si Chaerin.

''Panu ba kasi lumaki yang pata mo love'' sagot nito kaya tinulak siya ni Chaerin at padabog na binuksan ang pintuan.

''Get out!'' umiiyak na utos nito kaya lalong natawa si Mino cause he finds it so cute kaya hinila niya ulit ito at kinandung.

''Hinding hindi magbabago pagmamahal ko sayo tandaan mo yan okay? wag ka nang magalit.. pinapatawa lang naman kita'' pangiti ngiting sagot ni Mino pero masama parin loob ni Chaerin.

''Umalis kana bago pa kita masapak''

''Tingnan mo to, halos mabangga na nga ako kanina kasi sabi ni Mommy emergency at hindi ka tumitigil sa pag iyak tapos papalayasin mo ko'' kunwaring tampo nito nang biglang yumakap ang dalaga at tila batang nagsusumbong.

''Eh kasi hindi na kasya yung gown pati yung shoes!!!'' at tinuro pa ang sapatos kaya napapatawa si Mino, alam kasi nitong hindi talaga siya galit kundi aburido lang.

''Mag gym ka kasi.. hindi ka daw na attend sabi ni Hwangbu hyung eh''

''Ayoko! napapagod na ako! hindi parin ako pumapayat!'' mula naman sa pintuan ay biglang nagsalita si Harin.

''I told her to stop eating sweets oppa''

''Get out'' malditang utos naman ni Chaerin pero hindi nakinig ang kapatid at pumasok ito at pinulot ang gown.

Screw Perfect! (Will love be enough Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon